SIMULA

6 0 0
                                    

SIMULA

This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

I scrubbed my hands thoroughly. I remember studying about this in my pre-med, kailangan daw dalawang happy birthday ang kantahin while following the steps for proper handwashing but this is different. I am about to go inside someone's body so I have to make sure every corner of my hands are clean kahit naka gloves naman. It's very simple, but it makes me easily anxious kaya umaabot ako ng ilang happy birthday until I am fully satisfied.


I fixed my mask and went inside the operating room. The nurse helped me wore my coat and gloves at lumapit na ko sa pasyente.


"Doc, ikaw nang bahala saakin ha?" ngumiti ako sa sinabi ng pasyente. The amount of trust they give me is still surreal for me. Parang noon lang, mismong ako walang tiwala sa sarili ko.


"See you when you wake up, Annalyn." I answered very genuinely and saw her smile before they put her on oxygen. Annalyn has a septal defect, we're going to do a repair in this operation.


Huminga ako ng malalim, I offered a little prayer for this heart operation. Ilang beses na kong pabalik – balik sa loob ng operating room ngunit walang nagbago, may konting pangamba parin ako sa buhay na hawak ko. Nang maayos nang nakabwelo, I faced the room head – on. "Okay, let's begin. Scalpel?"


Natapos ang operasyon sa tamang oras na may magandang resulta. Hopefully after a few months, normal na ang puso ng pasyente. I slowly walked in the white hallway of the hospital. This is what my life is now, hindi ko din inakala na kaya ko palang maging doctor, na parang hindi ako nagduda kung tama bang pinipili ko ang propesyon na to.


I know I wanted to become a doctor when I was younger, but the more I proclaimed it, the more life stops me from achieving my dreams. Doon ako unti – unting nagduga na baka hindi ito para saakin at na baka pinipilit ko lang kaya ang daming hadlang.


But I am here now. I made it. We made it. Naging doctor ako, heart surgeon pa.


"Dra. Legaspi!" I stopped walking when a nurse called me and looked at her confused. Medyo hinihingal pa siya at bumwelo muna bago magsalita "Dra. Consult daw po sa room 214, VIP daw po at urgent." Sambit niya bago muling huminga ng malalim.


"Okay, umupo ka muna at pupunta na ko." I answered her calmly. I made my way fast to the room. Since nasa ibang floor ako need ko pang magelevator. I know that these VIP patients are really not urgent, gusto lang nila agad ng atensyon dahil naiinip pero baka totoo nga naman kaya binilisan ko parin.


I knocked twice on the door before finally pushing myself in. "Hello, I am Dra. Le—." Nabitin ang paunang bati ko nang dumapo ang mata ko sa pasyente. Smiling widely at me is Ishan.


"Hi Avana!!! Long time no see." Malakas at masayang bati niya sakin. Natulala ako nang ilang sandali, kinabahan ako bigla kaya't umikot agad ang paningin sa buong kwarto baka sakaling nandito siya. Hindi maaari.


Nahalata ata ni Ishan na may hinahanap ako kaya't ngumisi siya lalo. "Wala pa Ivana." Nakahinga ako ng maayos ngunit nagpanggap akong walang pake at tumango na lamang. "It says here that you're having a hard time breathing." Lumapit ako sa kanya upang iexamine siya ng maigi, ngunit parang okay naman tong si Ishan. Pinagloloko ba ko neto? Nahalata niya ata sa itsura ko kaya nagsalita siya ulit.


"Sobrang hindi ako makahinga kanina! Pwede ba ko magpaconfine dito?" kumunot ang noo ko sa tanong niya. Wala ba siyang magawa? Sinong tao ang magaaksaya ng pera dahil gusto maconfine? Lumayo ako sa kanya ng konti. "If you want, we can conduct some tests para masigurong okay ka lang. If everything is okay kahit hindi kana magpaconfine." Sagot ko sa kanya ng mahinahon. Ngumiwi naman siya don at may binulong sa sarili.


"Kahit ilang araw lang?" pamimilit niya. Tumaas ang kilay ko, ano kayang trip neto? Mukhang dinadamay pa ko! Madami akong pwedeng puntahang ibang pasyente kesa sa kanya na mukhang nagdradrama lang at umaarte! "I suggest you undergo some tests? Kung masama pakiramdam mo pwede naman magpaconfine ng ilang araw. You have the money anyway." Ngumiti siya ng malaki doon. Sinenyasan ko ang nurse na nasa pinto para asikasuhin na siya. I told the nurse the tests to be conducted and made my way to the exit.


"Babalik ako dito pag nakuha na ang result mo, aasukasuhin ka muna nila." Ngumit ako ng bahagya at yumuko para umalis ngunit bago pa ko makalabas ng tuluyan, bumangga ako sa matigas na dibdib ng nakasalubong.


Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko pa tinataas ang mga mata ko ngunit alam ko na agad kung sino ito. Hindi titibok ng ganito ang puso kung ibang tao.


"Bro! nandyan kana pala!" eto ba yung sinabi ni Ishan na wala pa? Ni hindi ko inintindi kanina na oo nga hindi niya diretsyong sinabi na dadating nga. Hindi siya sumagot.


I am Avana Leigh, I am always brave and bold. Pero tuwing siya ang pinaguusapan parang naduduwag ako, hindi makakilos at hindi makasalita. I am always looking for him in the crowd kahit alam kong malabong makita siya, pero ngayong asa harap ko na siya parang hindi ko kaya, hindi pa talaga ako handa.


It can't be like this forever, no it can't. I moved my head up, and I was greeted by his light brown eyes. Before it was warm, but now it feels empty. I see nothing but a face without emotions.


"Ivana." My heart skipped a bit when he said my name. Sinarado niya ang kanyang labi na parang pinipigilan pang magsalita.


"Kai." I said softly, it almost felt like a whisper. Bahagya akong nagulat nung tumunog ang aking cellphone sa bulsa and I answered the phone without even looking at the caller. My heart skipped a beat when he called my name earlier but my heart stopped when I heard who's on the other side of the phone.


"Momma? Is your operation done?" My four-year-old son asked. 

As I Hear YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon