Unti – unti nang pumipikit ang mata ko habang nakatingin sa ppt presentation sa harap. Malumanay ang boses ng professor ko at saktong alas-dos pa ng tanghali ang schedule niya sa pagtuturo, idagdag mo pa na sa baguio ang lokasyon ng university na to kaya talagang nakakaantok!
Umayos ako ng upo at medyo naginat ng mga paa. Focus Avana! May quiz sa susunod na meeting.
Hindi maiiwasang antukin tuwing klase pag asa med school ka, kung tuwing gabi eh puyat kang nagaaral at nagbabasa. I was in front of the classroom, kasi para maging attentive ako dahil alam kong kitang – kita ako ng instructor kaso hindi ko talaga mapigilan ang antok.
So, I tried my best to listen and took notes para malibang until matapos ang klase. Alas – kwatro na at susunod na ang last kong klase na matatapos ng 7 pm. I quickly grabbed my stuff para lumipat ng ibang hall.
7 am – 7 pm ang klase ko from Monday to Friday kaya nakakapagod, ang natitirang dalawang araw pa ay gagamitin din para sa pagrereview at pagbabasa ng mga libro. In med school, there is no rest. Ganun talaga ang sistema ng academia sa bansang ito, at pag naging doctor ka bihira din ang pahinga pag naguumpisa ka pa lang.
I sat on the third row dahil na occupy agad ang harap, pwede na din to. I was listening intently until nabother ako sa nagkwkwentuhan sa likod.
"There's a basketball game right now, naglalaro daw si Ruiz!" dinig kong bulong ni Crestianne sa likod ko. "Oo nga daw! Bakit kasi hanggang 7 pm ang classes natin, paniguradong tapos na yun!" Sagot naman ni Adelaine. Tumingin ako sa likod para samaan ng tingin ang dalawa kong kaibigan, nang bigla kong narinig ang instructor.
"YOU! THREE, what are you murmuring about?" Gulat na gulat akong binalik ang tingin sa harapan. Gagi ba't pati ako??
Pare – pareho kaming hindi nakasagot. Nakatulala lang ako sa harap. First time kong masigawan! "Out now!" Kalmado ngunit walang emosyon niyang sinabi. Nakatulala parin ako nang hinigit ako nung dalawa sa likod palabas ng classroom.
Hindi ko alam ang nangyari, walang tao sa hallway dahil nasa klase pa ang mga med students. "Avana!!!! Sorry na agad!!!" madramang sabi ni Adelaine, may pahawak – hawak pa sa braso ko. Crestianne was looking at me like she was so apologetic kahit alam kong masaya tong dalawa na napalabas sila.
Adelaine and Crestianne are my friends way back from elementary, along with two other girls, Demara and Revaya pero hindi sila nag med school. Demara is in law school while Revaya took business management and is now currently handling their business. We all became friends dahil same subdivision kaming lima kaya sabay – sabay kaming umuwi noon.
"Shuta kayong dalawa, nadamay pa ko!" sabay irap ko sa kanilang dalawa.
Tumawa si Crestianne at humawak na din sa braso ko at bahagya akong hinila palakad.
"Halika sumama ka samin!" Sambit niya habang pababa na kami ng hagdan. 6 floors ang meron sa building na to. Nasa last two top floors ang for med school, the rest down are for pre – med programs naman.
"Wait! Saan tayo pupunta?" I asked nung asa fouth floor na kami. May daan sa fourth floor papunta sa third-floor ng library. Dadaan muna sa labas na merong mga bench para upuan ng mga estudyante. "Sa gym! Manuod tayo may basketball game!!" Masayang sagot ni Adelaine.
"Hindi na ko sasama, uuwi na lang ako." Sambit ko pabalik. Huminto silang dalawa at tinignan ako ng may determinasyon. "Napalabas na tayo kaya sulitin na natin!" Sagot ni Crest na parang may pinaglalaban. "Tama tama, wala kang choice!" Dagdag naman ni Adelaine at hinigit na nila ako!
BINABASA MO ANG
As I Hear You
RomanceAvana Leigh has always been brave and bold. Well, atleast until Kairos Elio.