SHAWN
HINDI pumasok si Viv.
Hinanap ko siya kanina sa library pero wala siya doon. Hindi nga siya pumasok. Dalawang araw nang hindi pumapasok si Viv. Bihirang-bihira lumiban si Viv sa school kaya naisip ko na siguro'y apektado pa rin siya sa mga nangyayari.
Pamula sa nangyari kay Marga, kay Vhan, at sa akin. I feel guilty because of my actions.
Kahit hindi sabihin ni Viv, alam kong apektado siya sa mga nasabi ni Marga dati. Nasabi lang iyon ni Marga para maprotektahan ang batang dinadala niya. Matagal ko ng alam na buntis si Marga pero hindi niya sinasabi sa akin kung sino ang nakabuntis sa kaniya.
I protected Marga because that was her Lola's last wish.
Nakikita ko si Nay Emy sa lola ni Marga. Si Nay Emy din ang naging tulay para maging mas malapit ako kay Viv. Hindi ko rin alam kung anong mayroon sa babaeng 'yon at gustong-gusto ko na mapalapit sa kaniya.
He made me strong again. Hiwalay na sina mama at papa. Hindi nna agpakita ang papa ko sa akin dahilan para mawalan na ako ng pag-asa para sa sakit ko. Hindi ko rin maipaliwanag, natututo muli akong sumugal at lumaban.
Noong malaman ko kasi na may sakit ako, ayaw ko itong ipaalam sa kay mama. Nabuking lang ako ni Kuya Jayce. Siya ang nakakatanda kong kapatid. Ang galing nga dahil kilala niya rin daw si Marga at Carol.
Matapos kong bisitahin si Vhan, napag-isipan kong puntahan si Viv. Hindi pa ako nakakapunta sa bahay nina Viv ay nakasalubong ko na siya sa hallway ng hospital.
"Viv!" tawag ko sa kaniya. Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Lumapit siya sa akin at pinagmamasdan ang pangangatawan ko. "Gusto mo makita abs ko?"
"Hindi 'no!" depensa niya dahilan para mapatawa kaming dalawa. "Ano ang nararamdaman mo?" dali-dali niyang tanong sa akin. "Okay ka lang ba? Tatawag ba ako ng doktor?"
Hinawakan ko ang kamay ni Viv para pigilan siya. "Hindi na kailangan. Binisita ko lang si Vhan kaya ako narito."
Kumunot ang noo niya. "Anong hindi na kailangan? Kailangan mo para matingnan ka. Nandito ka na rin naman."
Umiling ako. "Viv..." napatigil siya panandalian. "Viv, alam ko na ang sakit ko at alam ko na kung anong mangyayari sa akin."
Alam kong alam na rin ni Viv na may sakit ako. Kaya siya ganito kung mag-alala sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at pinaupo ko siya sa bakanteng upuan para makapag-usap kaming dalawa.
"Ano nga bang sakit mo?" tanong niya sa akin. "Marami namang magagaling na Doktor na makakapag pagaling sa iyo. Si Tito Francis, baka marami siyang alam. Pwede rin akong magtanong kay pa—kay Tito Francis na lang."
Nagtaka ako sa biglang pagbagsak ng mukha niya nang akma na niyang babanggitin ang kaniyang ama. "Malala ang sakit ko," pag-amin ko. "I found out I have leukemia. Hindi na ito magagamot."
BINABASA MO ANG
The Voyagers' Tale (Avanzar Series #1)
Storie d'amoreIt was about a story about the unlikely group that keeps on fighting and believing in their dreams. One wish brings their connection to each other. Will they make it or will their inner demons win? If you think you know their story, write it down, b...