taya

24 3 4
                                    

manjiro (mikey) sano. wc: 534

"michael! ang daya mo, ang bilis mo tumakbo!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"michael! ang daya mo,
ang bilis mo tumakbo!"

tawag mo sa kalaro mo. nakilala mo siya malapit sa garden ng school niyo,  naghahabulan kayo ngayon sa field at hindi mo siya mataya dahil mabilis siya tumakbo.

umismid siya at pinagtawanan ka na nagpainis lalo sa'yo. hinabol mo ulit siya ngunit hindi mo napansin ang nakausling bato dahilan nag pagkadapa mo.

tumigil ang kaibigan mo sa paglayo at nilapitan ka. lumuhod siya at chineck ang tuhod mo kung merong sugat. mabuti nalang ay wala, namumula lamang ito.

"sorry, y/n.. kasalanan ko 'to-" hindi mo pinatapos ang sasabihin niya, agad kang tumayo at hinawakan ang braso niya.

"taya!"

nginisian mo siya at tumakbo ng mabilis. sumimangot si 'michael' at dali daling tumayo upang habulin ka.

"madaya ka, y/n! humanda ka sa'kin!-"

"mikey! tara na, uuwi na tayo!"

"sige po! y/n, bukas nalang! bye!"

--

that was ten years ago, the last time you played with your first best friend. umalis ang bestfriend mo dahil nag bakasyon lang pala sila sa pilipinas, wala kang magawa kundi humagulgol nang malaman mo na umalis siya ng walang paalam.

naaalala mo parin ang masasayang mga ala-ala mula sa nakaraan. you're 15 now and you've certainly grown, like a caterpillar that turned into a gorgeous butterfly. (yes, you're beautiful. period.)

pumunta kayo ng japan ng kaibigan mo kasama ang family nila, buti nalang ay pinayagan ka ng mga magulang mo (after a week of convincing).

kasalukuyan kayong nasa loob ng isang fast food chain sa tokyo, sinerve ng isang waiter ang pagkain niyo na merong flag sa taas ng meal. kakain ka na sana nang marinig mo ang isang boses ng lalaki.

"hindi ko babayaran 'to, kenchin! walang flag!" lumingon ka at nakita siya. blonde hair, black pretty eyes, pouty lips. si michael. ang childhood bestfriend mo.

"ayoko dito sa meal na 'to, walang flag! hindi exciting." sumimangot ito at lumingon sa ibang direksyon.

"i'm terribly sorry, i'll get one for yo-"

inilagay mo ang flag ng meal mo sa pagkain niya. nanlaki ang mata ni mikey at kumislap ito, ngumiti siya na para bang bata na nabigyan ng regalo sa pasko.

"thank you, k-- y/n?" nagtatakang tumitig sa inyong dalawa si draken. ngumiti ka ng kaunti at itinaas ang kamay mo para kumaway.

"hi." tumayo si mikey na dahilan kung bakit nabigla ka. tumangkad siya kahit papaano. niyakap ka niya ng mahigpit na mahigpit habang nakangiti ng malaki.

"y/n! namiss kita, ang laki mo na ah!" tumango ka sa yakap at ngumiwi sa pagkahigpit ng pagkakayapos niya sa'yo.

"oo, ikaw din, michael! haha! bye!" itunulak mo siya para makaalis pero mabilis niyang hinawakan niya ang kamay mo.

"michael?" tanong niya. "hindi ko totoong pangalan 'yun. gusto mo ba malaman kung anong totoong pangalan ko?"

kumunot ang noo mo dahil naguguluhan ka. pero mikey ang tawag sa kanya dati ng teacher mo.. kwinento niya rin sa'yo dati na ang nickname niya ay mikey na pinaikling version ng michael.

"mikey?" he flicked your forehead.

"no, dummy. manjiro sano." natigilan ka.

"at isa pa," tumigil siya at tumitig sa kamay mo na hawak niya. "taya." ngumiti siya.

"taya ka na ulit, y/n."

a/n: happy 50M reads, road to 100M reads na tayo! HAHSHSHAH jk

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

a/n: happy 50M reads, road to 100M reads na tayo! HAHSHSHAH jk. tysm y'all! mapanaginipan niyo sana mga asawa niyo sa tokyo rev! ^^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

tokyo revengers one shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon