4

6 1 0
                                    

kinabukasan ay hapon na ako nagising, pumunta na ako agad sa CR para maligo. Habang naliligo ako bumabalik parin saakin ang nangyari nagpatugtog nalang ako sa cellphone para kahit papano mawala sa isip ko. Wala narin ngayon sina mama siguro ay pumunta na sa school ko.

Pagkatapos kong magbihis binulabog ng kaibigan kong si Claudia ang bahay namin. Kaya napatakbo agad ako sa pinto..

"Elissa!!! Elissa!"

"Hoy! Bakit ba?"

"Kamusta kana? Sinaktan kaba nila? Ano? Hoy!"

"O-okay lang ako clauds, anu kaba! Okay na talaga as in"

Pinaupo ko sya sa kama ko dahil nasa kwarto ko na kami, grabe nagpunta talaga sya dito para kamustahin ako, naiiyak ako ng marealize yun napakababaw ko talaga. Charot.

"Sino yung lalaking tumulong sayo??? Pogi?"

Natawa naman ako at nakuha pa nyang tanubgin kung pogi ang nagligtas sa akin, how funny she is! Hahaha.

"Nathan at Fred daw"

"Fred? Nathan? Familiar sya Lisa, san ko ba yun narinig hmmm"

"Aww bahala na clauds, ang mahalaga niligtas nila ako thanks to them..."

Napahiga nasya kaagad sa kama ko at iniisip parin bakit familiar ang mga pangalang yon. "Usap usapan ka sa school kanina" aniya ni claudia.

"Bahala na sila kung ano man yang issue nayan hahahaha"

Narinig kona ang boses ni Mama't Daddy, inaayos na nila ang gamit nila dahil kakarating lang. Nagmano naman kaagad si Claudia. Bago kami kumain ng dala ni mama ay naghain na muna ako at saka nagtanong si mama.

"Paano mo pala isasauli ang damit ng lalaking nagligtas saiyo?"

"Hmmm, siguro po hanapin ko nalang sya sa social media para sa ganun ay malaman ko kung saan kami magkikita"

"Sure ka ba na gusto mo ng lumabas Elissa? Baka hindi mo pa kaya dahil sa nangyari"

"Ma, okay na po ako. Hindi naman po maiiwasang maalala ko po ulit iyon, pero wag po kayong magalala di po ako kung san san na pupunta"

Sinasabi ko lang ang mga salitang yan kina mama dahil sa ayaw ko silang magalala sa akin, baka kasi kung ano pa ang magawa nila. Magdodobleng ingat nalang talaga ako para hindi na yon mangyari.

Nakakain narin kami at saka na nagpaalam si Claudia sa akin dahil sa hapon na baka kung mapano din siya.

"Ichat mo ako kapag nakauwi kana" aniya ko.

Tumango naman sya at saka ngumiti bago lumisan sa bahay ko. Pagkaupo ko sa kama ko ay agad kong kinuha ang Cellphone ko ng mahanap ko ang social media account ng lalaking tumulong sakin pero paano ko mahahanap kung Fred lang ang alam kong ngalan nya?

Hindi na ako nag-abalang hanapin kaya naman nagpasya na akong matulog, pinatay ko na ang ilaw sa kwarto ko saka na natulog.

_____

Umaga na ng magising ako dahil sa papasok na ulit ako sa school, Kailangan kong pumasok dahil onting panahon nalang eh mageexam na kami para sa 1st Semester.

Naligo na ako at nag ayos para makaalis na ng bahay dinala ko narin yung polo ni fred na nagligtas sa akin, pagkatapos non ay hinatid na ako ni daddy sa school dahil gusto nya raw makasiguro sa pagpunta ko ng school. Nandito na ako at saka na nagpaalam kay papa, halos lahat ng istudyante ay nagtiitinginan sa akin malamang sa malamang alam na nilang lahat ang nangyari sa akin.

