Kailey
Nasa office na kami ni Chino, nandito kami sa meeting room at pinag-uusapan ang tungkol sa nangyari kanina sa school.
Napalingon kami sa door knob nang may magpihit nito at bumukas ng pinto, pumasok sina Chief, Jude, at Tonya. May dalang isang brown envelope si chief at ipinatong ito sa table bago siya umupo. Umupo na rin ang dalawa pa namin kasamahan.
“Eto na po ba yung autopsy report?” Tanong ko sabay kuha sa evelope.
“Oo, yan na nga. Pero may kakaiba sa isang ito.” Sabi ni chief habang hinihimas ang kanyang baba.
“Ano po yun?” Binuksan ko na ang envelope at kinuha ang papel sa loob nito. Excited ang lahat na nakatingin sa akin habang kinukuha ko ito.
“Kayo na ang tumingin.” Sabi ni chief.Nang tingnan ko ang papel ay nagukat ako sa mga nabasa ko.
“Ano yun, Kailey?” Tanong ni Chino.
Tumayo silang lahat sa upuan nila maliban lang kay chief, tumayo sila likod ko para sumilip din sa papel.
“Teka, ano!?” Sigaw ni Jude sabay hablot ng papel sa kamay ko.
“Anong ibig sabihin nito?” Pagtatakang tanong ni Jude. Parang hindi ako makahinga ng maayos dahil pagkabasa ko pa lang ay naiimagine ko na agad ang pangyayaring iyon.
“Kung ganon...ang ibig sabihin ba nito ay patay na siya bago pa siya mahulog?” Tamang hula na sabi ni Chino. Ganun rin ang tingin ko at hindi ko maiwasang hindi maawa sa taong ito na pinatay ng walang katarungan. Pero sisiguraduhin kong magkakaroon ng katarungan ang pagkamatay niya, hindi lang siya kundi ang lahat pa ng pinatay ng kung sino man siya.
“Sobra naman yan! Ma-May tahi siya sa dibdib? Ka-Kasi ki-kinuha muna yung puso niya!!?” Nanginginig pang pagtuturo ni Jude sa papel.
“Sobra yan—” Ramdam ko ang awa sa tono ni Tonya. Napaiyak pa siya at napatakip ng bibig sa nalaman. Niyakap naman ni Jude si Tonya.
“Chief, bago ito ah.. Hindi naman ganito yung klase ng pagpatay 20 years ago, diba?” Napapaluhang tanong ko kay chief. Paulit-ulit akong kumukurap dahil pinipigilan kong bumuhos ang mga luha ko.
“Tama ka diyan, Kailey. May isa nalang tanong na bumabagabag sa lahat.” Napakagat labi ako sa sinabi ni chief.
“At yun ay kung paano siya nahulog sa building na yun kung wala na siyang buhay at nang walang nakakapansin sa kanya.” Malalim na nag-iisip si Chino.Lahat kami'y napa-isip sa sitwasyon.
“Sigurado pa ba kayo na tao ang gumawa niyan? Baka naman aswang na yan o halimaw!?” Naguguluhang sigaw ni Jude habang yakap pa rin niya si Tonya.
“Tama ka, Jude. Hindi isang tao ang tinutugis natin kundi isang demonyo! Mas masahol pa sa hayop ang ginawa niya!” Sobrang nanggigigil na ako at napapasara ang kamao ko. Nakatingin ako sa kung saan habang ramdam ko na tinitingnan ako ni Chino habang nag-aalala.Lumipas ang gabi at sumapit ang panibagong araw. Biyernes na ngayon at huling pasok sa school ngayong linggo bago ang weekend. Muli kaming nagsabay ni Chino sa pagpasok sa school pero kaagad ding naghiwalay nang makaabot na kami sa hallway.
Nag stay muna ulit ako sa labas ng classroom habang hindi pa nagsisimula ang klase. Hinihintay ko si Helen dahil wala pa siya. Hindi ako mapakali kaya naman ipinapadyak ko lang ng ipinapadyak ang pader.
Napa angat na ako ng tingin ng makita ko na si Helen na papalapit. Nakatungo siya habang naglalakad at parang sobrang lungkot ng awra niya. Sigrado akong nalulungkot din siya sa nangyari kahapon.
“Ah Helen!” Hinarangan ko siya sa pinto. Unti-unti niyang iniangat ang ulo niya at tumingin sa akin. Sa ngayon ay bangs niya pa rin ang nakikita ko imbes na ang mga mata niya.
“Kailangan nating mag-usap yung tungkol sa kahapon.” Sabi ko atsaka tumabi na sa gilid ng pinto.
“K--Ka-Kahapon?” Nauutal niyang sambit. Masnaging mahina ang boses niya at parang nahihiya. Siguradong sobra siyang naapektuhan kahapon.
“Oo, yung sa estudyanteng nalaglag dito kahapon?” Pagsasabi ko ng topic pero umiwas lang siya ng tingin sa akin.
“K--kahapon? Nalaglag? E--Estudyante?” Parang nababalisa siya. Hindi ko alam pero parang may kakaiba sa kanya ngayon. Ganun ba siya kagrabe naapektuhan?
“Oo, bakit hin—”
“Pa-Pasensya na!” Tumungo siya ng pagkababa-baba at mabilis na umalis sa harap ko at pumasok na sa loob ng room. Sinundan ko pa siya ng tingin pero hindi man lang siya lumingon sa akin.
“Talagang...kakaiba siya....ngayon.” Pumasok na rin ako sa loob ng room at umupo sa desk ko. Tiningnan ko pa ang side view na mukha ni Helen a.k.a. Zhyra at nagtataka sa kung ano.
YOU ARE READING
UNDERCOVER
SonstigesKailey Dan Monet ang tunay niyang panggalan bago pa maging isang undercover agent na si Keisha. Isang napakalaking kaso ang hindi maresolba ng kahit sinong pulisya o kahit sinong detective ang tatahakin ni Kailey/Keisha sa Unibersidad ng Dream High...