Chapter 3
Kinabukasan na ang unang araw ko sa eskwela, at dahil ito ay isang Public School, kailangan naka civilian at mga Private School lang sa lugar naming ang mga may uniform. Isa ito sa mga di ko nagustuhan sa system nila kasi kailangan pang araw-araw mag-isip ng kailangan na susuotin pero sabagay, may magandang maidudulot ito, katulad ng di na gaanong kailangan gumastos lalo na’t halos lahat ng nag-aaral sa Public Schools ay galing sa mahihirap na parte ng bansa.
Maaga kaming umalis ni Izzy sa bahay nila para maitour pa niya ako sa school nila dahil siguradong pag na late kami ay ang pangit na ang first impression ko sa mga teacher duon.
“O, ito naman ang courtyard, madalas kasing hindi kami nabili sa Canteen tuwing lunch kasi sobrang dami ng tao kaya nagbabaon na lang kami at dito nakain. Wag kang mag-alala, Tia, papakilala kita mamaya sa mga kaibigan ko. Mababait sila at siguradong makakasundo mo sila kaagad,” sabi ni Izzy sa akin ng nakita niyang medyo matamlay ako.
“Ah, hindi, okay lang ako Izzy, may iniisip lang kasi ako e. Napakalaki pala nitong school niyo no? Akala ko kasi medyo maliit at hindi ganito karami ang mga tao,” sabi ko.
“Tia, talagang malaki ang school pag Public kasi maraming mga kabataan ngayon ang galing sa di gaanong mayaman na mga pamilya. Pero alam kong hindi talaga yan ang nasa isip mo, anu ba kasi talaga ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan?”
‘Busted’ nasabi ko sa sarili o kaya sinabi ko na lang sa kanya ang tunay kong iniisip.
“Baka kasi iba ang ituring nila sa akin kapag nalaman nila kung sino ako talaga, katulad sa unang kong High School, o kaya naman ay kamuhian nila ako dahil galing ako sa mayamang angkan,” sabi ko at para akong naiiyak sa mga sinasabi ko.
“Hindi naman siguro. Marami namang Tatiana Marie Oliver sa buong mundo ah,” sabi niya at ng binigyan ko siya nang isang disbelieving look ay nerephrase niya ang kanyang sinasabi, “ I mean, marami naman sigurong Oliver’s sa Pilipinas, at saka nasa Public High ka na ngayon, di na nila iisipin na mayaman ka. Tignan mo nga ang suot mo, pang mayaman ba ang damit na yan?” Tanung niya sabay tingin sa suot ko.
Hmm…Kung titignan ngang mabuti at di mo nakikita ang labels, aakalain mo nga kung saan lang binili ang mga damit ko na isang ripped jeans, green tank top na pinatungan pa ng isang cropped top na hanggang ribs ko lang.
“Pero sure ka ba talaga, Izzy?” sabi ko. Alam ko naman na di ako pagsisinungalingan nang pinsan ko pero mahirap na.
“Kailan ba ako nagsinungaling sa iyo, Tia? Maniwala ka lang sa akin, okay? Hindi ka rin naman gaanung mapapansin dito sa sobrang dami ba naman ng mga estudyante,” sabi niya at nilingon ko nga ang paligid at sobrang daming tao nga. Sa dati kong school ay 25 na estudyante lang per room at 2 rooms per year so ang buong school naming ay 250 students lang kung isasama ang mga 7th graders, pero dito, mukhang 60 people per room at 7 rooms per level, so approximately 1,680 studentts ang nag-aaral sa SVHS.
“Ay, bahala na nga lang si Lord mag-guide sa akin. Basta wag mo akong iiwan izzy ha?”
“Oo, bakit ko iiwanan dito ang paborito kong cousin?”
“Kasi I’m your only cousin,” sabi ko sabay punta na kami sa room naming dalawa. Thankfully na lang talaga at parehas kami ng classroom.
BINABASA MO ANG
Loving Mr. Difficult
Teen Fictionito ay isang story ng isang babaeng gustong baguhin ang mga nakasanayan, Si Tatiana o Tia ay anak ni Mr. Oliver ng Oliver Enterprises, after Years of going in a posh school, gusto niyang makaexperience ng bago kaya pinilit niya ang tatay niya para m...