BU: RVR 12

373 7 1
                                    


BU: RVR 12

"Uy pasensya ka na dito sa lugar namin medyo magulo, baka hindi ka sanay." Pagbabala ni Fina kay Wil nang makarating na sila sa kanilang barangay.

"Ano ka ba, walang problema. I like adventures!" Sagot ni Wil then he winked at her pero wala namang dating sa dalaga. "Sandali lang Josie - don't tell me iaalay mo ang katawan ko! I am warning you, hindi na ako virgin!!" Pagbibiro ni Wil and she just rolled her eyes. "Hindi ba ganun yung sa mga movies, nagdadala ng kaibigan sa province nila to sacrifice them." Patuloy nitong pang-aasar sa dalaga.

"Do I look like a witch to you?" Huh?" Inilapit ni Fina ang mukha sa binata at nawala ang ngiti nito. Nakatingin lang sya sa mga labi ng dalaga at gustung-gusto na nya itong halikan. Halos hindi na sya makapagpigil. "That's what I thought." Sambit ng dalaga bago bumaba ng sasakyan.

"That was close." Bulong ni Wil sa sarili dahil muntikan na naman nyang halikan ang dalaga. Halos yun na lang ang gusto nyang gawin simula ng nahalikan nya ito. Sumunod naman si Wil kay Fina. "This is a nice place. Bago sa paningin." Pagpuri ni Wil sa lugar.

"Uy si Josefina!!!" Bulong ng isang matanda.

"Fina!!!" sigaw naman ng isa pa.

"Fina?" Naguguluhan na tanong ni Wil.

"Oh, about that - you'll find out eventually." Hindi sigurado si Fina kung alam ba ni Wil ang totoo nyang pangalan, dahil sya hindi nya alam ang totoong pangalan ng binata.

"Ate Fina!!" Salubong ng isang binatilyo. "Hindi mo sinabi na uuwi ka!!!" Masayang bati nito.

"Dadalaw lang ako saglit. May meeting akong pupuntahan. Nasaan ba sila lola?" tanong nito.

"Saglit lang po at sasabihan ko sila." Mabilis tumakbo ang bata papasok sa isang bahay.

May kalumaan ang bahay pero malaki naman ito.

"Si Fina ba yan? Uy Fina, kamusta si Harvey?" Tanong ng isang matanda.

"Ano ka ba naman, Marta! Di ba nga ibang lalaki ang kasama nyan dati. Matagal na silang wala." Sagot ng isa pang matanda.

"Iba na naman yan Fina ah. Mas mayaman ba yan dun sa isa?" Isang lalaki naman ang nagtanong kay Fina.

"Ano?!! May mas yayaman pa ba dun? Di ba yun na ang may ari nun?" sambit ng kausap na matanda.

"Ibang nobyo na naman! Magaling talaga 'tong si Fina. Pavirgin pa kunwari!!" Hindi na nakapagpigil si Wil sa mga naririnig tungkol sa dalaga kaya ito ang sumagot para dito.

"Mawalang galang na ho, hindi ho ako nobyo nitong si Josie - Fina - nitong ni Fina. Hindi ho sya basta basta pumapatol lang kung kani-kanino. Baka hindi nyo lang ho sya kilala." Magalang na paliwanag ni Wil.

"Ay, hindi ka ba nobyo! Naku sandali - Nene!!! Ay Nene pumarine ka nga!!!" Sigaw ng matanda na nanlalait kanina kay Fina. "Naku sir, may dalaga akong anak walang nobyo baka gusto mong makilala."

"Bakit ba nay?!!! Uy si Fina ba 'to!!" Lumapit ang isang babae na medyo may kabataan kaysa kay Fina. "At sino naman itong pogi na 'to? Bagong boyfriend? Ugh!! Kung bakit kasi di pa makaalis sa lugar na 'to eh di sana may mayaman na din akong nobyo!!!!!!"

Hinigit ng kanyang nanay si Nene at ipinakilala kay Wil.

"Fina! Fina!" Sigaw na naman ng isa pang matanda. "Hoy kayo dyan bakit nyo pinagpipyestahan ang apo ko?!! Magsialis nga kayo dyan!!!!" Sigaw ng lola ni Fina habang papalapit sa kanila.

"Nangangamusta lamang ka-Lolit!" sagot ng nanay ni Nene.

Fina pulled Wil away from Nene dahil ayaw nitong pagkaguluhan ito sa lugar. "Ay, lola mano po." Nagmano si Fina sa matanda. "Pasensya na po at biglaan ang pagdalaw ko. May meeting lang po kami sa kabilang bayan." Nakatitig lang ang matanda kay Wil. "Lola si Wil nga po pala katrabaho ko."

Blazing Urge: Revenge Versus Regret Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon