VIII

10 2 0
                                    

Mga patak ng ulan, nagmimistulang musika sa pandinig,

Sasabayan ng paghigop sa mainit na kape,

Habang nag-iisip ng susunod na salita sa ginagawang tula,

Nakikinig sa mga hindi gaanong sikat na kanta.

Tuloy tuloy ang pag-buhos ng ulan,

Nagmimistulang ulap ang mga mata,

At pag natapos ang pagmumuni-muni,

Mahihiga na lang sa kama pag-iisipan kung

matutulog ba o didilat ang mata hanggang mag-umaga.

Living Words (On-going)Where stories live. Discover now