BU: RVR 3

9K 118 15
                                    

BU: RVR 3

"Ms. Fortez, I need you to attend the conference meeting today." Ipinatawag si Fina ng kanyang boss at inabutan ng isang folder. "I need to know everything about this meeting. It's very important."

"Alright ma'am." Tiningnan ni Fina ang folder at nakita ang Lincoln Company. "Ma'am Lincoln company?" Kinabahan si Fina. Hindi pa ulit sila nagkikita si Ezra at alam nyang kahit galit sya ay namimiss nya pa rin ito at iniisip kung naiisip ba sya ng binata.

"Is there anything wrong, Ms. Fortez?" Napalunok si Fina at hindi kaagad napasagot sa kanyang boss. "I know your previous boss gave you a good recommendation but it's not the reason why I hired you. I hired you because you're qualified for the position." Tumayo ang kanyang boss at kinuha ang bag. "Now attend the meeting and I need to go to the board room."

"Yes, ma'am." Naunang lumabas ang boss ni Fina kasunod sya. Bumalik muna sya sa kanyang opisina tsaka kinuha ang mga gamit. "Naku naman, bakit ngayon pa. Sana naman hindi ko makita si Ezra dun." Bulong ni Fina sa sarili.

Hindi sya mapakali at kinakabahan sya. Nag-iisip sya ng sasabihin kay Ezra kaya kahit sa elevator hindi nya na napansin ang mga sumasakay at bumababa. "Josie? No way!! Josie!!!!! Hey!!!!" Napatingin si Fina sa lalaking nagsasalita. Tumingin din sya sa loob ng elevator at nakitang dalawa lang silang nandoon. "It's Wil – from last night." Tinitigan sya ni Fina at minumukaan. "I'm hurt you don't remember me."

"Oh yeah, Wil! I remember." Tipid na sagot ni Fina tsaka tiningnan kung malapit na ba sya sa ground floor.

"What are you doing here? Are you stalking me?" Pagmamayabang ni Wil at pumorma pa sa harapan ni Fina. Napatawa naman si Fina sa sinabi ng binata. "Natawa ka. Siguro sinundan mo talaga ako."

She cleared her throat. "Masyado ka talagang mahangin no Wil?" Ipinakita ni Fina ang hawak nyang folder. "I work here."

"What? Really? I worked here too!!!! What department are you?" Excited si Wil na malaman kung anong position ni Fina at lalo syang nagkainteres sa dalaga dahil wala itong masyadong reaction nang makita syang ulit.

"Operations depart. Ikaw?" Tiningnan nya mula ulo hanggang paa si Wil. "Business formal huh – mukhang bossing ka dito ah." She smiled.

"Ha? Ano – hindi naman. Ano lang ako – " umiwas muna ng tingin si Wil sa dalaga, " – supervisor. Yes, sa Accounting department ako." Inayos nya ang kanyang tie at tiningnan ang sarili sa salamin. "Do you have outside business today?" tanong nya.

Sumimangot si Fina. "Well, may conference meeting sa Lincoln company." Bumalik sa isip ni Fina na possible silang magkita doon ni Ezra.

"Ayaw mo ba sa mga meeting?" tanong ng binata tsaka bumukas ang pintuan ng elevator. Pinauna ni Wil si Fina na lumabas at sumunod naman sya kaagad.

"Hindi naman kaya lang dun nagtatrabaho yung ex ko. Ay bahala na nga." Umiling-iling si Fina at natatawa na lang. Sinusubukan nyang alisin ang kaba na nararamdaman. "Ikaw ba? Saan ka pupunta?"

"Walking you to the lobby. Nandun na ba ang company car? Kung wala I can drive you to Lincoln company." Offer ni Wil pero tinanggihan sya ni Fina. "Ouch! Ilang beses mo kayang irereject ang offers ko."

"Ay naku Wil this is work! Gawin mo na lang ang trabaho mo okay? I need to go." Papaharap palang sya sa entrance nang makita nya si Harvey.

"Hey." Bati ni Harvey tsaka sinubukang iabot ang pagkain kay Fina. "From my resto. Well, may delivery kami dito at naisip kong dalahan ka ng pagkain."

"Josie do you know this guy?" Tiningnan ni Wil si Harvey mula ulo hanggang paa

"Josie?" Naguguluhang tanong ni Harvey. "Sino naman 'to?" Nagtitigan ang dalawa.

Blazing Urge: Revenge Versus Regret Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon