PROLOGUE:

3 0 0
                                    

"Uyyy"



"Ayieee"



"Ligawan na yan,ligawan na yan."



Tukso ng mga kaklase ko sa akin at sa lalaking katabi ko ngayon. Naglalaro kasi kami ng truth or dare.




Ng matapat kasi kay Mark ang bote ay nag truth sya,kaya tinanong sya kong sino ang crush nya at sinabi nyang ako.




Nakaramdam talaga ako ng matinding kahihiyan ng sabihin nya iyon sa harap ng mga kalaro namin. Parang gusto kong lamunin nalang ng semento dahil sa tindi ng kahihiyan.




"Tumigil na nga kayo!nakakahiya na."asik ko sa kanila ng nakayuko.



"Andyan ba si Alea"napatingin kaming lahat sa pinto ng marinig ko ang boses ni Elaine.



Sya ang bestfriend ko,kaso nasa section B sya habang ako naman ay nasa section A.



Agad akong tumayo sa pagkakaupo ko at patakbong lumapit sakanya.


"Bakit?"nakangiting tanong ko sakanya.


"Nako yung kapatid mo andun sa clinic,nadapa daw sya kaya ayun nag durugo ang dalawang tuhod. Iyak ng iyak habang ginagamot ang sugat. Nako halika na nga,patahanin mo yun."at tsaka hinila na ako ni Elaine patungong clinic.




Ilang hakbang nalang ang layo namin sa clinic at rinig na rinig ko ang iyak ng aking kapatid. Tumakbo nalang ako at hinayaang sumunod si Elaine sakin.




Pagkarating ko sa loob kita ko syang nakaupo sa gilid ng kama at panay pa rin ang iyak. Lumapit ako at tumabi sakanya.





"Shhh tama na Bri,andito na si ate."alo ko sakanya habang hinihaplos ang buhok.





Tumingala din naman sya sakin at kinusot kusot ang mata nya. Maya maya pa ay tumahan na rin sya at yumakap sa akin.




"Ate masakit ang tuhod ko."sumbong nya sakin maya maya.




"Bakit ba kasi nadapa ka Bri?"tanong ko sakanya sa mahinang boses.



"Naglalaro kasi kami ate,habang tumatakbo ako huhu nadapa ako."


"Nako diba sabi ni ate kapag naglaro dahan dahan lang? Wag panay ang takbo. Kita mo na nadapa ka."


"Ate uwi na tayo."tumayo na sya at hinila na ang palda ko. Iling iling akong sumunod sa kanya s labas.




Kita ko si Elaine na nakasandal sa pinto na animoy bored na bored kakahintay.



"Tagal nyo naman."kumento nya agad."ano uwi na tayo?"


"Oo."at naglakad na kami palabas ng gate.



Ng papalabas na kami ng gate bigla kong naalala na nakalimutan ko pala ang bag ko sa room. Haystt ang tanga ko talaga.



Ng pipihit na ako pabalik ay napasubsub naman ako sa dibdib ng kung sino. Haystt isa pa nga,ang tanga ko talaga.




Ng tumingala ako ay parang gusto kong kumaripas ng takbo pauwi sa bahay at magkulong sa kwarto.



"Ha..hi."nahihiyang bati ko kay  Mark.


"Hi."matamis ang ngiting kumawala sa labi nya.


From Love to PainWhere stories live. Discover now