CHAPTER FIVE

12 2 1
                                        

"Kanino to? " Tanong ko habang hawak hawak ang royal softdrinks na nasa upuan ko.

"Tingin mo? Shan said.

Napatitig ako kay Shan, base sa mga tingin nya ay alam ko na kung kanino galing to. Ang tanong e para sa akin ba talaga to. Ayaw ko lang mag expect.

"Masyado ka nang malihim ha." Nangingiting dagdag pa nito.

Noong isang gabi kasi ay tinatanong nya kung sino yung katawagan ko every night. Yeah. Katawagan talaga kasi gabi gabi ko ng hawak yung cellphone ko habang nakatapat sa taynga ko. At sa sobrang hina ng boses ko kapag nakikipag-usap ay kulang nalang yung tenga ng mga kaboardmate ko ang mag adjust.

I've been talking to Lopez every night.  And i really dont know what we have. Wala lang. Kontento lang talaga kami sa ganoon. Na pagdating ng 9 pm we started to talk na akala mo walang balak matulog kasi mostly 1 am na kami natatapos mag usap and  pagdating naman ng umga parang di kami magkakilala . Halos di kami magpansinan sa classroom.

" Shan, it's Psalm." I said.

"Huh?" Natigil sya pagsusulat at tumingin saken.
"Anong meron kay Psalm na laging tulog?" sabi nya pa.

" Sya yung lagi kong kausap sa phone. " Pag amin ko dito.

"OHMYGOD" bulalas nito. "SABI KO NA EHHH NAKAKAHALATA NAKO SA PATAGONG USAP MO E " dagdag nya pa at sunod sunod na ang rants.

And that night. Hindi na kami nakapag advance reading dahil nag-usap nalang kami tungkol sa mga nakaraang nangyayare.

****

  Naglalakad ako sa kainitang field ng school habang nakasunod sa mga kaklase ko papunta sa room. Galing kasi kami sa Laboratory dahil may ginawa kaming activity.

" Itim itim mo na nga nag papainit kapa" Psalm

Napalingon ako sa aking tabi ng biglang may nagsalita.  Habang hawak-hawak nya ang payong na akala ko e papayungan ako  ang walanghiyang to. Di man lang nagshare tapos makalait e wagas.

" Edi sana  pinayungan mo nalang ako kesa nanlait kapa diba?" Sagot ko dito.

"Ayaw ko. Di tayo kasya."

"Abat----" dali dali syang tumakbo papalayo dahil hahampasin ko sya ng syllabus na dala ko. Actually kanina pampandong ko to, pero parang ansarap nyang ipanghampas nalang.

Napakasama ng ugali ng walanghiya. Kaya naman pagkadating ko sa room ay agad ko syang sinabunutan.

"Ouch my hair!" Pabaklang sabi nya.

Seryoso ba talagang lalaki to? Sa isip-isip ko. Ang arte walangya. Agad ko syang tinalikuran dahil nagdadatingan na ang mga classmate naming malisyoso. Baka maissue pa. Mahirap na.

"Lagot ka sakin mamaya" pambabanta ko rito.

" Wooooo nakakatakot" nakangising sabi nya.

Ansarap batuhin nakakainis.

We settle for that arrangement for almost 5 months. Yeah.  Five months. Ganun lang ang routine namin palagi. We're classmate kapag magkasama kami. Kontento na sa small talks na nagagawa namin. And pagdating ng gabi. Nag uusap kami na para bang hindi kami magkasama kanina.  Minsan gigisingin ko sya ng 3 am para mag review .  Na nauuwi lang sa pag uusap na mga walang kwentang bagay. Yeah. We settled.  We settled for that kind of set up . Hanggang doon lang.

Pero minsan napapaisip ako. Hanggang doon nalang ba?

UNBRIDLED FEELINGSWhere stories live. Discover now