"Ah... Natatandaan na kita," naaaliw na salita ng ama ni Clifford. "What an awesome performance, hija."
Ngumiti si Pretzhel kahit ang totoo ay conflicted ang nararamdaman niya. She's nervous, concerned, uncertain. "Salamat po."
"Nakababatang kapatid siya ni Gabriel, Dad."
"Gabriel Rosales?" Gulat na tanong nito. "Kumusta na ang kapatid mo, hija? Nasaan siya ngayon? May sarili na ba siyang pamilya?"
Ngumiti siya, "Sa Bohol po siya naka-assign, Sir. Malapit na po. Ikakasal po siya four months from now."
"Drop the sir, hija. Tayo lang naman ang narito. Call me Tito Renzo." Sumulyap ito sa asawa na walang kangiti-ngiti ang mukha. "You can call my wife Tita Letty."
Tumango lang siya at ngumiti.
Bumaling si Lorenzo sa anak, "Hindi ba't may kaibigan ka ring ikinasal noong nakaraan. Si Arellano, tama?"
"Yes, Dad."
"Ikaw na ba ang susunod, anak? Gagawin mo na ba kaming grandparents? Ibibigay mo na ba ang apo sa tuhod na matagal nang hinihiling ng lolo at lola mo?" nakangiting tanong ng ama nito, kasunod ang pagsulyap sa kanya.
Clifford grinned. He winked at her, "That's my plan, Dad. As soon as I convinced Pretzhel."
Sa kabila ng uneasiness ay napangiti si Pretzhel. Inirapan niya ang binata.
"And what do you do in your free time aside from dancing?"
Lumingon siya sa ina ni Clifford. Nakangiting sumagot, "Baking po. Ako rin po ang nagma-manage ng bakeshop namin sa Pampanga."
Bahagyang umangat ang kilay ng ina ni Clifford. Mula sa kanya ay tumingin ito sa box ng cake na dala ng anak. "You have a bakeshop in Pampanga and yet you bought a pre-made cake here in Baguio? Bakit? Hindi ka ba tiwala sa baking skills mo kaya bumili ka ng cake na masarap at siguradong hindi ka mapapahiya sa lasa?"
"That's on me, Mom. Hindi alam ni Pretzhel na darating ako at hindi niya lalo alam na ipakikilala ko siya sa inyo. As for the cakes, masarap ang mga gawa niya. Siya ang baker ng cake noong birthday ni Lola Ada."
"Masarap nga ang gawa mong cake, hija. Naka ilang slice ng cake kaming mag-asawa," wika ng ama ni Clifford. Umakbay ito sa asawa. Hindi nakalampas sa paningin ni Pretzhel ang bahagyang pagpisil ng ama ni Clifford sa balikat ng asawa.
"Thank you po. Sa susunod na pagkikita natin ay magdadala po ako. Any particular flavor you fancy po?" magalang na tanong niya.
"Kahit ano sa akin, hija," Bumaling ito sa asawa, "Itong asawa kong si Letty ay mahilig sa Red Velvet Cake."
"Huwag na nang mag-abala. Iniiwasan ko, namin ni Renzo, ang matatamis na pagkain," dismissive na sagot naman ng ina ni Clifford. Pagkasabi noon ay bumaling ito sa anak. "Clifford, anak. I have someone here I'd like to introduce to you. Siya iyong sinasabi ko sa iyo noong nakaraan pa. I knew her. I knew her caliber and capabilities."
Nilingon at sinenyasan nito ang babaeng nakatayo hindi kalayuan sa kanila. Nakangiti itong lumapit. Her uniform neat and clean. Her hair in sleek ponytail. Tulad niya ay wala rin itong make-up, pero hindi maikakailang maganda. Makinis ang natural na mamula-mulang pisngi. Balando. Medical Corps. Iyon ang nakasulat sa military uniform nito.
"I'd like to introduce First Lieutenant Doctor Trisha Myca Balando. She's an internist. Assign siya sa infirmary. She's a very wonderful person. I'm sure you'll like her when you get to know her."
Gustong palakpakan ni Pretzhel ang sarili dahil napanatili niyang blangko ang ekspresyon. Mabuti na lang at sa kahuli-hulihang sandali ay napigilan niya ang pagtaas ng kilay. She bit her tongue to kept her cool, unaffected facade.
BINABASA MO ANG
MISSION 3: Claiming You
Romance"Pwede bang hindi kita tawaging Kuya? Crush kasi kita." Ang mga salitang iyon ang unang sinabi ni Pretzhel kay Clifford nang una itong pumunta sa bahay nila, ten years ago. And her thirteen year-old heart broke in two when Clifford's only reaction...
