Kinabukasan ay naghanda na kaming lahat,then pagdating ng hapon ay sinundo na namin si father at dumiretso sa school.Habang papasok kami ng school ay nakita kami ni Mrs.Lopez.
"Oyyy Dylan! Anong ginagawa niyo Dito?" Tawag sakin ni ma'am.
"Ma'am diba po na possess po si Belle kahapon."
"Yes! Bakit?"
"Ma'am sinaniban din po siya pag-uwi namin tas ito kasama namin si father upang poksain ang spirit na sumanib kay Belle."
"Pero bakit?"
"Kasi po sabi ng spirit babalikan daw niya si Belle."
"What?"
"Yes po...Pwede nyo po bang tulungan kami?"
"Uhhmm...Hindi ko kayo matutulungan pasensya na haa..."
"Ok lang po ma'am.Thank you."
Pagkatapos naming mag-usap ni ma'am ay nagpatuloy na kami sa paglalakad kasama sina father,tito,tita,at si Belle.Habang kamiy naglalakad ay biglang sumakit ang ulo ni Belle at ito'y nahilo.
"Wait lang po nahihilo ako." Sabi ni Belle na namumutla.
"Why anak?" Tanong ni tita sa kanya.
"Ewan ko ma...Ang bigat din nang pakiramdam ko."
"It is a sign na malapit ang spirit na gumagambala sa bata." Sabi ng pari.
"Kabang kaba kaming lahat sa sinabi ni father,hanggang sa nangyari na naman ang bagay na kinatatakotan namin.Unti unting nawawala sa sarili si Belle,and ilang minutes lang ang lumipas nag start na naman siyang magwala.
"Waahahahahhahah..." She started laughing ng nakakatakot,and kasabay nito ang pag-ikot ng kanyang ulo ng 360⁰.Na shocked kami sa nangyari at hindi mapaliwanag ang nangyari.
"Ilagay niyo siya sa gitna." Sabi ng pari.
So nilagay namin si Belle sa gitna Ng court ng school.
"Hali kayo! Tulungan nyo kong palibotan ng kandila at asin yung bata." Sabi uli ng pari.
Pinalibotan namin si Belle ng kandila't asin,then nag start na si father magbanggit ng hindi familiar na words.
"Kung sino kamang espiritu na gumagambala sa batang ito layuan mo na siya." Sabay saboy ni father ng holy water sa katawan ng aking pinsan.
"Hindi! Aking lang ang batang Ito,akin lang..."
"Beatrice tama na!" Nagulat nalang kami ng sumigaw si Mrs.Lopez.
"Ma'am?" Tanong ko sa kanya.
"Alam ko kung sino ang sumasanib sa pinsan mo siya ay si Beatrice,she is my twin.Namatay si Beatrice dahil sa isang accident,nahulog siya sa building ng school na ito,at kahit maraming taon na ang nakalipas hindi niya parin tanggap na patay na siya." Saad ni Mrs.Lopez.
"Ate tulongan moko!" Sigaw nito.
"Bea tama nato,tama na..." Sabi ni Mrs.Lopez sa kaluluwa ng kambal nito.
"Gusto lang naman kitang makasama ate,gusto ko lang naman na maging masaya ka."
"Hindi ito ang tamang paraan,may tamang panahon Bea at alam kong someday magkakasama narin tayo."
"Ate..."
"Layoan mo na si Belle."
Humangin ng napakalas at namatay lahat ng kandila.Lumabas sa katawan ni Belle si Beatrice ang twin sister ni Mrs.Lopez na sumanib kay Belle.Lumapit ito kay Mrs.Lopez at siya'y hinagkan,at habang sila'y nagyayakapan nakikita ng dalawa naming mga mata ang unti unting paglaho ni Beatrice.
"Ma! Pa!" Sigaw ni Belle.
"Anak!" Sigaw nila tito at tita.
Nilapitan namin si Belle at ito'y niyakap.
~End~
Grammatical Errors Ahead!
Typographical Errors Ahead!