5

3 0 0
                                    

"Yun nga eh! Nababaliw naba ang Eric nayon?" Aniya ko habang katawagan si Claudia sa telepono, di kasi talaga ako makapaniwala.

[Eh gurl! Baka naman kasi talagang nafall sayo! Ano kaba!]

"Ganun kabilis Clauds? Nahihibang kana din ba?"

[Hahaha di mo alam pano pumana si kupido! Sige na magrereview pako para sa test natin!]

"Oo sige na bye!" Ibinaba na kaagad ni Claudia ang linya ng tawag, saka naman ako umupo sa side table ko, pano kaya kung totoo? Gusto nya ko? Ah Erase! Erase! Mali! Mali talaga. Nagvibrate naman ang phone ko at saka ko ito tinignan.

| Eric Alister Klontz sent you a friend request |

WTH!? Sumunod pa ang pagvibrate at saka ko na tinignan ang message request nya.

Eric Alister Klontz:
Hello, sorry to bother you for a while, gusto talaga kita.

Eric Alister Klontz:
Please, seen this message.. I'm sorry for all what i did.

Eric Alister Klontz:
Can i court you?

HOMAYGHAD! ANG LAST MESSAGE! NO! NO! NO! Di ko naman sya gusto pero sobrang natataranta ako! It gives me butterflies! Omg!

"Nak! Halika rito!" Biglang sigaw ni mama, kaya agad naman akong nag-ayos ng gamit ko at saka lumabas ng kwarto. Laking gulat ko ng nandito nasya sa harapan ko! Agad-agad?

"M-Ma?" Aniya ko habang napatingin kina mama at daddy. "Tignan mo nga naman dy! Unang manliligaw" sabi ni mama napahilamos naman ako sa mukha ko at saka ko tinitigan si Eric ng masama.

"Shush, Don't be so rude infront of your parents... Nagpaalam ako ng maayos. Ayaw mo kasing sagutin ang chats ko" Sabi ni Eric sakin sabay abot ng bouquet of flowers. Tulips ang ibinigay nya, ang paborito kong bulaklak ay sunflower.

"Hindi yan ang paborito kong flowers, umalis kana please??" Aniya ko agad naman syang tumayo at ngumiti saakin at saka nagpaalam kina  mama na aalis na. Agad ko rin namang iniwasan sina mama dahil alam kong magpapaulan sila ng mga tanong sa akin..

Aba, after what happen?! Ganito kaagad... Ahhh!!!!! Ayoko na. Basta ang unang makakapagbigay saakin ng sunflower ng hindi man lang ako tinatanong kung anong gusto ko, sya na talaga. Hays .

Wala na akong magagawa dahil mukhang napapayag naman na sina mama, nagsimula na akong magreview ng mga aralin, dahil gaya nga ng sabi ko malapit-lapit na ang exam namin.

Onting kembot nalang gragraduate din ako, hahaha jokes! 3years pa! Gustong gusto ko talaga ang kursong kinuha ko, aba kung magkakaroon ako ng business yun ay ang accessories store mahilig din kasi ako doon.

Nagpasya na akong matulog at saka naman nagpaikot-ikot sa kama dahil sa hindi ako makatulog. Akalain mo nga naman tong lokong tukmol na ito, pumapasok pa sa utak ko ng dis-oras ng gabi. Ahhhh! I can't take it. Grrr!

____

Di ko na namalayang nakatulog na pala ako at heto kakagising ko lang, pero inaantok parin ako what a mood.

Inaayos ko ang sarili ko sa salamin ng kwarto ko at saka napagalamang dapat pala nagmamadali nako dahil exam ko na pero nandito parin ako sa salamin, tumakbo nako sa CR at saka naligo at hindi na malaman kung anong uunahin. Habang nag-aayos nako ng mukha ko biglang pumasok sa isipan ko ang pangalang "Eric" like what the heck may gana pang pumasok sa isip ko ang lalaking iyon?

Kinuha ko na ang bag ko atsaka nagpaalam na kay mama at daddy na aalis na papara na sana ako ng jeep para makasakay pero may huminto sa harapan ko na isang kotse, kulay puti at nakita ko sa loob nayon si Eric, binuksan nya yung pintuan nya at saka ako inayang sumakay, Natural lang bang maging pabebe ako? ahhh juskopo syempre natural yun...pero bakit nakasakay na ako dito?

Tinignan nya ako na parang onti nalang matutunaw ako rito wag naman nya sanang gawin saakin ang ganito mamatay ako eh "hey, don't look at me baka gusto mong mamatay tayo ng sabay?" pinagkrus ko ang braso ko at saka tumingin sa bintanan agad naman syang tumawa ng palihim saakin. 

"Oo gusto ko mamatay kasabay sayo" Sabi nya sakin 

Di ko nalang pinansin kasi nga baka kung ano pang kakornihan ang sabihin nya saakin bahala na sya sa buhay nya, nga pala nandito na kami sa school at bumaba nako sa sasakyan nya "Bye, una na ako" kumaway sya saakin at saka lang ngumiti. Nahihibang naba talaga  sya? Napailing iling nalang ako papunta sa classroom ko para sa exam. I need to be focus, gusto ko makapasa.

Binigay na saamin ang mga test papers at saka na ako kumuha ng pansulat at sinagutan iyon like i'm proud to say na nasasagot ko pa ito ng maayos at confident na makapasa  dito . 

"Ok guys, done na ang lahat?" Tanong ng Prof namin at lahat naman nagsabi na tapos na daw sila, minsan nakakatawa lang ang mga kaklase ko stressful naman kasi talaga ang maging college hindi naman same yun nung Junior Higschool ka lang, pahirap na ng pahirap yan.

Nagring narin ang bell at saka ko tinignan ang orasan ko for sure hindi pa tapos ang klase non at makakatakas ako sakanya baka kasi sunduin ako eh. Habang naglalakad ako ay dumaan muna ako sa cafeteria at saka bumili ng ice cream. Nakita naman ako ni Claudia kaya lumapit ito sa akin.

"Hello my dear bestfriend Hahahah stressful ang first day ng exam noh?" Tanong nya saakin habang bumibili rin ng ice cream.

"Oo ang hihirap nga ng tanong pero atleast nakaya nating sagutan Hahahaha grabe"

Nagtawanan kaming dalawa at saka nagpasyang lumabas na ng campus nakita naman namin kaagad ang mokong nayun sa gate, kala ko pa naman makakatakas ako dun.

"Ayiee, nandito na pala yung manliligaw mo ..." Pang-aasar ni Claudia, napatingin naman ako sakanya na parang naiirita na pero tumawa lang sya "bye bff! Kaya mo nayan! Malaki kana"

"Hoy! Sandali lang!" Sigaw ko pero nakasakay nasya ng jeep at kumaway pa ito.

"Talaga bang nagaantay ka dito? Bakit ka ba nandito ha?"

"Susunduin ka"

Binuksan nya na yung pinto ng kotse at saka ako nginitian. Sumenyas nasyang pumasok kaya sumakay nalang ako kesa naman magpabebe ako rito, Ps! Di ko gusto sumakay ah napipilitan lang.

_____________________________________________

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 11, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Painful Love (Ongoing)Where stories live. Discover now