"Everything is possible. Always give your 100℅ in achieving your goals."
Yan yung mga salitang natutunan ko nang subukan kong mahalin ang isang babaeng napakataas ng tingin ko. Siguro dahil sabi ng iba, hindi daw kagandahan ang ugali niya. Pero, yun pa yung nagtulak sa akin para lalong lapitan siya.
Siya yung taong halos kabaligtaran ko. Magkaiba ang mga pananaw namin sa buhay. Himala na kung magkasundo kami.
Yan din yung mga salitang pinagbatayan ko kung bakit binigay ko sa kanya halos lahat ng meron ako.
Masarap magmahal ng taong hindi mo kasundo. Dito mo matututunan ang tumanggap ng pagkakaiba. Dito ka magbabago sa paraang hindi mo inaasahan.
Pero mahirap. Kaya naikumpara ko ang sarili ko sa isang bilanggo. Pero paano? Ano ang mga bagay na nararanasan nila na nararanasan ko nung nagmahal ako ng totoo at sobra- sobra?
Hanggang sa dumating ang puntong pinapalaya at pinapaalis na ako. Pero bakit parang ayaw ko pa. Parang gusto ko dito nalang habang buhay? Kahit nasasakal na ko eh gusto ko paring manatili sa puso ng taong mahal ko na parang isang bilanggo?