Chapter 2: New student

4 3 0
                                    

Kailey

Nang matapos ang klase ay  pinag-break na kami ni Misis Mira. Tulad ng routine na nakasanayan nila ay muli kaming kinapkapan bago palabasin. Ngayon ay nasa table na ulit kami ng D4C. Katulad rin noong una akong kumain dito sa canteen ay nagsi-alisan ulit ang lahat ng estudyante na malamang ay kakatapos lang mag lunch dito at yung iba ay kakarating pa lang ay nag back out na kaagad nang makita kami. Allergic ba talaga sila sa mga toh? Ang tinutukoy ko ay ang mga estudyanteng kasabay ko ngayong kumain, wala man lang nagsasalita kahit isa sa kanila. Isa-isa ko ring sinisilip ang mga plato nila kung ginagalaw ba talaga nila yun dahil wala man lang silang nalilikhang ingay na kahit konti.

Tumingin ako kay Zhyra a.k.a. Helen na kasalukuyan kong kaharap ngayon sa lamesa. Sinubukan kong siyang sitsitan pero hindi siya tumitingin. Sinubukan ko ring gumawa ng signal para mapansin niya ako pero wala, deadma pa rin ako. Hindi ko naman makita ang mga mata niya kaya malay ko ba kung nakatingin siya sa akin o hindi. Hayssttt.... Siguro wag na nga lang. Tumungo na ako at inasikaso nalang ang pagkain.

Nakita ko na ipinatong ni Helen ang kaniyang kaliwang kamay sa lamesa at kinalmot-kalmot yun ng mahina. Napatingin ako sa kanya ng bahagya at napakunot na lamang ang noo ko.

Gumuhit siya gamit ang kanyang hintuturo ng isang pakalmot na linyang patayo na sinundan naman ng isang pagkatok ng kanyang hintuturo. Siguradong isa iyong tuldok! Sunod niyang gumuhit siya ng isang linya ulit pero this time ay pa-slant na iyon. Sinundan niya naman yun ng tatlong mabibilis na linya na patayo ulit. Tapos isa uling guhit na pa-slant. Sunod ay isang guhit na patayo na sinundan naman ng dalawang mabilis na guhit na pa-slant.

Mas lalong kumunot ang noo ko, napa-isip ako bigla. Sana ay wag naman akong magkaroon ng wrinkles niyan sa noo. Sinundan ko lang ng tingin ang bawat pag kumpas ng mga daliri niya. Bigla kong naalala si Chino. Naalala ko ang mga itinuro niya sa akin noon. Napa-pikit ako at pilit na inalala iyon.

“Kung gusto mo talagang maging isang secret agent. Dapat hindi lang ang pakikipag laban ang kaya mong gawin kung minsan may mga taong matatalinhaga kung mag-isip at ang pagi-isip nilang yun ay kailangan mong masabayan.” Sabi sa akin ni Chino. Nasa harap kami ng table niya, naka-upo siya sa kaniyang monobloc chair habang nagta-type sa computer habang ako naman ay nakatayo sa gilid niya habang pinakikinggan ang lahat ng sinasabi niya.
“Matalinhagang pagi-isip? Ano yun? Parang senyas? Ganon?” Kunot noo kong pagtatanong sa kanya.
“Oo parang ganon na nga! Pero codes ang tawag sa mga yun.” Sabi niya pa sabay click sa isang file.
“Tingnan mo ito..” Sumandal siya sa kaniyang upuan kasabay ng pagturo niya sa screen ng computer niya.
“Ano yan? Morse..code?” Pagbabasa ko sa head title ng file.
“Tama! Ito ang pinaka-basic na code na ginagamit ng karamihan. Alam kong kayang-kaya mong sauluhin ito. Pero kapag nagawa mo na itong maisaulo, wag ka dapat mapanatag, okay? Kailangan mag aral ka pa ng iba pang codes and zhipers, yung mas mahirap pa dito.” Nakangiti niya siyang lumingon sa akin.
“Oo naman! Kayang-kaya ko yan! Sigurado ako!” Itinaas ko pa ang kamao ko habang kinakagat ang ibabang labi ko. Hinimas niya ang buhok ko na ikinatuwa ko naman. Ngumiti ako sa kanya at tumango-tango.
“Ise-send ko sayo itong file. Pag-aralan mo ha!” Sabi niya sabay balik tanaw sa kanyang computer at muling nag-type para isend sa aking account ang file.
“Teka! Paano nga pala yan magagamit sa totoong buhay? Halimbawa...ngayon?” Tanong ko sa kanya. Muli siyang humarap sa akin.
“Hhmm...tama ka! Kailangan muna kitang bigyan ng example.... Hhhhmmm...” Nagpahalumbaba siya at nag-isip.
“Alam ko na, sundan mo ng tingin itong gagawin ko ah.. Tapos subukan mong tingnan dito sa screen ng computer ko yung makikita mong katumbas na letter ng gagawin mo, okay ba yun?” Nakangiti niyang sabi sa akin. Nag-pokus na siya sa table niya at nagsimulang lumikha ng pag-guhit at pag tuldok gamit ang kaniyang hintuturo.
“Hulaan mo ito..” Sabi niya atsaka nagsimula ulit na kumumpas.

UNDERCOVERWhere stories live. Discover now