inggit

21 5 1
                                    

takashi mitsuya. wc: 671

alam ng lahat kung sino si takashi mitsuya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

alam ng lahat kung sino si takashi mitsuya. sino ba naman ang hindi mahuhulog sa kanya? nasa kanya ang mukha, talino, kabaitan, lahat.

"ang top one natin ay si takashi mitsuya,
give him a round of applause!"

"patulong ako dito, takashi.. thank you!"

"sa'yo nalang 'to, takashi. ay wala yun! haha!"

at naiinis ka dahil doon. bakit ang perfect niya? samantalang ikaw, nasa likod ka lang niya. laging pangalawa. oo, naiingit ka sa kanya dahil lahat ng gusto mo ay nakukuha niya. ang hindi mo lang alam ay meron siyang gusto na hindi pa napapasakanya.

"y/n, ganda mo today." puri ni hinata. nakasandal siya sa desk mo habang nilalaro ang buhok niya. nagsusulat ka pa dahil gusto mo na tapusin agad ang pinapagawa ng teacher niyo.

"wala akong pera, hina." sambit mo ng hindi nakatingin sa kanya, ang atensyon parin ay nasa ginagawa mo. ngumuso si hina at hinintay na matapos ang gawain mo.

sa oras na nabitawan mo ang ballpen mo dahil tapos ka na, hinila ka niya palabas ng classroom at dumiretso sa canteen. aangal ka pa sana nang magsalita si hina.

"libre ko nalang, buraot mo talaga."

"wala akong pera e. hayaan mo, pag nakapag-asawa ako ng mayaman, bibilhan kita ng house and lot. kahit pag-aaralin ko pa anak niyo ni takemichi e."

tumawa sa kilig si hina at hinampas ka sa braso. hinaplos mo kung saan siya humampas dahil masakit. hindi mo alam kung bakit ganyan 'yung bestfriend mo pero mahal mo parin 'yan kahit ganyan 'yan.

"hilig mo ah, required ba talaga manghampas?" tanong mo kay hina. tumango ito at naglabas ng pera dahil malapit na kayo sa tindera. sasagot ka pa sana nang hilain ni hina ang damit mo. bumulong siya sa'yo.

"y/n, nandito pala si mitsuya."

saktong nasa harap na kayo ng tindera. tinanong may kung ano ang gusto niyo at sabay kayo ng sagot.

"turon at zesto po." nagkatinginan kayong dalawa ni mitsuya. ngumiti siya pero wala kang pinakitang emosyon, nakasimangot ka parin. 'tsk, gaya gaya' isip mo.

iaabot sana ng tindera sa'yo ang turon at zesto pero kinuha 'yun ni mitsuya. hinayaan mo nalang ito at kinuha ang sunod na binigay ng tindera. binigay ni hina sa'yo ang pera at binigay mo sa tindera, sabay ulit kayo ng lalaking pinaka ayaw mo.

nilapag ng tindera ang sukli at kinuha mo ang nasa left side. (hindi) sinasadyang hawakan ni mitsuya ang kamay mo dahil 'yun din dapat ang kukunin niyang sukli. dun ka na nairita ng sobra.

"usap tayo mamaya sa likod ng school." binulsa mo ang sukli at hinila paalis si hina, hindi mo na hinintay ang sagot niya.

"takashi, may sasabihin ako sa'yo." narinig mo pero hindi mo na pinansin.

nasa classroom na ulit kayo, dala ang isang pirasong turon at zesto mango. huminga ng malalim si hina at pinagsabihan ka. oo nga pala, hindi pa siya nakakabili. naghati kayo sa turon at zesto.

--

kakatapos lang ng last subject niyo at uwian na. dala mo na ang bag mo at dumiretso ka sa likod ng school. doon ay nakita mo si mitsuya na naghihintay sa'yo, nakatingin sa'yo ng mataimtim.

"y/n.. ano 'yung gusto mo pag-usapan-" nilapit mo ang hintuturo mo sa lips mo.

"mitsuya, alam mo? nakakainis ka."

medyo malayo ka sa kanya at halata namang nakikinig siya sa'yo. bakas sa mukha niya ang kaunting gulat nang magsalita ka.

"ang daming may gusto sa'yo, lahat nasa'yo, lahat lahat. puro takashi, takashi, takashi! nakakairita 'yung pangalan mo! ayaw ko na marinig! nakukuha mo lahat ng gusto mo!-"

tumigil ka para huminga at hindi mo napansin na nasa harap mo na pala si takashi. malungkot siyang ngumiti.

"hindi, y/n. hindi lahat ng gusto ko nakukuha ko. katulad mo, pinaghirapan ko rin ang mga yun para maabot ko.. isa pa, mayroon pa akong hindi nakukuha na gustong gusto ko.." tumigil siya at tinitigan ka sa mata.

"ikaw. at sorry sa gagawin ko, hindi ko na mapigilan ang sarili ko."

lumapit siya at hinalikan ka.

lumapit siya at hinalikan ka

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


tokyo revengers one shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon