Chapter 23: Stop

10 1 0
                                    

VIV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

VIV

HINATID ako ni Shawn sa University. Kasabay ko siyang umuwi galing Sagada. Hindi natuloy ang pag-alis ng kaniyang ama at hindi niya rin nakita ang kaniyang ama. Isang kasambahay lang daw ang nakausap niya at bumalik na lang daw siya. Babalik si Shawn sa Sagada pagkatapos ng tatlong linggo.

"Ingat ka," huling bilin niya sa akin. "Salamat sa pagsama sa akin sa Sagada. Wala na akong kasama kapag bumalik doon."

Ngumiti naman ako sa kaniya para pagaanin ang loob niya. "Sasama pa rin ako."

He was surprised and there's a trace of excitement on his face. "Talaga? Sagot ko na ulit ang pamasahe sa sunod."

"Ako na ang bahala sa sarili ko. Sobra ka na sa pag gastos." Nagtawanan na lang kaming dalawa. Maya-maya pa ay umalis na siya dahilan para maglakad na ako patungo sa field ng University.

Kahit gabi na ay tumuloy ako para tagpuin si Carol. Nakalimutan ko pang sabihin kay Shawn ang tungkol sa bagay na 'yon. Dali-dali akong nagpadala ng mensahe kay Shawn na pumunta siya sa university.

Tumakbo ako patungo kay Carol nang makita ko siyang tulala. "Viv... do you know who Marga is?" I responded a nod to her. Nabanggit niya kung sino si Marga noong nasa Isla pa kami.

"She won the contest." Tumingin na siya sa akin. "...compose song ko ang nakapangalan sa kaniya." She sobs. "Wala na... Hindi ko na matutulungan si Nay Emy."

Marga steal Carol's song?

"Marga stole your song. Nagpadala siya ng mensahe sa akin at alam niya ang kahulugan ng pamagat ng kanta," paliwanag ko. Hindi siya makapaniwala sa narinig. "Gagawa ako ng paraan. Anong number ng organization?"

Kinalkal ko ang laman ng bag niya. May nakita ako roon na papel. Nandoon ang contact number ng organization na sinalihan nina Carol.

"A-Anong ginagawa mo?" tanong niya sa akin.

I typed my message while speaking, "I'm telling the truth. Marga plagiarized your song." I hit the send button.

"Fuck... No!" Nagulat ako sa pagsigaw sa akin ni Carol. Hindi ko siya pinansin. Ang mahalaga mabigyan ng hustisya ang nangyari.

Kumabog ang dibdib ko nang marinig ko ang mga yabag mula sa aking likuran. Nilingon ko kaagad ang dumating. Thinking it was Shawn, hope in me is growing. Pero nang makita ko kung sino ito, napaatras ako.

"Bakit ka narito?" I asked Marga.

Nakasuot siya ng isang maluwang na puting bistida. Napansin ko ring medyo tumaba siya. Humalukipkip siya at nagtaas ng kilay. Ngayon ko lang nakita ang ekspresyon niyang 'yon.

"You are accusing me of stealing others' work," aniya.

Naramdaman ko namang tumabi sa akin si Carol.

The Voyagers' Tale (Avanzar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon