Chapter 3

233 19 2
                                    

This chapter is dedicated to
Lovelymariacariasa

Thank you for reading this story. 😊❤️

Love lots..

S.

🍀🍀🍀

KAHIT nasaktan si Shaina ng gabing iyon, maaga pa din siyang nagising sa kabila ng pamamaga ng kanyang mga mata-para lang maipagluto ng almusal si Evo.

Hindi na siya nag abalang mag almusal kahit panay ang pagkaalam ng sikmura niya. Niligpit niya ang pinagkainan ni Evo at ng mga kaibigan nito bago ihain doon ang almusal ng asawa.

Umalis siya ng bahay ng matapos.

Dahil masama ang loob niya sa asawa nagpunta na lamang siya sa dati nilang bahay. Malungkot niyang tinanaw mula sa pinagkukublihang puno ang mga magulang niya habang kasama ang kapatid niyang si Renelyn.

"Kung kasing ganda siguro ako ni ate baka natanggap pa ako ni Evo." Hindi na naman niya mapigilang mapaluha. Nasapo niya ang bibig bago pa kumawala ang pinipigilang hikbi.

Saglit pa niyang tinanaw ang kanyang pamilya bago nilisan ang lugar. Ayon kay Mrs. Wilson mabait daw ang kanyang ina. Iyon nga lang maaga itong binawian ng buhay. Ibang nanay ang nakagisnan niya habang lumalaki. Nagkaroon ng panibagong asawa ang ama niya at may anak ito, ang ate Renelyn niya. Hindi siya gusto ng tita Olga niya kaya hinikayat nito ang ama niya na ipagbili siya. Nagipit ang mga ito sa pera kaya baliwala siyang itinakwil. Pakiramdam niya hindi siya anak ng kanyang ama, kaydali nitong pumayag sa suhestiyon ng bago nitong asawa.

Si Mrs. Wilson at ang asawa nito ang tumanggap sa kanya. Naging mabuti ang pakikitungo sa kanya ng mag asawa, kaya kahit hinikayat siyang magpatuloy sa kulehiyo, tumanggi siya. Wala din naman kasing saysay kung magtatapos pa siya ng kulehiyo tapos wala ding tatanggap sa kanya. Tiyak na wala siyang mahahanap na matinong trabaho. Looks ang unang tinitingnan para ma-qualified sa ina-apply-ang trabaho. Bagsak siya sa ganung pamantayan lalo pa at talamak din sa bansa ang mga diskriminasyon.

Kaya mas pinili na lang ni Shaina ang magtrabaho sa mansion. Sa pamamagitan niyon masusuklian pa niya ang kabutihan ng mag asawa. Hindi nga lang niya akalain na mauuwi siya sa madaliang pag aasawa.

Habang nasa biyahe panay ang pagtunog ng phone niya, nasa loob iyon ng shoulder bag niya. Alas diyes na ng umaga natanaw na din niya ang simbahan doon na lang din siya bababa. Sa pag aakalang baka tumatawag ang biyenan. Mabilis niyang kinuha ang phone sa loob ng bag niya. Pero hindi iyon si Mrs. Wilson kundi si Darrin. Ang dalawa lang ang tanging nasa contact niya, alam niya ang numero ng asawa pero mahigpit nitong ibinilin na huwag niya itong tatawagan. Kaya hindi na niya pinagkaabalahang ilagay ang number nito sa contact niya. Hindi rin naman siya mangangahas na gawin iyon, alam naman niya kung gaano kalaki ang pagka disgusto ni Evo sa kanya. Ilang segundo nang pumara siya.

Pagbaba niya ng jeep, humugot muna siya ng malalim na paghinga bago sagutin ang binata.

"Hello?"

"Kanina pa ako dito sa tapat ng grocery, bakit wala ka pa?" bungad na salita ni Darrin. Nakagat niya ang ibabang labi ng maalala na naman ang mga sinabi kagabi ni Evo. Pinigilan niyang huwag maging emosyunal baka mahalata siya ni Darrin.

"M-may pinuntahan lang ako, bukas na kita sasabayang kumain," tugon niya sa pilit pinasiglang tinig ngunit kahit anomang pagpapanggap ang gawin niya mukang malakas ang pakiramdam ni Darrin.

"Ang lungkot ng boses mo, may problema ka ba? Where are you? Pupuntahan kita, Yna." Dahil sa concern sa boses ng binata napahikbi na siya at hindi na napigilan ang pagkawala ng emosyon. Napamura pa si Darrin mula sa kabilang linya.

Mahal mo kahit PANGET(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon