Chapter 29 - Warned

3.6K 163 28
                                    


"Ate, uuna na ako," ani Kate nang dumungaw sa pinto ng kitchen ng bakeshop.

Bumaling siya kay Lilibeth, ang assistant niya sa bakeshop. Schoolmate niya ito noong college kaya kilala na niya noon pa man ang babae. At ito na ang hin-ire niya dahil ni-refer rin ng isang kaibigan niya, na pinsan nito. Inilalagay na ni Lily ang edible print na SpongeBob SquarePants characters sa number cake na for pick-up bukas.

"Sumabay ka na kay Kate, Lily. Ako nang bahalang magtapos niyan."

"Okay lang?" nag-aalangang tanong ni Lilibeth, pero kita niyang gusto na rin naman nitong umuwi talaga.

Tumango si Pretzhel, "Okay lang. Ibo-box na lang naman iyan. Patapos na rin naman ako dito sa cupcakes. Isang dozen na lang."

Tumingin si Lily sa mga cupcake na nalagyan at lalagyan pa niya ng frosting. "Pero i-e-airbrush mo pa iyan at lalagyan ng toppers, di ba?"

"Mabilis na iyon. Sige na. Umuwi ka na. Unahin mo na muna si Chuchay. Kawawa naman ang bata," taboy niya rito. Si Chuchay ay ang dalawang taong gulang na anak nito. Kanina pa tumatawag si Lily sa bahay ng mga ito para kumustahin ang anak na may sakit.

Ngumiti si Lily habang kinakalag ang tali ng apron na suot. "Salamat, Pretzhel. "

Muli siyang tumango. "Ingat kayo. At Kate, pakilock na lang ang glass door paglabas ninyo."

"Sige, Ate. Pero ibibilin ko na rin kay Kuya Aldo na narito ka pa," tugon ni Kate.

Mula nang nangyari ang pagkuha kay Riah ng mga security guards ng ama nito ay nagpalagay na rin ang kuya niya ng guwardiya. Pero hindi lang bakeshop niya ang binabantayan nito. Every now and then ay naikot ang guwardiya sa building premises para mag-check.

At para makasiguradong ligtas siya, lalo na kapag ginagabi at nag-iisa na sa bakeshop ay inilo-lock niya ang glass door.

Nang mapag-isa ay tumawag siya sa kanila para ipagbigay alam sa ina na gagabihin siya nang uwi at may gagawin pa sa bakeshop. Sinabi na rin niya na mauna nang maghapunan ang mga magulang dahil hindi niya alam kung anong oras siya matatapos sa ginagawa. Matapos makausap ang ina ay binalikan niya ang pagpo-frosting sa cupcake. Pero hindi pa siya natatagalan sa ginagawa nang tumunog ang cellphone.

Video call from Riah.

They'd been in constant communication since Riah's engagement to her brother. Inako ni Pretzhel ang bulk ng arrangement sa kasal nito bilang tulong sa future sister-in-law. Idagdag pang excited din talaga siyang gawin iyon.

Busy is an understatement to what Riah has been going through. She'd been under a lot of stress since she returned home. Riah is still grieving from her mother's untimely passing. Bukod sa pagluluksa ay hindi pa rin maayos ang relasyon nito sa ama. Marami na nga itong issue sa personal na buhay, dumagdag pa roon ang mga responsibilidad na dapat nitong gampanan. Si Riah ang sumalo sa trabahong naiwan ng namayapa nitong ina sa foundation na ang ina mismo nito ang nagtayo. Bukod doon ay bumalik din ito sa law school.

At ang schooling nito ang kumakain ng oras ng babae. Kaya nga maging ang kuya Gabriel niya ay sa Davao na napunta sa tuwing military break nito para lang makasama ang fiancée.

Ang work around naman nila para masiguradong ang gusto pa rin ni Riah ang masusunod ay nag-uusap sila in advance. Inaalam na muna ni Pretzhel ang agenda ng meeting, mag-uusap sila ni Riah at siya na ang magre-relay ng desisyon nito sa wedding coordinator at suppliers. Riah even gave her the freedom to decide on her behalf. Pinili lang nito ang venue, blush pink motif, at mga bulaklak na gagamitin sa bouquet nito, the rest, bahala na raw siya. Ayon dito ay ang pinakamahalagang bagay ay makasal ito sa kuya niya. Wala na raw itong pakialam sa iba.

MISSION 3: Claiming YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon