Truth to be told since 2013

0 0 0
                                    

I've been keeping my silence for the past few months. I know most of the people who's close to me knew the other part of the story and most of the people who knew him already made their own misconceptions on what had happened based on his fb status or whatnot whatever he has done.  Let me break the ice first.  It all started last...uhm.. I dunno, maybe when he started to go for his ojt abroad for his course. Distance, yes fucking distance. I dunno at first that this will come up. Hindi talaga. Kampante naman ako na di saya magloloko or kung ano pa man duon eh. Pikit mata akong nagtiwala despite of all the things that I've come through from the past. Benefit of the doubt nga diba. Di lahat ng lalake pare-pareho at naniniwala akong isa sya don. I focused myself sa work. Been through a lot of things alone, I don't want to stress him out pa sa ibang bagay cause being far away with your family is stressful enough for him. I made myself as independent as I can be. Pinilit kong kayanin lahat ng longing, stress, problema or even mga lakad na magisa. Kaya ayun, kahit nung bumalik na sya, parang ako parin mag-isa.  Simple lang naman kaming mga babae e. Di mo kailangang ulanan ng materyal na bagay, masaya na kami sa atensyon nyo or kahit sa simpleng pakikinig sa mga rants namin sa buhay. Oo, lahat ng bagay kinaiinisan namin lalo na pag nagpi-PMS or puyat or kahit ano pa, pero simple lang naman ang dapat mong gawin eh, MAKINIG.   Simula nung grumaduate ako ng college, madami talagang nagbago sa akin gaya ng di ko na hawak ang 100% ng oras ko. Di ko na kayang gumawa ng cards, magcutting or umabsent kung gugustuhin nya. Ang hirap hanapan ng mga bagay na di mo na talaga kayang gawin. Ang hirap sa pakiramdam nung yung nagiisang taong akala mong makakaintindi sayo e yun pa yung maghahanap ng mga bagay na wala na sayo. Madalas pakiramdam ko ang dami-dami kong pagkukulang bilang tao at girlfriend. Parang napaka-unfair na para sa pagkababae ko.  Masungit ako. Bakit? Babae ako eh, natural na yun. Excessive yung kasungitan ko, oo, pag sobrang annoying or stressful na. Natural din naman yun. Bakit kaya? Isang tao lang ang makakasagot non.  Mahal ko sya, di naman mawawala yun eh. Gusto ko pa sya? dun lang nagkaiba. Magkaiba ang mahal sa gusto, there's a thin line between the two. Masakit mang aminin pero yun talaga ang nangyari. Siguro isisi na sa akin na ako ang unang sumuko, sige ako na. Pero san ba ako sumuko? 1.) sa palaging "Coo-off" na solution nya sa tuwing di kami nagkakaintindihan 2.) di sya ang comfort zone ko kundi battle ground 3.) di nya naiintindihan ang trabaho ko. Di naman ko perpekto eh. Napapagod din ako. Di ko rin ugaling mang-iwan. Nakaya ko nga dating magpakamartir eh, sa kanya pa kaya? Anong nagpatrigger? Gets mo ba?   Madaling magpatawad pero sobrang hirap talagang makalimot. Yung makipag-overnight swimming sya sa ex nya, katanggap-tanggap ba yun? Tas ikaw pa yung sasabihing dahilan kung bakit magkasama sila nung gabing yun. *slow clap* parang nakatanggap  ako ng award. Thanks ha. :)

Sa totoo lang, after kong malaman yung swimming na yan di na ko nagdalawang isip na makipaghiwalay sa kanya. Sinarili ko lahat ng problema at sakit, di ko kasi kayang sumama ang loob sa kanya ng mga taong nagpapahalaga sa akin eh. Umabot ako sa point na kahit bestfriend ko di ko matawagan kahit sobrang sakit na. Inuna ko pa kasing isipin yung kapakanan nya kesa sa sarili ko eh. Alam nya ba yun? Syempre hindi. Ginawa naman nya yung konting best nya para bumalik ako eh. Makita ko syang nahihirapan at nasasaktan, lumalambot agad yung puso ko. Mahal ko eh. Binalikan ko. Ang kaso, di naman bumalik ang lahat...pati yung tiwala ko.  Isang bwan din mahigit akong nagisip kung tama bang bumalik pa ko. Dahan dahan na kasing nawawala yung nararamdaman ko. Puro sakit na lang kasi eh. Na sa tuwing nakikita ko sya napapaisip ako na "may iba pa ba akong di alam sa kanya?" na "Tama pa bang pagkatiwalaan ko sya?". Siguro naramdaman nya yung coldness at distance ko sa kanya kaya as usual inalok na naman nya ako ng break-up. Oo, di naman talaga ako ang naginitiante eh. PINANINDIGAN KO LANG. Sawa na akong hiwalayan nya eh tapos pag feel na nya tsaka ako babalikan. Tangina lang ang perfect.

Ngayon sabihin nyo, sino ba ang masama? Nanahimik ako for longest time. Tangina, ang sama ko na sa mata ninyong lahat. Porke di ako nagpopost sa fb at instagram ko ng mga "miserable" at "feeling lost" na status eh okay lang ako?? Di naman ako nakapaghiwalay kasi may iba na ako eh. Hanggang ngayon magisa parin ako. DI KO KAILANGAN NG REBOUND. MAS KAILANGAN KO ANG SARILI KO.

— galit na galit si ateng?? I saw this blog on my tumblr account (draft) and my side of the story was never been told. Lol. So dito na lang. Grabe lang talaga sa daldal ano ho?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Other Side of DeydeelovesredWhere stories live. Discover now