Kabanata 1

4 1 0
                                    

Let's Date

Halos masamid ako at masuka sa narinig ko galing kay Calvin. Ew. Ano kayang masamang hangin ang nagdala sa kaniya sa harapan ko at may patawag-tawag pa sa akin ng 'babe'. Yucks.
Nakita ko ang matatalim na titig sa akin ng mga babae sa paligid. Kung nakakamatay lang ito ay malamang tumba na ako. Napangiwi ako.Pake ko sa lalaking to, kung gusto niyo ay inyo na. Ihampas ko itong bag ko sa mga muka nyo. Naku. Bweset.

Hindi ko na lang sila pinansin at tuloy-tuloy na sinubo ang cake. Hanggang sa nasamid ako. I need water right now. Pero walang tubig kaya ito na lang kape. Pero nanlaki ang mata ko nang maramdaman na mainit nga pala ang kapeng ito. Leche. Pag minamalas ka nga naman oh.

"Ay shit. Leche." irita kong sinabi

"Buti nga sayo"
"Malandi kase"
"Flirt"
"MANG- AAGAW"

Namula na ako sa galit dahil sa bulong na naririnig ko sa paligid. Mga bweset. Wala akong naa-alala na may inagaw ako sa inyong mga kurikong kayo.

"Hoy kayo, mga bweset tumahimik nga kayo! Para kayong bubuyog bulong ng bulong. Ano pasampal sa inyo tig-isa mga 360 degrees, ganun! Ano? Labas kayo!"

Natameme ako ng may isang mainit na kamay ang yumakap sa bewang ko. Sino itong mokong na ito? Nanlamig ako nang maramdaman ang init ng hininga niya sa gilid ng tenga ko. Para akong nalusaw na sabon.

"Easy babe, wag mo na silang patulan. Ayaw kong nasasaktan ang mahal ko"

Ang kaninang nalusaw na sabon ay naging buo ulit dahil sa narinig ko sa makapal na mukang lalaki na ito. Ano kayang pumasok sa kokote nito at mahal daw ako. Naku. Kayong mga lalaki magpapakita ng motibo tapos pag pinatulan aayawan ninyo. Alam ko na iyan. Sa galit ko ay hinarap ko si Calvin.

"Hoy Calvin isa ka pa! Baka gusto mong makatikim din iyang muka mo ng 360 degrees na sampal ko. At anong mahal? Ni anino mo hindi ko man lang nakikita tapos mamahalin mo na lang ako. Ano yun love at first sight? Ew. Ang sagwa Calvin."

"Wag mong smolin ang pag-ibig ko sa iyo, dahil baka mas matagal pa kitang mahal kesa sa pagmamahal mo kay Caleb na hindi naman nasuklian"

Teka ano? Paano niya alam na matagal ko nang gusto at balak pakasalan si Caleb. Walanghiyang ini-stalk siguro ako ng kumag na ito.

"Walanghiya ka. Napaka stalker mo. Ang kapal ng muka mo."

Hinampas ko ang dibdib niya ngunit napakatigas nito kaya hindi man lang siya natitinag. Pwede kayang unan to? Hay naku! Leche.

"Easy babe. Hindi lang stalker, secret admirer din. Natanggap mo na ba ang mga roses at chocolates na pinadala ko?"

Bweset. Kaya pala may mga dumadating na flowers at chocolates sa bahay. Mapupuno na nga ang ilalim ng kama ko kakatago kay mama at papa. Yung chocolates naman ay kinakain naming magkakapatid. Sayang kase. Akala ko pa naman nagparamdam na si Caleb dahil tatlong buwan na akong walang pake sa kaniya. Umaasa ako dun ah. Tapos malalaman ko na galing pala lahat ng iyon sa kumag na ito. Mamahalin kaya mga iyon? Naku. Malamang. Si Darrius Calvin Ancheta ba naman ang magreregalo, eh kayang kaya niya ngang bilhin ang dalawang Mcdo at Jollibee ng hindi naghihirap. Well, anak mayaman ee. Kahit kase madalang ko makita ang lalaking ito ay may alam ako sa kaniya dahil sa mga taga-laway niya sa paligid-ligid. Napangiti ako sa katotohan na iyon. Hindi dahil sa mayaman siya  kundi dahil kahit mayaman siya ay nag-aaksaya siya ng panahon at pera sa katulad ko na simple lang pero maganda. Duh. Sisirain ko ba naman sarili ko. Pero baka naglalaro lang ang isang ito. Binalik ko ang tingin ko sa kaniya ng makitang nakangiti siya sa akin. Shit ang pogi niya talaga. Lahat perpekto. Ang hubog ng muka, perpektong panga, ang matang malalim at nakakapang-lambot, labing mapupula at malambot (masarap halikan), pointed na ilong at makapal na kilay. OMG. He's the real definition of the word PERFECT.

What Lies in the Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon