Chapter 1: The D4C

6 3 0
                                    

Kailey

Kamusta! Ako si Kailey Dan Monet, isang marangal na babae at isang alagad ng batas. Medyo mahirap ang ginagawa ko ngayon sana makaraos ako dahil araw-araw ko ngayong gagawin ito, haysst at isa akong estudyante...sa ngayon.

Naglalakad ako sa hallway ng malaking university na ito suot ang aking uniform, isang black coat at black palda..na maiksi, at ayoko talaga nito. Suot ko rin ang boots na may heels na ibinigay sa akin ni chief. Sana wala nalang heels, alam niya namang ayoko ng mga pormahan na ganito. May suot rin akong itim na hikaw na flat at ito ang nag sisilbi kong ear pods para kausapin ang mga kasamahan ko. Sa ngayon nakalugay ang buhok kong may hanggang bewang ang haba at maiihahalintulad sa uling ang kulay nito. Ang mga mata ko naman ay may suot na contact lense na nagsisilbi kong researcher sa mga bagay na hindi ko alam. Of course, meron din akong black backpack, hindi naman ito espesyal tulad ng iniisip niyo, hindi naman ito zipline backpack, isa lang talaga itong ordinaryong bag na may lamang mga notebook, papel at ballpen. At oo nga pala, nakalimutan kong meron din akong dala na napaka espesyal sa akin siyempre ang sarili ko, ang skills ko na makipag laban para dumepensa at hindi maging isang mafia. At dito mag sisimula ang aking kuwento—ay mali, ang aking napaka mapanganib pero adventurous na kuwento.

“Ito ang una kong araw dito, sana magtagumpay ako. Mukhang madali lang naman itong mission.” Bulong ko, pilit kong sinasabi sa sarili ko na kakayanin ko ito. Hindi ang misyon kundi ang pag susuot ko ng mga ganitong klase ng mga kolerete at kung anu-ano pa. Hayysst, kakainis talaga! Bakit kasi ako pa?!

Unti-unting kumukunot ang noo ko habang palihim na nagdadabog.

“Hoy! Umayos ka ah! Akala mo siguro hindi kita naririnig diyan ah... Ikaw ahh” Napatigil ako bigla nang magsalita si chief mula sa kabilang linya. Ang boses niyang malalim ay nakakatawa dahil halatang ngumunguya pa siya. Ano ba yan. Kaya mas lalong tumataba si chief eh.
“Sir, ano na pong gagawin ko?” Pabulong kong tanong.
“Ano? Anong klaseng tanong yan?” Sabi niya at kaagad ding tumigil dahil lumunok pa siya.
“Siyempre hanapin mo yung class room mo. Kaya mo na yan. O siya maiwan na muna kita ahh, babalik din ako agad may..may importante lang akong aasikasuhin.” Sabi pa nito.
“Ah sus, ang sabihin niyo kakain nanaman kayo, haysst..” Pabulong kong hirit.
“Ano yun?” Tanong ulit nito, mukhang narinig yata ako.
“Ahh wala po, ang sabi ko hahanapin ko na po yung classroom ko hehehe...” Pagpapa-lusot ko pa sabay bilis sa paglalakad. Hindi ko na narinig pa ang boses ni chief kaya nagpatuloy lang ako sa paghahanap ng classroom ko.

Teka, kapag ba hindi ko nahanap yun ibig sabihin pwede akong mag-palusot kay chief na hindi ko kaya ang misyon na ito? Mwehehehe... Hhhmm.. I wonder. Nababaliw na ata ako at nakatingin pa ako sa itaas habang hinahawakan ko ang aking baba. Hindi ko napansin yun nang bigla akong mabunggo sa isang poste at nauntog ang noo ko.

“Aray!!” Pagre-react ko sa sakit habang hinahawakan ang noo ko at hinihimas-himas. Ang sakit kasi talaga!!! 
“Hayyst!! Kainis ka kainis!” Sabi ko habang galit na pinagsisipa ang poste na nakabunggo ko.
“Hhm? Ahh hello!” Nahimasmasan ako nang makarinig ako ng isang malambing na boses ng isang babae. Mula sa likod ko yon kaya lumingon ako ng dahan-dahan para makita kung sino siya.

Sino kaya ito? Isang babae na naka-tirentas ang buhok na nakalagay sa kanyang harapan, medyo maiksi lang yun pero nakaya parin itali. May nakasabit rin sa leeg niya na isang camera at mukhang mamahalin yun at suot niya rin ang kulay pink niya na bag.

“Ahh yes?” Sabi ko habang pilit na ngumingiti.
“Ikaw ba yung bagong student na pinapa-assist sa akin ni misis Mira?” Nakangiti itong kinausap ako.

UNDERCOVERWhere stories live. Discover now