chifuyu matsuno. wc: 209
"love, tama ba 'tong ginagawa ko?" tanong ni chifuyu na naghihiwa ng manok. nagluluto kayo ng adobo para kainin dahil hapon na. lagi nalang kayo kumakain sa labas dahil pareho kayong hindi marunong magluto.
"oo, tama na siguro 'yan." pinagpatuloy mo ang panonood sa youtube kung pano magluto ng adobo. ngumiti si chifuyu at naghiwa nalang. matapos ang ilang minuto, natapos na ang pagluluto niyo.hinanda ni chifuyu ang mga plato at kutsara habang ikaw naman sa ulam at tubig. umupo kayo at nagsimula nang kumain.
"love, may kanin ka sa labi." tinitigan ka ni chifuyu at bago pa man siya makagalaw, linapit mo ang kamay mo para kunin ang butil ng kanin. natulala ang boyfriend mo kaya ngumiti ka nalang. "kalat mo kumain, sino kaya gagawa n'yan pag wala ako?." ani mo sabay tawa.
ngumiti ng kaunti si chifuyu sa kanyang naalala habang pinupunasan ang labi niya. bumuntong hininga ito at inilapag sa harap ng lapida mo ang tupperware na may lamang kalahati na kanin at ulam na adobo.
"daya mo naman, love. talagang nawala ka kasi nagsawa ka nang magtanggal ng kanin sa labi ko. sino na magtatanggal sakin nito?" tumulo ng sunod sunod ang luha na pinipigilan ni chifuyu habang nakangiti ng pilit.
BINABASA MO ANG
tokyo revengers one shots
Fanfiction- WRITTEN IN TAGALOG. (mostly headcanons) credits to the owner of the book cover.