Nakatanggap nang tawag si Angel mula sa kanyang tiyahin na si Tiya Mayi na magpapadasal ito para sa kanilang Nanay Melba na lola ni Angel.
Nasa Manila kasi ito nagtatrabaho dahil sobrang hirap nang buhay nila sa probinsya. Isa siyang nurse sa isang sikat na ospital sa Manila.
Subalit hindi rin ganoong kalakihan ang sahod niya bilang isang nurse kahit pa ang laki nang ospital na pinagtatrabahuhan niya.
Naiisip na nga nitong magibang bansa dahil malaki ang sahod doon kumpara dito sa bansa. Halos walang natitira sa kanya sa tuwing siya'y sasahod. Laging nappupunta lahat sa bayarin at mga pagkakautang ang lahat nang sinasahod niya.
Halos wala na nga rin itong maayos na kain dahil sobrang nagtitipid ito. Halos puros itlog at sardinas na lamang ang inuulam nito para lang may maitabi kahit na kaunti mula sa sweldo.
From: Tiya Mayi
Gel, magpapadasal kami para kay Nanay Melba sa makal'wa. Pumunta ka ha? Hindi pwedeng hindi kumpleto ang pamilya magagalit ang Nanay Melba.
Iyan ang laman nang mensaheng nakuha niya. Napabuntong hininga na lamang si Angela dahil sa nabasa. Hindi kasi nito alam kung sasapat pa ba ang perang mayroon siya gayong may kamahalan ang pamasahe pauwi sa kanilang probinsya.
"Oh anong problema, Gel?"
"Kailangan ko kasing umuwi sa probinsya sa makal'wa. Ang problema ko'y kulang ang naipon ko baka hindi ako makauwi rito sa Manila."
"Ganoon ba? Sige pahihiramin na lang kita sa sabado para naman makauwi ka na. Ano bang mayroon at biglaan naman ata ang uwi mo?"
"Padasal kasi para kay Nanay Melba. Eh, gusto laging kumpleto ang pamilya sa t'wing may mga padasal. Eh, noong namatay ang Nanay Melba ang Tiya Mayi na ang laging nagtitipon sa pamilya namin."
"Ganoon ba? Siya sa sabado iaabot ko na lang sa'yo."
"Maraming salamat Ate Cathy. Ibabalik ko na lang kapag may pera na ako."
"Naku, wala 'yon. Saka muna ibalik kapag nakaluwag-luwag ka na."
Matapos ang duty ko noong araw na 'yon ay umuwi na 'ko sa tinutuluyan kong apartment. Malapit lamang ito sa pinapasukan kong ospital kaya naman nilalakad ko na lang para tipid.
Bumili muna ako nang kakainin ko bago ako tumuloy sa apartment. Pagpunta ko sa harapannang pintuan ay dumaan ang landlord na si Aling Lourdes kaya naman binati ko ito.
"Magandang umaga po Aling Lourdes!"
"Magandang umaga rin Angel. Tamang-tama lamang ang dating mo't may ibibigay akong ulam. Dinuguan sana magustuhan mo. Si Amir ang nagluto."
"Naku, maraming salamat po Aling Lourdes!"
Matapos kong kuhanin ang ibinigay nitong ulam ay nagpasya na rin akong pumasok sa loob nang apartment.
Maliit lang ito. Sapat para sa isang tao. Kumpleto naman ang loob. May maliit na kusina, may sariling banyo't may sariling sala. Agad din naman akong napalit nang damit at nag-umpisang kumain. Matapos ay nilabhan ko muna ang uniform ko at naglinis na rin nang apartment.
Matapos kong maglinis ay naupo muna ako sa maliit na sofa sa may sala. Hindi ko naman namalayang nakatulog na pala ako rito.
Angela... hahanapin kita! Hinding-hindi kita titigilan! Hinding-hindi ka makakaalis! Papatayin kita... papatayin kita!!!
Napabalikwas ako nang bagon dahil sa panaginip kong 'yon. Hindi ko alam kung sino ang nagsasalita sa panaginip ko pero parang pamilyar siya hindi ko nga lang matandaan kung saan ko narinig.