Nag-pray nang nag-pray lang kami, hanggang sa nawalan na ng malay si Belle.Kaagad akong tumakbo sa kaniya at ito'y aking nilapitan."Belle!" Ang aking sigaw.
"K-kuya...Anong nangyari?" Pagtataka nito.
"Wala kang alam sa nangyari ket ni isa?"
"Wala,basta ang alam ko lang sumakit ang ulo ko." Kahit ni isang pangyayari ay walang alam si Belle,di rin niya alam ang tungkol sa kanyang pagwawala.
"Buti pa iuwi mo na yan,at ako na ang magpapaalam sa principal natin." Sabi ni Mrs.Lopez
"Yes po ma'am, thank you po talaga..." Ang aking tugon.
Inuwi ko na nga si Belle sa kanilang bahay at laking pagtataka nila tito at tita.
"Ohh...Bat parang ang aga niyo naman?" Pagtataka ni tita.
"Tita,hindi po kayo maniniwala sa sasabihin ko pero na possess po kani si Belle sa school."
"What?" Gulat na gulat na reaction nila tito't tita.
"Yes po at kahit ako ay hindi makapaniwala."
"Bakit siya na possess?"
"Hindi ko po alam basta tinawag lang po ako ng classmate ko and nakita si Belle na nagwawala at tumirik ang kanyang mga mata."
"Ok ka lang ba anak?" Tanong ni tito kay Belle.
"Ok lang po ako pa,medyo masakit lang yung ulo ko." Sagot ni Belle.
"Sige na mahal dalhin mo na si Belle sa kwarto niya upang makapahinga." Sabi ni tito kay tita.
Habang dinadala ni tita si Belle sa kwarto ay nakarinig kami ng sigaw.
"Ahhhhhhhh..." Boses ni tita na sumisigaw,kaya dali dali kaming pumunta ni tito sa kwarto.
"Anong nangyari?" Tanong ni tito.
"S-si Belle!" Sabay turo ni tita sa kisame.
"B-Belle!" Ang sigaw ni tito.
Nakita namin si Belle na lumulutang at halos dumikit na ang katawan nito sa kisame.
"Anong gagawin natin?" Tanong ni tita kay tito.
"Pari,kailangan natin tumawag ng pari.Dito lang kayo tatawag ako ng pari.Dylan samahan mo dito si tita mo at kung may mangyari tawagan nyo lang ako." Sabi ni tito.
"Opo tito." Sagot ko.
Kaagad sumakay ng sasakyan si tito at nagmamadali upang tumawag ng pari.Inabot ng halos kalahating oras ang aming paghihintay at sa wakas ay dumating na sila tito kasama ang pari.
"Kailangan nating ibaba ang bata at igapos upang hindi mag pumiglas." Sabi ng pari.
Nagtulongtulong kaming hilahin pababa si Belle at tyaka iginapos sa kama.Na pansin ko rin na ang putla niya at may mga sugat sugat sa braso na ani mo'y kinalmot.Inihanda ng pari ang kanyang mga kagamitan tyaka nagsimula.
"Kung sino kamang nilalang na nasa katawan ng batang ito umalis ka na.Sa ngalan ng Diyos Ama,lisanin mo ang katawang ito,lisanin mo!" Sabay saboy ng holy water ng pari sa katawan ni Belle.
Nagpupumiglas si Belle at halos makawala na sa pagkakagapos.
"Waahahahahhahah!Wahahahahhaa!" Tumawa ito ng nakakatakot.
Then tinanggal ng pari ang kwentas na suot nito at isinuot sa aking pinsan.
"Ang sagradong medalyang ito ay siyang magbabalik sayo sa lugar kung saan ka nararapat."
"Ahhhhhhhhhh!" Sumigaw ito ng napakalas"Magbabalik ako! Magbabalik ako!" Ang huling sabi nito at tyaka nawalan ulit ng malay si Belle.
"Anak!" Sabi ni tita at agad niyang nilapitan si Belle.
"Ma?" Pagtataka nito.
"Ok ka lang ba?"
"Yes po I'm okay..."
"Hindi pa natin napoksa ang demon or spirit na sumanib sa anak niyo and anytime maari itong bumalik." Sabi ng pari.
"Ano po ang gagawin namin?"
"Kailangan kong malaman kung saan siya unang nasaniban baka nandoon ang clue upang mapoksa ang demon na gumagambala sa anak niyo."
"Sa school po,sa school po siya unang na possess." Ang aking sabi.
"Pwede nyo ba akong samahan sa school tomorrow?" Tanong ng pari saamin.
"Yes po willing po akong samahan kayo." Tugon ko.
"Bukas ng hapon pupunta tayo sa school at isasama natin si Belle.Wag niyo ring tatanggalin ang medalyang nakasabit sa kaniyang liig."
"Yes po father." Sabi ni tita.
"Sya na at uuwi nako,ihahanda ko na ang mga gamit na gagamitin bukas."
"Iihahatid ko na po kayo." Sabi ni tito sa pari.
Inihatid na ni tito ang pari,at si Belle ay pinagpahinga muna pagkat ito'y nanghihina.