Chapter 2

8 0 0
                                    

Prince came closer to me, trying to hold my hand. I was very devastated because of the feeling that is conquering to my body right now. We are both crying. Crying in pain and sadness. He was about to kneel infront of me but I restrained him.

"It's too late." I shouted to him.

"I'm sorry Sam. I know you're very hurt right now," he said between his tears. "I'm very sorry. You know that I'm a good person and I cannot do this to you,"

"But why?"

"I'm sorry. I hope you can forgive me." He said while he is slowly drifting away from me. There was nothing I could do except to cry. It's all over.

It's all over.

"Huy! Jen. Dismissal na." Napatingala ako sa harap ko. Bumalik ako sa aking sarili ng gisingin ako sa mahimbing na pagkakatulog ni Danna.

"Di naman kelangan manulak. Tara." Nauna na akong maglakad sakanya papunta sa parking lot. Kinuha ko ang phone ko at nagsimulang tawagan si Cherry.

"Cherry. Sa Track. 8pm. On the way na kami ni Danna," tumingin ako kay Danna. Lumayo ako sa phone para senyasan siya. "Sa'kin ka na sumakay." Tumango siya. Dahil sira din naman ang Alto niya, wala din akong magagawa kundi pasabayin siya. Inilapit ko na ulit ang phone sa tenga ko at narinig ang maingay na background sa kabilang linya.

"Jen? Nandito na kami sa Track! Hello??" Malinaw ang boses ni Cherry mula sa kabilang linya pero mukhang kami naman ang hindi niya maintindihan. "Ah basta! Hello? VIP 7 Jen. Kasama ko si Jonathan. Ioorder ko na kayo ng black label okay? Sumunod na kayo agad!" Narinig ko ang boses ni Jonathan na mukhang nilalambing siya at pinapababa na ang telepono. "Sige mamaya na lang. Bye!" naputol na ang kabilang linya. Sumakay na ako sa kotse pati na din si Danna.

"Anong sabi?" tanong niya sa akin.

"Nandun na daw sila." Matipid kong sagot.

"Sana hindi ko makita si Nate." Napasimangot siya. Direcho ang tingin ko sa daan. Hindi ko na lang pinansin ang kanyang sinabi.

"Daan tayo sa Icebergs. Please. Gusto ko lang ng Ice cream." Napa buntong hininga na lang ako. Tumango ako at direcho pa din ang tingin ko sa daan. Naramdaman kong napangiti siya.

"Thanks cold-hearted bitch." Sinamaan ko siya ng tingin sa sinabi niya. Napatawa lang siya at hinampas ako sa braso.. "Bagay na bagay talaga."

-

"Oh? Nasaan si Jonathan? Akala ko kasama mo siya?" Agad na tanong ni Danna pagdating namin sa Track VIP 7.

"Nag CR lang. Bakit ang tagal niyo? Hinarang nanaman ba kayo ni Big B?" palipat lipat niyang tingin saming dalawa. Umupo na ako kung saan lagi akong nakapwesto. Nakita ko ang black label sa harap ko. Punong puno ito ng yelo. Nakakauhaw. Ininom ko ito ng isang lagukan.

"Haay. Si Jen, siya naman laging hinaharang diyan. Duh." Sabi ni Danna at sinimulan nadin kunin ang shot niya.

Totoo ang sinabi ni Danna. Track ang isa naming paboritong tambayan tuwing gabi. Night bar siya at bawal ang minors. Finefake lang namin ang ID namin para makapasok kami. Malakas kami sa manager ng bar. Si Tito Ron kasi ang manager ng bar na tatay ni Cherry. Si Big B ang bouncer sa front entrance na lagi akong hinohold dahil sa hindi ko malamang kadahilanan.

"Nandito ka nanaman miss Jen," nginitian ako ni Big B ng nakakasura. Nainis lang ako sa ginawa niya. Akmang aalis na ako ng hilahin niya ako palapit sakanya. Pinigilan ko siya bago pa ako may magawang hindi maganda.

"Hanggang diyan lang Big B." Sinimulan ko nang alisin ang pagkakahawak niya sa akin. "Next time."

Dumating na si Jonathan sa table namin kasama si Xander. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Tumabi siya sa akin at hinapit ang kamay niya sa bewang ko. Bumalik naman si Jonathan sa pwesto niya sa tabi ni Cherry.

"Yung Jen mo, hinarang na naman ni Big B," sabi ni Danna kay Xander. Napakunot ang noo niya at tumingin sa akin.

"Okay lang ako. Wag mo kong isipin."

Nagpatuloy kami sa session namin. Ganito ang gawain namin madalas tuwing gabi. Minsan tambay lang, minsan shot. Dito din nagkikita kapag may problema, o may kasiyahan. Simula nung college, natuto na ako uminom, natuklasan ko ang lugar na ito. Naging mas malaya ako. Si Xander, isa sa mga boys ko. Hindi ako playgirl, hindi din ako malandi. Cold hearted-bitch, for formality. Ayan ang tawag nila sa akin. One by one ako pagdating sa boys. Sandalian lang. Hindi ko nagsstick sa long time fling. Ayokong makasakit ng feelings. Never gonna do that. Lalo na't alam ko ang pakiramdam.

Nang maging uncomfortable ako kay Xander dahil sa kakahalik niya sa leeg ko kaya nagpaalam muna ako sakanya para mag CR. Hindi ko na kinaya ang hangin sa loob ng VIP 7.

"Powder room lang ako. Nakakabanas dito," sabi ko kay Xander.

"Jen, sama ako! Wait," tumayo si Danna at hinarap si Deejay na busy sa pakikipag usap kay Xander tungkol sa basketball na-- ugh. Blabla, i don't care kung ano man yun. "CR lang kami babe, magbehave ka diyan."

Nag thumbs up naman si Deejay kay Danna at kumindat. Gross.

Nagpunta na kami ng powder room. I need air.

"Girl," tumingin si Danna sa salamin at nagsimulang mag retouch. "Ayaw mo na sakanya?"

"Yes." Sabi ko at nagsimula nang mag apply ng lipstick.

"Grabe ha, ang straight forward mo. Pwede namang medyo lang o konti lang. Binibigla mo ko eh!" Sabi ni Danna.

"God Danna, hindi ko padin siya makalimutan." Hinampas ko ang vanity at yumuko. Nilapitan ako ni Danna at tinap ang shoulder ko.

Its been 2 years.

"Hey," hinagod ni Danna ang likod ko. "Don't force yourself. Okay?"

Tumingin ako sakanya at nginitian niya ako. Umiling na lang ako at tinago na ang make up kit ko.

"I'll dump Xander now."

Nagkibit-balikat na lang si Danna sakin.

Naglakad na kami palabas ng powder room. Nauna siyang lumabas ng pinto sa akin. Nalaglag ang hawak kong hanky kaya pinulot ko pa yun bago makalabas. Pagkalabas ko ng pinto may narinig akong sigaw sa likod ko na parang galing sa isang guy.

"Watch out!!"

Bago pa ako makaiwas, may bumangga sa bandang shoulder ko ng napakalakas.

"Aray! Fuck!" Sobrang sakit ng pagkakatama sakin. Pagtingin ko sa likod ko,

"What the hell?! Ikaw na naman?!"

"Woah woah watch your words. I'm sorry okay. May hinahabol lang ako. Sorry ulit. Bye!"

Siya na naman?! Yung guy na nakatama sakin ng skateboard earlier. Why the hell is he here?

Bago pa siya makalayo ay may sinigaw siya sa akin.

"Btw, contact me Jen!"

Ugh. Annoying!

Sound of SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon