Napatigil ako sa pagtawa ng bigla nalang may kung sinong bumangga sa akin.
"Ay sorry" wika nito.
Di na ako nag abalang lumingon dahil boses palang ay kilala ko na ito.
Nitong mga nakaraang araw ay masyado akong busy. Kaya halos hindi ko na pansinin ang nasa paligid ko. Isama mo pa ang presensya ni Cielo na halos dumagdag na sa stress ko.
Hindi ko alam kung mahal ko paba talaga yun o nanghihinayang nalang ako sa taon na pinagsamahan namin. Madalas na akong mairita sa presensya nya na hindi naman dapat. Ah basta ayaw ko nalang isipin.
"Ano Ayen sasama kaba?" Tanong ni Jan.
Napatigil ako sa pagbabasa at napaisip. Lastweek kasi ay nag disect kami ng manok. Hindi ko naman alam na gagawin pa palang skeleton yung buto, e chinapchap ko pa naman yun. Kaya naman kailangan namin ulitin yung pagda disect nito.
"Saan ba?" Tanong ko pabalik dito.
"Kila Lopez, madaming manok yun eh" wika nya.
"Sige" yun na lamang ang nasabi ko at pinagpatuloy ang ginagawa.
******
"24/7?" Tanong ko kay Shan.
Nag-aakit kasi itong pumunta doon kasama ang iba naming kaklase. Pagod pa ako mula sa lakad namin kanina galing kila Lopez. Na sana hindi nalang ako sumama. Hindi ko akalaing doon ko makokompirma yung babagabag sakin noon paman. Sumasakit lang lalo yung ulo kapag iisipin ko pa.
"Pwede bang pass muna? Masakit ulo ko e" sabi ko rito.
"Ikaw bahala" sagot nya at umalis na.
*MESSAGE*
Napatingin ako sa cellphone ko . Hindi messenger ko ang tumunog kundi message ringtone ko. Agad akong nagtaka dahil walang ibang nagtetext at tumatawag sakin.
"Hi si Lopez to"
Napapikit ako hindi dahil sa inis kundi dahil ayaw ko nitong nararamdaman ko. Dahil alam kong hindi tama ito.
"Hello" reply ko dito.
Na sana hindi ko nalang ginawa dahil hindi ko alam kong tama ba na nagreply pa ako.
****
"Okay paba kayo ni Cielo?" Tanong sakin ni Shan isang gabi habang kumakain kami.
" Hindi ko din alam." wika ko dito.
Kung tutuusin halos hindi ko nadin sya nakakausap . Hindi dahil sa busy ako, naging okupado ako sa ibang bagay.
It's been a month. It's been a month na halos di na kami nag uusap ni Cielo dahil naging ukopado nako kay Lopez.
Yeah. I know it's a wrong thing kasi first of all. Me and Cielo have no proper break-up. We just ghosting each other. And after that I started talking to Lopez.
Actually enjoying his company. We don't have a thing. We we're just exchanging text and throwing a memes to each other.
And i know it's not a good thing kasi nahuhulog na ako.
Yes. My feelings for Cielo is gone. Im no longer into him. I'm just staying beside him because nanghihinayang ako sa pinagsamahan namin.
And yeah. I know naman na I'm going to regret this. But hindi pa naman ngayon diba?
