I really like it
Ibinababa ako nina Vree at Tito sa tapat ng aking hindi ganon kalaki na boarding house. Kakaiba ang boarding house ko kase ako lang mag-isa ang nakatira dito. Para itong mini condominium unit.
Pagpasok ay bubungad na ang aking brown na sofa at isang mini table, pero hindi totally maliit HAHA. Wala akong tv kaya medyo maboboring mag-stay dito ang isang tv addict. Wala man akong tv pero meron naman akong speaker na ginagamit ko pag wala akong ginagawa at nasa mood mag sound trip.
Pag nasa may sofa ka ay tanaw na tanaw ang aking mini kitchen na may sink at nandon na din ang aking lutuan, ang ref at meron din akong stock-an ng mga groceries at lagayan ng mga pinggan at iba pa. Sa gilid nito ay ang cr na may shower naman sa loob.
Sa isang gilid pa ng kitchen ay katabi nito ang pinto ng aking kwarto. Maliit lang din ang kwarto ko at may design itong kung ano-anong umiilaw na stickers ng galaxy. I'm a big fan kase ng mga stars lalong lalo na ang moon. And my favorite formation of moon is Crescent.
Naglinis na ako ng katawan at nagpalit. Kailangan ko na nga pala magluto ng aking hapunan.
Lumabas na ako para makapagluto na.
Nasa Gloria sina mama at ang mga kapatid ko. Natuluyan na ang pag-aaway nina papa at mama at nag hiwalat na talaga sila. Nakatira sina mama ngayon malapit sa bahay ng lola ko sa part ni mama. Merong bahay don ang tito ko at pinaupahan muna ito kay mama. Kasalukuyan si mama nag-aayos na ulit ng mga papel para mangibang bansa ulit at target ni mama na sa Qatar naman magtrabaho. Sabi kase ni mama dapat daw pag magka-Qatar at kailangan muna na sa Saudi Arabia ka naunang magtabaho kase di daw ata tatanggapin pag di doon nauna. Madali naman na kay mama ang mag-ayos kase may vaccine na sya. Yes po kahit wala ng Covid required pa din pag lalabas ng bansa. May vaccine na si mama at 8 years pa bago mag expired ang kaniyang passport.
Tinamad na ako magluto ng kanin kaya naman nagluto na lang ako ng noodles.Kumakain na ako ng noodles ng may narinig ako na bumusina sa labas. Dali dali kong binuksan ang pinto dahil nagtataka ako sa sasakyan na bumusina sa harapan. Hindi naman kase pwedeng si Vree yon kase tamad yong mag midnight gala.
Pagbukas ko ay tumambad sa akin ang napakapoging si Calvin. May dala itong bouquet of red ang white roses. Napanganga ako sa lalaking nasa harapan ko. Nakasuot siya ng black na v-neck tshirt na hinahapit ang matigas niyang braso at isang faded maong jeans. Dahil sa suot niyang v-neck ay mas lalong nadepina ang kaniyang mucles at ang kanyang sexy na Adam's apple.Nabalik ako sa wisyo ng tumaas ang gilid ng labi niya at nagsalita.
" Hindi ka pa ba ready babe? I already told you na meron tayong date ngayong gabi! Nakalimutan mo ba o wala ka talagang balak sumama." natameme ako sa sinabi niya.
"Sayang ang opportunity babe, di ka ba nanghihinayang? Idedate ka ng isang napakapoging nilalang."Ayos na sana noong una kaso biglang yumabang na ang isang ito. Tumaas ang altrapesyong ko sa sinabi niya.
" Hoy Calvin wag ka ngang mayabang diyan, at kung makapag salita ka eh feeling mo naman close tayo! Bakit? Close ba tayo?" Nakakagigil ang lalaking to. Akala mo magkaibigan kami kung maka-asta.
Napanganga ako ng tinawanan nya lang ako." Alam mo ba babe, lalo kang gumaganda pag nagsusungit ka. I really like it when you're irritated with me. Yang ang gusto ko sayo eh." presko ngunit seryoso niyang sabi. Nanatili ang kaniyang seryosong tingin sa akin.
" Saan ba tayo pupunta aber? Sa Hotel ba? Teka, bat sa hotel? Wag mong gagawin sa akin kung ano man yang iniisip mo." Nakangiti na siya ng makatapos ako sa pag sa salita.
Masyadong nakakatunaw ang mga ngiti niya. Sa di malamang dahilan ay napangiti ako at napapikit." Don't worry babe, di pa ngayon"
Dali- dali akong napamulat sa narinig ko. Aba ang gagong to.
"In your dreams"
"Para sa akin to diba?" Kinuha ko ang roses. Ay ang bango. Ano kaya pumapasok sa kukote ng lalaking ito at yayayain ako mag date. Pag kakatanda ko ay isang linggo pa lang noong una kung makadaupang palad ng gagong ito."Sige, magbibihis muna ako. Magpasalamat ka sa mababangong roses na ito, dahil sasama ako para sa kanila." Napairap muna ako bago pumanhik sa loob. Pambihira talaga ang lalaking iyon.
Dali dali akong naligo at nagbihis ng damit. Nag white dress na lang ako at isang flat sandals. Napangiti ako sa sarili ko ng tingnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Damn! Ang ganda mo beech.Nilock ko ang pinto ng aking boarding house naglakad na palapit sa kaniya. Pinailaw niya ang kaniyang sasakyan kaya naagaw nito ang pansin ko. Agaw pansin talaga ang kagwapuhan niya kahit nasa may medyo madilim na parte na ng kalsada. Bago pa ako tuluyang makalapit ay nakita ko ang ang kaniyang mga mata na seryosong nakatingin sa akin na para bang ako ang pinaka importante sa lahat.
#WhatLiesInThePast
********************************
Next Update: December 29
BINABASA MO ANG
What Lies in the Past
RomanceNabubuhay ng ayon sa takbo ng panahon si Oli. Isa siyang babae na may prinsipyo at pangarap. Pangarap niyang maka-alis na sa puder ng kaniyang mga magulang at magkaroon ng lakas ng loob mamuhay mag-isa. Sa una ay naging ayos ang lahat, Ngunit...