Sinalubong naman ako kaagad ni Claudia at saka sinamahan dahil lahat nga ng mata ay nasa akin. May isang nakakapanibago lang sa akin dahil walang umaaligid sakin, Si Eric. Alam ko namang hindi nya ako tinulungan ng mga araw na iyon pero di ko naman sya sinisisi sa nangyari sa akin. Habang papasok na ako ng room namin may babaeng bigla akong sinalubong ng sampal, nagulat ako at natulala sakanya.

"Anong pinagkakalat mong di ka tinulungan ni Eric ha?!" Aniya ni Fritzie na kaklase ko.

"W-wala akong pinagkakalat na ganon"

"Kapal naman ng mukha mong pagsabihan ng ganon ang..."

"Ex-boyfriend" bulong ni Claudia saakin, Ex nalang pala bakit ganyan sya makareact sa akin.

"Wala nga akonh sinasabing ganon, Act mature Fritzie di kana bata para manampal pa ng ganyan"

"Ah! So you're saying na i'm immature?!" Hinila nya ako palabas pinipigilan naman sya ni Claudia pero tinulak lang ito ni Fritzie. "Enough!!" Sumigaw ang lalaki sa gilid namin "I said Enough! Bitiwan mo sya ..."

"E-Eric babe ...Sya naman kasi talaga nauna"

Napatingin ako sakanya at saka lang kumunot ang noo ko. What the heck ako ang nauna?

"Stop calling me babe, i don't even know your name. Don't touch ellisa again... kundi malilintikan ka sakin"

Huh!? What on earth is going on? Nakahits basya? Anong nakain nya? Iniwan na nya kaming dalawa ni Fritzie sa corridor at saka nagsisigaw sa irita si Fritzie dahil napahiya sya sa lahat. Nagtataka ako sakanya anong nangyari?

Nagsimula na ang klase pero lumilipad parin ang utak ko sa nangyari kanina, palagi nalangg akong ganito nagiisip ng mga nangyari. I can't even think na baka sinaniban ng kabaitan si Eric.

At pagkatapos ng klase namin ay agad na akong lumabas, natanaw ko naman sa field si Eric na nagmumuni-muni doon at saka sinisipa ang punong-kahoy agad akong lumapit sakaniya at saka siya kinalabit.

"Uhm, hello?"

"What?" Naiinis nyang tugon saakin.

"Uhm, bakit mo nga pala ginawa yun?"

"Yung alin?"

"Yung kanina?"

Tumahimik na ako at saka pinagkrus ang braso ko habang nakatayo sa tabi nya, syempre wala naman syang magiging ibang tugon kundi ang mga ganyan. Ano pabang mapapala ko sakanya?

"I like you" aniya nya kaya naman bigla akong napatingin sakanya ng gulat "what!? Hibang kaba nakahits ano?"

"I said i like you, Ilang beses mo na akong hindi pinapatulog and yes! I regret that day because of not helping you to that guys!"

Nanlaki parin ang mga mata ko habang nakatulala sakanya, imean di naman ako ganoon kagandahan, i don't even know anong nagustuhan nito saakin... Is he really like me? Or pinaglalaruan nya lang ako?

"Look, i don't know what are you saying but ..."

"But what!?" Naiirita nya paring tugon sa akin.

"B-bye" Umalis na ako kaagad habang dala dala ang mga gamit ko, bigla nalang akong tumakbo papalabas sa gate at may nabunggo akong lalaki, laking gulat ko ng makita ang Fred na nagligtas sa akin.

"H-hello?"

Tumingin lang sya sa akin na parang walang emosyon ang mukha nya, dali dali kong ipinatong amg libro ko doon sa may waiting shed kung saan sya nakatayo. "Ah ito nga pala yung polo mo, thank you for saving me again"

Kinuha nya kaagad sa akin ang polo nya at saka tumingin sa kalangitan, wala ba syang sasabihin? Ang seryoso nya talaga at parang ang tahimik.

"Mauna na ako ha, thank you again"

"Take care" aniya niya.

Ngumiti lang ako sakaniya at saka na ako pumunta sa gilid ng waiting shed dahil nakita kona ang sasakyan namin.

___________________________________________________

The Painful Love (Ongoing)Where stories live. Discover now