Tao ako at ika'y isang kometa.
Kaya wala akong magagawa
kundi tumingala sayo at pag-hangaan ka.
Dahil kahit anong gawin ko ay 'di kita ma-aabot sa layo nang pagitan nating dalawa.Hanggang dulo, hanggang tingin nalang ba talaga?
Dahil sa tindi ng titig ko sayo,
baka matunaw ka.Hinihintay ko na ika'y bumagsak sa kalangitan "mahulog ka"
ang aking sambit.
Handa na mundo ko ay magunaw basta ikaw ang kapalit.Kasi
Sa ganda ng sinag ng 'yong apoy ay aakalain na buhay ka pa.
Ngunit ang totoo, ang kalooban mo ay matagal nang patay na.
Anlamig mo na.Nababalutan ng yelo ang puso mo.
Hirap ka nang makahinga, at sa bawat buka ng 'yong bibig ay mayro'ng usok na bumubuga.
Habang sa 'yong mga mata, ay may mga luha na tumutulo na.Dahil
May kadiliman sa'yo na bumabalot.
Pag naubos nito liwanag mo, 'di ka 'ba matatakot?Sa tagal mong naglalakbay sa kawalan nang walang kasama,
Magagalit ba ang kadiliman 'pag sa akin ka sumama?Kung hindi,
Bakit 'di ka na lang mahulog sa daigdig ko?
Para maramdaman mo ang pag-ibig ko,
at ang init ng mga titig kong tutunaw sa puso mong gawa sa yelo.Kaya't
Mali bang hilingin sa bulalakaw
na sakin ay mahulog ka?
Na ang imposible ay gawing posible na?
Suntok sa buwan kung pumusta,
Ako'y aamin na, mahal kita.