Pagsakay pa lang sa Fortuner ni Clifford ay binuksan na kaagad niya ang usapan tungkol sa palitan ng Facebook comments nito at ng kuya niya. Pinapangako niya si Clifford na hindi na ulit magko-comment sa post niya. Kung may gusto man itong sabihin ay ideretso na lang as private message sa kanya.
Nang iliko si Clifford ang Fortuner papasok sa SCTEX ay nagkaideya na kaagad siya kung saan sila papunta. Pero gusto niyang makasigurado kung tama ang sapantaha niya. "Sa Anvaya ba tayo pupunta?"
"Oo."
Nanlaki ang mga mata niya. "Seryoso ka? Bibili ka nga ng lote?"
Nagkibit-balikat ito. "Sayang din. Pre-selling pa. Makakapamili pa tayo ng magandang spot."
"Tayo? Anong tayo?" gilalas na tanong niya. "Ikaw lang, ano! Milyones, take note, with E and S. Milyones ang halaga ng property doon! Two bedroom condo pa nga lang, almost eight million na, di ba? Eh di, lalo na kung lot ang bibilhin? At wala pa akong gano'n kalaking pera."
"It's okay. Ako na ang bahala doon, sweetheart. You don't have to worry about the cost," balewalang sagot ni Clifford.
Umangat ang kilay niya. "What does that mean? Sinisilaw mo ba ako sa pera mo, Clifford?" aniya saka humalukipkip.
Sumulyap ito sa kanya, naaaliw na ngumiti. "Ikaw? Masilaw sa pera?" Umiling ito. "Baka nga kapag inabot ko sa iyo ang SALN at pass book ko, pilasin mo lang at ihagis pabalik sa mukha ko kahit hindi mo pa natitingnan man lang."
Umismid siya. "Alam mo naman pala. Eh bakit isinama mo pa ako rito?"
Bumuntonghininga si Clifford, saglit na sumulyap sa kanya bago ibinalik ang atensyon sa kalsada. "Hindi naman talaga pagpili ng lote ang totoong dahilan kaya gusto kitang isama, sweetheart. Pumayag ka ngang ligawan kita, pero ramdam ko naman na may pader ka pa ring inilagay sa pagitan nating dalawa. Hindi ko tuluyang maangkin ang puso mo. Ramdam kong hindi ka pa lubusang nagtitiwala sa akin."
Nakagat ni Pretzhel ang labi. Imbes na sumagot ay tumingin siya sa labas ng bintana. What Clifford said was the truth. She'd been rejecting his invitation because deep in her heart, there is still this hesitancy and fear that wouldn't go away.
May trust issues talaga siya.
Especially with Clifford.
She loved him then and she's in love with him still. He can make her happy, but he can also break her to bits. And the prospect of getting her heart shredded to pieces frightened the hell out of her.
She's afraid she won't be able to recover.
"Para makuha ko ang puso mo, dapat makuha ko muna ang buong tiwala mo, sweetheart. At umaasa ako na ngayong araw ay maipakita ko sa iyo na hindi ako nagsisinungaling. Na wala akong itinatago."
Imbes na sumagot ay pinanatili na lang ni Pretzhel ang paningin sa labas ng bintana ng kotse.
Nagulat pa siya nang gagapin ni Clifford ang kamay niya at dalhin sa labi nito. "I'm reaping what I sow. I'm the one who placed that fear in your heart. But I'll do all I can to undo what I did, sweetheart," naninikluhod na wika nito.
Tumingin siya sa lalaki. Ang isang kamay nito ay nasa steering wheel, ang isa ay nakahawak sa kamay niya, pero nakatutok ang mga mata nito sa kalsada.
"I let you see us in the garden, Pretzhel. I know you were there, listening and watching us."
Umawang ang labi niya. Napasinghap. Was he talking about what happened on her debut?
"And I did what I did back then because I needed you to let go of your childish obsession of me. At least, that's what I thought that time. I thought I was merely an object of your obsession, of your childhood fantasy..."
BINABASA MO ANG
MISSION 3: Claiming You
Roman d'amour"Pwede bang hindi kita tawaging Kuya? Crush kasi kita." Ang mga salitang iyon ang unang sinabi ni Pretzhel kay Clifford nang una itong pumunta sa bahay nila, ten years ago. And her thirteen year-old heart broke in two when Clifford's only reaction...