XI

3 0 0
                                    


Bakit

Bakit parang may kulang?

Bakit parang may lagi akong gustong gawin pero 'di ko alam,

Bakit kailangan lagi kong hulaan

Ang puwang sa puso ko kung hindi ko naman alam ang gusto nito,

Maaari bang bigyan man lang ako ng palatandaan,

Upang 'di malihis ang aking daan.

Nakakadismaya lang isipin na tila ba

Dayuhan ang aking kaalaman na walang alam

tungkol sa sariling kagustuhan,

Na kung tutuusin ay mas ako dapat ang lubos

na nakakaalam,

Ngunit parang itinaboy na rin yata ako ng

aking sariling kamalayan kung kaya't ito ako,

Nangangapa sa dilim, naghahanap ng mga

pirasong makakatulong sa pagbuo ng aking

pagkakakilanlan.

Living Words (On-going)Where stories live. Discover now