Simula

3 2 0
                                    

Babe

"Isang chapter na lang talaga"
Ay alas- 3 na pala, grabe madaling araw na pala. Hindi man lang ako nagkaroon ng magandang tulog. Paano naman kase ay kapanapanabik na ang mga nangyayari sa kwentong binabasa ko. At oo kung nag-iisip kayo, isa akong reader sa Wattpad at writer na rin, hehe. Nagbabasa para malibang, matuto at para na rin makakuha ng ideas para sa mga istoryang ginagawa ko. May nabasa ako noon na isang kwento lang daw ang dapat gawin para di malito at maghalo-halo ang mga ideas, pero meron akong tatlong ongoing stories ngayon. HAHAHA. Pasensya na tao lang. Ang dami kasing ideas ang pumapasok sa utak ko kaya naman di ko pinapalagpas at sinasayang, ginagawa ko na agad-agad itong kwento. Hindi ko naman pina-publish kaagad yung dalawa kong story. Yung isa lang talaga ang nakapublish at ongoing kong story. Malay nyo yung hinahangaan kong author favorite nyo din. Oh diba goods. Ako pala si Dorothea Olivia Del Ocampo, 18 year old at kasalukuyang freshmen sa Oriental Mindoro University. Oh diba ang taray naka University si mayora. And Tourism kahit di maganda at maputi, tangkad lang puhunan. HAHA. Ewan ko ba, magto-tourism ako kahit nagsusuka ako sa van HAHAHA.
(Kringgg)
Nagulat ako sa tunog ng alarm ko. Grabe alas-kuatro na kaagad. Ang bilis naman. Naalala ko na kailangan ko na palang maghanda. Syempre maganda kasi ako kaya ako ang magluluto. 7:00 nag-start ang klase ko kaya naman maaga akong nagprepare. At kahit ayaw ko na talaga mag-aral ay nagpapatuloy pa rin ako kase may pangarap ako.

So, nakatira ako sa isang komunidad na magkakamag-anak ang nakatira. Katulad dito sa amin, magkakapit-bahay lang sina papa at mga kapatid niya pati na rin mga pinsan ko na may asawa na. Sa kabilang baranggay nakatira ang lola ko sa part ni mama. At doon din nakatira si Caleb, at siya ang crush ko. Napakatalino niya sa math. Yung tipong nagsosolve pa lang kami(nagsosolove din po ako kahit mali) eh tapos na siya at nakasagot na. Tapos ang linis niya sa damit, matangkad at pogi pa. Since grade 10 ko pa siyang crush at college na kami eh di pa nagfe-fade-away yung feelings ko. Kaloka, lakas ng dating mo sa akin pre! Kaso sa magte- 3 years na feelings ko kahit alam niya ee halata naman na walang pag-asa. Di ko din nga alam kung alam na ng mga kapatid at magulang niya ee. Bigla kase akong binabati ng mama niya tapos laging ngini-ngitian. Tinatawag pa ako ng mama niya sa palayaw ko. Oh diba tindi ng effect ko sa kaniya. Pero di pa din ako umaasa, gusto ko sa kaniya mismo mang-galing.

Hustle ng Online Class pero dahil may pangarap ako di ako pwedeng basta-basta na lang susuko, panganay din ako kaya dapat fight lang. Maaga nag-start online class ko kaya naman medyo inaantok pa. Patago na lang akong nagkakape at kumakain ng pandesal ngayon. Kailangan din kase may laman ang sikmura para makapag-process nang maayos ang utak ko. Maaga akong natulog kagabi at nagbasabasa na rin ng may mga kaugnayan sa topic namin ngayong araw. Nakagising ako bandang ala-una. Di na ako nakatulog kaya nagbasa na lang ako.Tumunog ang cellphone ko para sa isang message sa Telegram. Lumalandi din naman ako ee. Loyal naman ako kay Caleb pero alam ko kase na walang pag-asa kaya syempre lumalandi ako. Nakilala ko si David sa dating app. And he seems very nice and good-looking plus points na yung may lahi siya. Minsan nga iniisip kong i-let go na lang si Caleb dahil makakahanap pa siguro ako ng iba pero parang immature naman pag ganun kase sa kanya ako nahulog tapos sa iba ako babagsak. Parang ang sama ko namang babae nun.

David:
Hey Oli, good morning
Have you eaten? How are things?

Sweet. Pero parang nakakakonsensya naman. Pero nakikiramdam kase ako eh. Nagtype ako ng reply. Mabait siya kaya dapat maging mabait din ako.

Ako:
Hello Dave, good morning too.
I'm currently attending my online class and at the same time eating my breakfast. hbu?

Nasundan pa ang mga message ni David pero nagfocus na lang muna ako sa Online Class ko. Mamaya ko na lang muna siya imi-message back kase busy ako sa studies ko.

What Lies in the Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon