Lagi kong naririnig ang musikang iyon. Lagi siyang tumutunog sa isipan ko. Sa tuwing naririnig ko yun, naaalala ko lahat. Naaalala ko siya, ang magandang tinig niya. Ang pagtunog niya sa gitara. Ang pagsabay namin sa himig ng bawat musika. Napakaganda, nakakaaliw, nakakatuwa. Iba't ibang emosyon ang aking nararamdaman. Parang ayoko na makawala sa nararamdaman ko.
"Daddy, eto po yung tuition ko." Matipid kong sinabi at pinakita sa kanya ang statement of account ko. Agad siyang kumuha ng check at pera.
"Eto muna ang ibayad mo. Popondohan ko din yan mamaya. At eto, baon mo ngayon." Iniabot niya iyon at kinuha ko agad.
"Thank you po. Alis na po ako." Sabi ko at tumango siya. Bumaba na ako ng elevator at kinuha sa bulsa ang susi ng kotse.
Dumaan muna ko sa National Bookstore. Nakalimutan kong may ibinilin si Danna sa akin para sa project namin. Biglang nag ring ang phone ko. Kinuha ko ito at si Danna na nga ang tumatawag. "Ano? Eto na papunta na sa NBS. May ihahabol ka pa bang ipabibili?" Direcho kong tanong sakanya.
"Hello Jen, Goodmorning! Wala man lamang bang greetings diyan? Napakataray talaga nito oh," Malakas niyang pagkakasabi. Rinig kong maingay sa paligid niya. Bumuntong hininga nalang ako. Inaantay kung anong sunod niyang sasabihin.
"Hay girl, nakalimutan ko kasi magpabili ng glue--"
"Ilan?"
"Isa lang. Ilan ba gusto mo bilhin? Talaga to oh."
"Sige bye." in-end call ko na at nagsimula nang pumasok sa loob.
Nahirapan akong buhatin ang mga binili ko. Masyadong maraming pinabili si Danna. Gosh, ano ba naman to.
Kinuha ko na ang sandamakmak na papel sa plastic sa counter. Nagsimula na akong maglakad papalabas. 5 minutes before 11. Malelate na ako.
Pagdating ko sa room, nagsisimula na ang klase. Napatingin sa akin si Danna. Umupo ako sa likod. Hindi ako napansin ng professor namin. Bwisit talaga tong babaeng to. Ako na pinabili lahat ng kailangan sa project namin. At, dalawang oras pa ang hihintayin ko bago magvacant. Nagugutom na ako. Wala ako sa mood makinig.
Naramdaman kong may tumabi sa gilid ko. Si Danna.
"Nabili mo ba lahat?" Bulong niya sakin.
"Oo. Wag ka nang maingay diyan. Bumalik ka na doon sa pwesto mo." Tipid kong sagot.
"Sungit. Mamaya na kita babayaran. Thankie!!" Pabulong pa din niyang sinabi at bumalik na sa pwesto niya.
Ang hirap pala maging college student. Pag pumasok ka, dapat handa ka. Dapat nakapag aral ka. Hindi tulad sa highschool, petiks lang. Ibang iba talaga sa college. Di mo mararamdaman ang mga naramdaman mo gaya nung highschool ka. Mas magmamature ang tingin mo sa buhay. Kelangan mo magseryoso. Magkakaroon ka ng iba't ibang kaibigan, mas dadami ang tao sa paligid mo. Parang ang bilis ng panahon.
Yes. Vacant na.
Nag aalisan na ang mga tao sa room. Lumapit sa akin si Danna. "Barracks?" Tanong niya. Tumango ako at nagsimula nang lumabas ng room. Doon ang tambayan namin ni Danna tuwing vacant. malapit yun sa gym at dorm ng mga varsity sa school namin at sa barracks ng mga utilities. Madaming stonetable at chairs pero konti lang ang tumatambay. Masyado daw kasing madahon at tahimik. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw nila ng ganung lugar kung saan makakalanghap ka ng preskong hangin at tahimik na paligid.
Bumili muna kami ng pagkain bago pumunta sa barracks. Umupo kami sa paborito naming pwesto, ibinaba ang mga gamit at dala dala kong mga platic bags sa gilid ko at nagsimula na akong magbasa ng libro. "Hindi mo padin yan tapos?" Tanong sakin ni Danna. Tumango lang ako.
Tahimik kaming kumakain ni Danna. Ang sarap ng simoy ng hangin. Parang dati. Parang nasa probinsya ka. Sinamantala ko ang sandali at pumikit. Dinamdam ko ito at bumabalik sa isipan ko ang nakaraan. Napangiti ako ng sandali at agad ding nawala. Bumilis ang tibok ng puso ko.
Nawala ako sa konsentrasyon at napamulat ng may malakas na bumangga sa likuran ko at kumapit sa braso ko ng mahigpit. Nahulog ang mga plastic bag sa gilid ko. Agad nag iba ang mood ko sa nangyari. Napatayo ako at hinawi ang pagkakahawak niya sa braso ko. Lumingon ako sa likod at nakita ko ang isang lalaki na matangkad, naka puting t-shirt, naka fancy eyeglasses at malagong buhok. Nawala siya sa balanse dahilan para matumba siya ng tuluyan.
"Miss? Nawala ako sa balanse. Hindi mo ako sinalo." Nakangiti niyang sabi sa akin. Kumunot ang noo ko sakanya at nainis.
"Ano ba?" Sabi ko sakanya. Napatayo nadin si Danna at lumapit sa gilid ko. "Hayaan mo na, tara na." Sinimulan na pulutin ni Danna ang mga plastic bag at tumayo naman sa harap ko ang lalaki. Nginitian niya ako ng napakalapad at kinamot ang ulo niya. Hindi ko siya nakikita dito sa campus namin at hindi pamilyar ang mukha niya.
"Anong course mo, miss?" Biglang tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit nakuha pa niya magtanong ng ganung bagay. Siya na nga ang nakasakit.
"Hindi ka man lamang ba magsosorry?"
"Sorry. Miss ano nang course mo?" Mukhang nagmamadali siya. Napasigaw nalang ako ng mahina sa inis. Wala na akong balak pa siyang kausapin at tinalikuran ko na siya. Nakita kong nasa malayong banda ang skate board niya. Ayun siguro ang dahilan kung bakit bumangga siya sa akin.
"Tara na Jen. Sorry kuya cute, lagi kasing meron tong kaibigan ko eh." Hinila na ako ni Danna papalayo sakanya.
"Wait!" Hinabol niya kami at kinuha ang ballpen na hawak ni Danna. Kinuha niya ang kamay ko at sinulat ang phone number niya dun. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Binawi ko agad ang kamay ko kaya kumalat ang tinta ng ballpen sa kamay ko. Ugh.
"Hi Jen. Rafe pala. Naniniwala ka ba na magiging tayo? See you around!" Iniabot niya ang ballpen kay Danna at pinaslide na ang board niya papalayo sa amin. Napailing nalang ako sa ginawa niya. Walang hiyang lalaki.
"May hand sanitizer ka ba?" Iritado kong tanong kay Danna. Umiling siya. Napa buntong hininga nalang ako. Nasira ang araw ko dahil sakanya.