Prologue

347 19 1
                                    


🍀🍀🍀

BUMABAHA ng alak sa paligid, ang mga bisita sa mansion ay pawang alipin na ng espiritu ng alak. Bawat isa ay wala na sa tamang wisyo.

Tahimik na pinagmamasdan ni Shaina, mula sa pinagkukublihang poste ang pigura ng lalake na dahilan kung bakit punong-puno nang bisita ang mansion.

Ang binata ay nakaupo sa hilera ng mga kaibigan nito habang may katabi at kaakbay na magandang babae. Kahit nasa malayong distansya malinaw na nakikita ni Shaina kung gaano kagandang lalake ang hinahangaan ng kanyang mga mata.

Si Evo Garrett Wilson, ang nag iisang anak ng kanyang mga amo. Guwapo, matikas, matipuno, matangkad, habulin ng maraming mga babae at ang pinaka hinahangaan niyang lalake sa balat-ng-lupa simula nang masilayan ito ng kanyang mga mata.

Iyon nga lang, hanggang tingin lamang siya sa binata. Dahil bukod sa katulong lamang siya sa mansion ng mga ito, malabong tingnan o kahit tapunan man lang siya nito ng tingin; kasing labo ng mga luha niya sa tuwing iniiyakan niya ang sariling itsura. Nakasisiguro si Shaina na hindi mag aabala si Evo para titigan ang mukha niya.

Dahil lumaki siyang panget! Pinagkaitan siya ng kagandahan. Marahil tulog na tulog pa siya ng magpaulan ng grasya si papa G.

Bilugan ang mga mata niya, pango ang ilong at mayroon siyang pilat sa kaliwang pisngi, may buhay na nunal din siya sa ibaba ng pisngi na kasing laki ng tansan. Panget siya, gaya ng laging ipinipintas sa kanya ng karamihan. Wala siyang naging kaibigan dahil sa itsura niya.

Panget siya, dahil kahit ang kanyang pamilya ay nagawa siyang iwan at ipagbili. Tanging ang pamilya Wilson lang ang tumanggap sa kanya at utang na loob niya sa mag asawang Wilson, ang buhay na mayroon siya sa kasalukuyan. At upang makabayad—nang mapagtapos siya ng mga ito sa high school, nagtrabaho na siya sa mansion bilang katulong.

Muli pang pinagmasdan ni Shaina si Evo, at tila naman parang naramdaman ng binata na may nagmamasid dito kaya mabilis ang paglikot ng mga mata nito. Pero bago pa siya mahuli ng binata mabilis na siyang nag iwas ng tingin at nagtago sa likod ng poste.

Sumalsal sa lakas ng tibok ang puso ni Shaina dahil sa labis na kaba. Ilang ulit siyang huminga bago humakbang at lumayo sa pinagkukublihan. Bumalik siya sa kusina para tulungan si Manang Ida.

"Saan ka ba galing na bata ka? Ang daming hugasin," sermon ng matanda saktong pagpasok niya sa bungad palang ng kusina. Nakapamaywang pa ito at pailing-iling. Nagpapaumanhin siyang ngumiti bago mabilis na kumilos para simulan ang gawain.

Sandamakmak nga ang mga hugasin, kahit kumuha ng catering para sa okasyon sa gabing iyon, nailabas pa din ni Manang Ida ang mga baso, wine glass, kubyertos at iba pang mga gamit sa kusina.

Ilang minuto na siyang naghuhugas at tagaktak na din ang pawis niya nang may pumasok sa kusina.

"Yna, halika tulungan mo akong iakyat ang anak ko." Maagap siyang napalingon kay Mrs. Wilson. Bahagya pang nagulat si Shaina nang mapagtantong hindi nag-iisa ang kanyang amo.

Nakayapos ang mga kamay ni Mrs. Wilson sa braso ni Evo, ang binata ay halatang lasing na ngunit nagpupumilit kumawala sa pagkakahawak ng ina nito. Namumula na ang mukha at leeg ng binata, habang ang ina nito ay hirap na hirap na ibalanse ang anak.

"M-Mom...let me go, Kaylee is waiting for me," lasing na salita ni Evo.

"You're drunk, iaakyat na kita sa kwarto mo," ang palatak na tugon ng ina nito.

Umungol ng pagprotesta ang binata, "I'm not...psh!.." Gumewang ito dahilan para saklulohan niya si Mrs. Wilson, upang hindi bumagsak kasama ang anak nito.

Mahal mo kahit PANGET(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon