~ Chapter 3 ~

15 2 0
                                    





"I called your Mom para makapagdala sila ng damit mo para hindi ka naka-uniform hanggang hapunan."



Tumango ako sa kanya bago siya umalis sa kwartong kinalalagyan ko. Tita Caddie insisted na magpahinga muna ako saglit kasi kakarating lang namin ng school.



I felt close to her already because she was so nice to me, pati na din si Tito Alexis. Kung iisipin mo eh, perfect family na sila. They have it all. They all live together, and they look happy with each other.



"Nakaka-inggit..."



Hindi ko na din papangarapin na magiging ganito kami ng pamilya ko. Mas madami nga silang oras para sa trabaho kaysa sa amin ng kapatid ko.



Nilapag ko sa may kama yung bag ko bago umupo doon. Naisipan kong kamustahin si Lory pero si Syl na lang ang tatawagan ko. I fished out my phone mula sa bag ko tapos ni-dial ang number niya. He didn't pick up kaya tinext ko na siya, asking him how are things there.



"Ellison, pick up the damn phone!" Nasambit ko na yan ng ilang beses pero hindi talaga niya sinasagot. I checked his GPS pero hindi ko din mahanap kung nasaang lupalop man siya.



Baka kung ano na nangyari sa kapreng 'yun, lalo na wala pa siyang kasamang bodyguard. 



I was about to call my parents but then I heard someone knocking at the door, so naturally I went there to see who it was. I opened the door and there, nakita ko si Xandra.



"Hello, Achii! Can I come in pwo?" 



"Of course you can, do you want to play ba?"



Tanong ko sa kanya nang makapasok na siya at sinara ko naman yung pintuan. She jumped on the bed before laying on her back. Ang cute niya talaga, hays. Kanino ba nagmana yung kuya neto?



"Achi do you like my kuya?"



Nanlaki ang mata ko sa tanong niya sa akin. I stared at her in disbelief, like what is she even saying?



"Uhm, I don't know baby eh," Umupo ako sa gilid ng kama habang nilalaro ko ang kamay ko. Naramdaman ko naman na lumapit siya sa akin.



"Why achi? Kuya is mabait naman pwo," Hindi ko alam kung anong meron sa batang ito at kung makipag-usap sa 'kin ay parang ang matured na ng pag-iisip niya.

Memory of the EveningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon