~~~
"Ayan na nga ba sinasabi ko, you're not taking care of yourself kaya lagi ka napapahamak!"
Syl continued to nag at me about being careless kanina. Napapikit na lang ako sa sakit habang ginagamot ni Syl ang sugat ko sa tuhod. I'm just learning how to ride a bike and I met an accident.
"Aray! Dahan-dahan naman Kuya!" Tinulak ko yung kamay niya nang diniin niya yung bulak na may alcohol sa sugat ko, tinignan niya ako tapos inirapan.
Walang hiya talaga tong kupal na 'to, siya pa may ganang magsungit? Eh, siya nga may kasalanan kung bakit ako natumba kanina.
"Tsk! You're so clumsy as ever, Sel. What would you do without me?"
I looked at him and smiled at that thought. Ano nga ba? Kami lang ng kakambal ko ang magkasama sa bahay mula noong kinder pa.
Three minutes lang ang tanda niya sa akin pero he's acting like a big brother to me.
Lumaki kami ni Kuya kasama ang mga yaya namin at mga driver because our parents we're never home, since they are so busy with work.
Para din naman daw sa future namin ng kapatid ko ang ginagawa nila, well at least that's what they are always telling us.
I was the only one left sa school because nilalagnat si Syl kaya hindi siya nakapasok.
Naka-upo lang ako sa may bench, malapit sa main gate ng school. Nandito pa naman yung mga guards kaya I should be fine.
Maya-maya pa ay may nakita akong black van na pumarada sa tapat ng gate. It must be my driver kaya agad kong kinuha ang bag ko tapos naglakad papunta sa van.
Pagkadating ko doon, bumukas ang pinto ng van at sinalubong ako ng mga lalaking may takip sa mukha kaya napatigil ako sa kinatatayuan ko. Lumapit ang isa sa akin at pilit akong isinakay sa van.
Sumigaw ako dahil sa takot, agad namang lumabas ang mga guard at nakita akong dinadala ng mga lalaki sa van.
"Hoy! Bitawan niyo yung bata!"
Nilabas ng isa ang baril niya tapos tinutok sa amin. Umiiyak pa din ako at humihingi ng tulong. Saan ba nila ako dadalhin at anong gagawin nila sa akin?
Tinakpan ng lalaking humahawak sa akin ang bunganga ko gamit ang isang panyo pero nagpumiglas ako dahil hindi na makahinga kaya kinagat ko ang kamay niya.
Binitawan naman agad ako at tumakbo pabalik sa loob ng school.
Kumaripas ng takbo yung van nang makarinig sila na palapit yung mga pulis. Lumapit ang isang guard sa akin at pinatahan ako.
BINABASA MO ANG
Memory of the Evening
Teen FictionProdigy Series #1 "Alex... How could you do this to me?" After what happened to her, Selene decides to forget everything about Alex and leaves without knowing the truth from Alex. Years later, they coincidentally met in an unexpected situation. What...