Loving Mr. Difficult- Chapter 2 Part II

51 0 0
                                    

Chapter 2 part 2

                Kinabukasan, nagising ako ng maaga, mas maaga pa sa usual ko na 8 o’clock para makapag job hunting na kasama si Izzy. Kabilang kasi sa plano ko na pagiging independent ang pagkakaroon ng trabaho na kahit part-time lang. Ang plano ko kasi ay ang maiipon ko sa allowance na ibibigay sa akin ni Daddy ay ibibigay ko sa orphanage o kaya sa Tahanan ni Maria at ang magiging sweldo ko sa trabaho na makukuha ko ay para sa akin, yun yung pagkakasyahin ko sa araw-araw na pangangailangan ko.

                Pagkatapos ko maligo at magbihis ay dali-dali naman akong pummunta sa kwarto ni Izzy. Pagbukas ko sa pintuan niya ay nakita ko pa siyang natutulog at may naisip ako na plano kung paano siya gigisingin.

                Pumunta ako sa CR malapit sa kwarto niya at kumuha ng isang tabo nna puno ng tubig. Bumalik ako sa kwarto niya at tinabihan siya sa kama. Noong una ay balak ko lang na wisik wisikan ang mukha niya, pero ng di talaga siya magising pagkatapos ko halos maubos ang kalahati ng tabo ay ibinuhos ko na ang lahat ng natitirang tubig sa mukha niya. Sana lang ay may camera ako na hawak hawak nuon kasi sobrang nakakatuwa ang mukha ni Izzy.

                “TIIIIIAAAAA! Anu ba ang pumasok sa isipan mo para gisingin mo ako sa ganitong pparaan? Di k aba makapaghintay?” Tanung sa akin ni Izzy pagkatapos niya ako bigyan ng pinakamasama niyang tingin.

                “So-haha-rry, na Izzy, haha, ayaw mo kasing magising e, hahaha” sabay sabi ko pero di ko pa  rin mapigilan ang pagtawa ko at ang tanging ginawa na lang niya ay iaguis sa mukha ko ang unan niya at nagpatuloy sa CR niya para makaligo.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

“Pagod na ako Tia, di ka pa ba nakakahanap ng gusto mong trabaho? Halos nalibot na natin itong buong mall ah,” sabay sabi sa akin ni Izzy.

                Tinignan ko naman siya at halata na sa mukha niya na pagod na talaga siya, ang problema ay ayoko talagang magtrabaho sa mga napuntahan naming mga store. Di ko aakalain na ang pagiging Tatiana Oliver ko ay magiging daan para maging empleyado ako sa napakaraming stores. Nakakadismaya na talaga ang nangyayari sa lugar naming, hindi porket mayaman ang pamilya ko kailangan may special treatment na nangyayari.

                “Sandali na lang talaga Izzy, sa Supermarket na lang tayo pumuta ha? Baka sakaling mas maganda ang palad ko dun, heto oh, maglaro ka muna sa phone ko,” Sabi ko sabay bigay sa kanya ang iPhone na bagong bigay lang sa akin ni Daddy na nilagyan niya lahat ng latest games para daw sakaling mabored ako sa bahay nila tita.

                “Hala sigurado ka ba Tia? Mukhang bago pa itong phone mo ah?” Tanung niya sa akin sabay tingin ulit sa phone ko na parang sasambahin na niya ito.

                “Okay lang talaga Izzy. Ikaw naman, parang iba ka pa, e di ko naman yan magagamit habang iniinterview ako mamaya di ba? Tsaka para kasing nabobored ka na habang kasama ako e, kaya sa iyo muna yang phone ko para di ka mainip ha?” Sabi ko sabay hatak sa kanya papuntang supermarket kasi parang ayaw na niyangg umalis sa pwesto niya habang nakatitig sa phone ko.

                Pagkadating namin sa manager’s office sa supermarket ay napanganga ako. Andito na siguro ang pinakagwapong lalaking nakita ko so far. And tangkad niya, siguro mga 6 ft o mas matangkad pa, mahahalata mong anak siya ng isang banyaga o may parte na may pagkabanyaga dahil sa kulay ng kanyang mga mata na kulay berde, na kitang kita ko mo dahil sa halata ito sa maputi niyang balat at maitim na buhok. Siguro ay nnaglalaway na ako dahil sa kagwapuhan niya, at patuloy siguro akong nakatulala sa kkanya kung hindi siya binati ni Izzy.

Loving Mr. DifficultTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon