D

4 0 0
                                    


Ang buwan ng Abril at sa taong 2016 hanggang 2018 


... Ang bumalot at nagbukas sa akin ng pinto sa taong hindi ko lubos maisip na aking makikilala ng lubusan at magugustuhan, halos binulabog mo ang puso't isipan kong natutulog D


Dahil wala naman akong ibang hinangad noong ako'y nasa kolehiyo kundi ang makapag-aral at makapagtapos at hindi mawalan ng focus at baka maibaling sa iba. Pero sa hindi inaasahan na pang-araw-araw na pangyayari sa kolehiyo ay bigla kang sumulpot at ako'y iyong nabihag. 


Hindi ako naging handa sa mga posibleng mangyari, at ni hindi ako makapaniwala sa nararamdaman ko ng mga panahon na 'yon. 


D, ikaw yung taong nagustuhan ko at sobrang kong pinagsisisihang nakilala ko't nagustuhan, ang pagkakaroon sa'yo ng nararamdaman ay ang pinakamali kong nagawa, ni ang pagkakaroon sa'yo ng koneksyon ay dapat pinutol ko kaagad. 

Hibang--isang taong nahihibang sa'yo noon na tipong hindi ko alam ang tama sa mali, na nabubulagan ako dahil nga malakas ang pagkagusto ko sa iyo. 


Hindi mo alam ang pakiramdam ko noon di ba? Araw-araw akong nagbabakasakali't umaasa sa nararamdaman mo, para ka kasing isang malalim na palaisipan na kailangan pakahulaan nang mas mainam o mabuti na nagiging daan sa'yo para ako'y iyong mapaglaruan. 


Alam mo bang araw-araw hinuhulaan ko ang nararamdaman mo sa akin? Na kahit walang kasiguraduhan, susugal pa rin ako dahil ayun ang alam kong nararapat at dahil gusto kita. 


D, sobra kitang kinamumuhian magpasahanggang ngayon, yung poot at galit na itinanim ko sa puso ko dahil sa iyo ay nananatiling lumalago. 


Tangina, sayang ang lahat ng winaldas kong oras at panahon sa iyo. 

Ang dulot mo ay pansamantalang kasiyahan at permanenteng pagkasuklam, salamat sa pagbitaw, ni hindi na kita nais na matanaw o makita. 


Hangad ko pa rin ang iyong kasiyahan at ito na ang pinakahuling mga letrang binuo ko para sa'yo at asahan mong..


Hindi na muli kita magiging paksa.

Karanasan sa XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon