Ginising sa umaga para lang ipaalam ang masamang balita,
Hindi alam ang iisipin, panaginip ba ito at kailangan ko ng magising?
Gising na ba ang diwa ko o imahinasyon lang ang lahat ng ito?
Walang tigil na luha ang sinabayan ng malakas na ulan sa umaga,
Nahaluan ng luha ang kape ko sa umaga,
Nag-aalangang tignan ka sa iyong kalagayan,
Hindi ko matanggap na nawala ka ng ganun na lang,
Tuloy tuloy na agos ng luha ang tanging nailabas,
Naging paboritong tanong ang bakit,
Hanggang sa panaginip hinahabol ng iyong ala-ala,
Hanggang sa panaginip tumatangis ang luha,
Pero masaya ako para sa inyo,
Dahil hindi ko na kayo makikitang nahihirapan,
Humihingi ako ng kapatawaran dahil hindi ko kayo naalagaan,
Dahil sa kadahilanang ako'y nasasaktan,
Hindi ako sanay na ika'y nahihirapan,
Hinahanap ang ngiti mong tila walang katapusan,
Sana masaya na kayo kung nasaan man kayo,
Lagi kayong mananatili sa aming puso, Amang (Lolo)
Nagmamahal,
Inyong Apo
YOU ARE READING
Living Words (On-going)
PoetryIts all about my imaginations...at random people and in random things. Compilation of Filipino and English poems. I've changed the title po. The previous title is "Him" but I've changed it kasi nahihirapahan po akong gumawa ng tula about sa nararam...