Chapter 6: Jump then fall

18 2 8
                                    

VIV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

VIV

"SORRY."

"Who the fuck are you?" muli niyang tinanong iyon sa akin. "You are fucking annoying!" sigaw niya sa akin at bigla nitong hinagis ang basong hawak-hawak niya kanina.

Gulat na gulat naman ako at napatulala na lang sa ginawa niya. Ano bang gagawin ko sa isang 'to? Hindi ko naman sinasadya na madangil ko ang pinagsasawsawan niya.

"Carol!" Parehas kaming napalingon nang biglang may tumawag mula sa aming likuran. My eyes widened when I realized who it was.

He cleared his throat and started to sing, "Hey, is it too late now to say sorry?"

This girl whose named Carol rolled her eyes. "Wala ka sa tono kaya huwag ka na lang kumanta." She rolled her eyes once again and add a comment. "You can't do singing from the chest, or normal singing range, into falsetto. The original singer has around A2-C#5, which would make him a tenor in most respects," she explained calmly.

Medyo napabilib ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman ang vocal range sa pamamagitan ng pakikinig ng isang linyang pagkanta? I don't know, but I'm sure only people who is musically inclined do.

Napabuga ng hangin itong si Carol at napahilot sa kaniyang sintido marahil sa stress na dulot ko at sa stress ng pagkanta ni Shawn.

Bakit ba nandito si Shawn? At paano niya nalamang nandito rin ako? Stalker nga ata ang isang 'yon.

"Umalis nga muna kayo sa harapan ko at baka maibato ko sa inyo ang kotseng naka-park sa may bandang kanan ng kalsada." Sa halip na matakot at maging duwag na daga na tumakbo palayo, mas pinili ng katawan kong manatili sa kinatatayuan ko.

Napakunot siya dahil nasa harapan pa rin niya kami ni Shawn. "Who the fuck are you?" Carol asked in a very unwelcome tone while pointing his index finger to Shawn.

Attitude. Gustong alamin ang pangalan ni Shawn pero sa akin ayaw. Siguro may crush siya kay Shawn.

"Hey!" Nagulat ako sa pagsigaw ni Carol. "I know what you are thinking," banta niya sa akin. "Tinanong kita kanina pero ayaw mong sumagot kaya huwag mo akong pagtaasan diyan ng kilay."

May dalaw ata ang isang 'to.

Awkward namang tumawa si Shawn at pasimpleng inawat kami. "I'm Shawn, and she's Viv," nakangiti pang sagot nitong si Shawn.

"Magkakilala pala kayo," komento ni Carol.

"Kakausapin sana kita kaso nakita kong kausap mo na si Viv kanina. Magkakilala pala kayo," Shawn mocked at Carol.

"Ano bang kailangan niyo sa akin?" iritadong tanong nito sa amin ni Shawn. Kanina ko pa napapansin, Carol has the personality of being a straight-forward person. She has the moody type persona. Mataray ang mukha niya at kapansin-pansin ang itsura niya. Short bob hair, makapal niyang wing eyeliner, biugan ang mata. Nakasuot siya ng white long sleeve polo, ripped jeans pants at high heels na lalong nagpatangkad sa kaniya.

The Voyagers' Tale (Avanzar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon