Chapter 3

6 0 0
                                    

Pinatay ko na ang ignition ng kotse ko. Nasa tapat na kami ng bahay ni Danna.

"Bakit ba kasi sakin ka pa sumabay. Kasama mo naman yung boyfriend mo. Di ka pa nagpahatid sa kanya. Tsk." Kunsabagay, magkalapit lang kami ng subdivision ni Danna, less hassle na din siguro para kay Deejay.

"That. Was. So. Awful." Umayos ng upo si Danna at humarap sakin. "Nakita mo yung itsura ni Xander kanina? Haha! Girl, iba ka. Parang wala lang sayo magtaboy ng lalaki."

Inirapan ko na lang siya. "Ayoko na. Hindi na ko makikipaglaro. Magfofocus ako sa pag-aaral. Nagi-guilty na ko." Which was half lie. Seryoso na magfofocus na ko sa studies pero hindi ako guilty sa pagdump ko sa mga past guys.

"Oww-kay. Basta, ingat ka lagi Jen. Pag nalaman nila tita yang kalokohan mo nako, lalong lalo na ni tito, for sure. Di mo magugustuhan ang consequences niyan." Nagsimula nang bumaba si Danna. Yumuko siya para sa window ng sasakyan para matanaw ako. "By the way, text mo na yung cute guy kanina sa school at sa track. Malay mo," kinindatan niya ako sabay tingin sa palm ko.

Napatingin naman ako sa palm ko. Nandun pa yung phone number ni Rafe.

"Pag-iisipan ko." Nginitian ko siya.

"Wow. Unang smile mo ngayong araw. Napa smile ka ni Mr. Cute-guy."

"Whatever." Bumalik na ako sa dati kong aura.

"Gotta go na. GG na naman ako kay daddy. Bye."

"Bye then cold-hearted bitch."

-

"Sorry daddy. Nagkasiyahan lang po kami ng blockmates ko."

"Sige anak ayos lang. Sanay na kong umuuwi ka ng late. Sabi ko nga sayo, basta ayusin mo lang ang studies mo. Magpahinga ka na."

"Thank you po daddy. Goodnight." Hinalikan ko siya sa pisngi at pumasok na sa room ko at dire-direcho nang dumapa sa kama ko. Nasulyapan ko ang number sa kamay ko. Hanggang ngayon hindi pa din ito nabubura pero burado na ang pangalan na nakalagay dun. Sinave ko eto sa phonebook ko. Pilit kong inalala ang pangalan niya pero hindi ko na talaga maalala. Sinave ko ang contact name niya as Stranger.


-

Maghapon akong nakatunganga sa klase. Wala akong masyadong naintindihan. Nang matapos na ang klase, niyaya ko si Danna magstarbucks. Maeexpire na din kasi ang discount coupon ko. Pumayag naman siya agad. Not when Deejay called.


"Hello babe? Ahhh.. Osige.. Sige papunta na ko... Oo dismissal na namin... Ingat ka.. I love you, bye!" Bumuntong hininga siya pagkatapos niyang kausapin si Deejay.


"Girl, may family dinner kami nila Deejay, muntik ko nang makalimutan, hehe." Napakamot siya sa ulo. Nakakainis naman! Kung kelan nasa mood ako magrelax at magchill. Pero no problem, sanay na nga pala ako mag-isa.

Sumakay na ako sa kotse pagkatapos magpaalam ni Danna. I can do this alone.


Pagkadating ko sa starbucks inorder ko agad ang favorite kong frappe. "Chocolate cream chip, grande." Binigay ko na ang natitira kong discount coupon at inintay kong matawag ang pangalan ko at humanap ng comfortable na pwesto.



Luckily, may nakita akong vacant na couch. Mas komportable kung uupo ako dun. Pumunta na ako at umupo sa couch. Nilabas ko ang binabasa kong libro and opened it kung saan ako huling nagbasa. Habang nagcoconcentrate ako magbasa at nahanap na ang inner peace ko sa katawan, bigla akong nagulat at nang may malakas na tunog na nanggaling sa harap ko. Literal akong napabalikwas sa sobrang gulat ko. Tinignan ko kung anong bumagsak at isa itong skateboard. Napatingala ako kung sino ang nanadyang ibagsak ito sa harapan ko.


"WHAT THE FUCK??!!!" Pinagsalubong ko ang kilay ko at galit na tinignan si-- nakalimutan ko na kung anong pangalan nitong creature na to. "Ikaw na naman?! What's your problem?! And, are you stalking me??" Tumayo ako humalukipkip.


"Woah woah, chill ka lang!" Umakto pa siyang binababa niya ang parehas niyang kamay. Mukha siyang tanga. "Pwede makishare?" Nilapag na niya ang inorder niyang coffee at umupo na sa katapat kong couch. Nilagay niya ang skateboard niya sa gilid at dumekwatro.

"What the hell?!??!" Sigaw ko sakanya. Nakakairita na siya. Sino ba siya?

"Sshhhh!! Umupo ka na nga. Nagrerelax ako eh. Wag kang maingay." Tinaas niya ang mga kamay niya at nilagay ito sa ulo niya at pumikit. Mariin kong pinagdikit ang aking mga labi sa sobrang inis at umupo ng padabog.

"You stranger, umalis ka diyan. Sa iba ka umupo. Hindi kita kilala! Alis!"

Nagmulat siya at tinaasan ako ng isang kilay. "Jen, wala nakong mahanap na bakanteng upuan bukod dito. Tignan mo oh, puno na lahat." Sabi niya habang sinisipat ang mga tao sa Starbucks.

Lumingon ako sa paligid at tama nga siya, occupied na lahat ng seats. Kung kelan gusto kong mapag isa saka naman umepal tong asungot na to! My gosh!


"Hep hep hep, Rafe nga kasi. R-A-F-E. Rafael Domingo. Ilang beses ba akong magpapakilala sayo? Ouch naman, hanggang ngayon hindi mo padin pala ako kilala."


Siniringan ko siya at bumalik na sa pagbabasa ko. Hindi ko na lang siya papansinin at iisiping walang tao sa harapan ko. Mababadtrip lang ako sa mukha niya kapag nakikita ko siya.


"Psst, kausapin mo naman ako, wala akong magawa eh."


Nagambala na naman ako sa pagbabasa ko pero hindi ko na lang siya pinansin. Nabubwisit na talaga ako.

Mayamaya ay umepal na naman siya. "Huy, pansinin mo naman ako. Sinave mo ba yung number ko? Bakit hindi mo ko tinetext?"


Goodness. Hindi ko na ma-take ang asungot na to. Binagsak ko ang libro sa table at nagulat siya. "Can you please shut up?!" Napalakas ang boses kaya lumingon ang ilang mga tao samin. Hinayaan ko na lang sila. Bumalik ako sa pagkakaupo ko nang bwisit ma bwisit ang mukha.


"Ang suplada mo naman." Nasulyapan kong nagpout siya. Yuck! "Nagtatanong lang naman eh." Nakita kong mas lalo pa niyang pinout ang nguso niya. Wtf?

Tumayo na ako at kinuha ang mga gamit ko. Aalis na ako dito.

"H-hoy! San ka pupunta?" Naglakad na ako ng mabilis. Kinuha niya ang skateboard niya at sinundan ako. Nang makalabas ako sa SB ay mas binilisan ko pa ang paglalakad ko. The nerve of that guy. Ugh.

"Wait!" Pinadausdos niya ang skateboard niya at mabilis niya kong naabutan sa sasakyan ko. "Sorry na okay?" Hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy na pumasok sa sasakyan ko. Binato ko ang mga dala kong gamit sa shotgun seat at madaling pinaandar ang engine

"Pasabay naman." Narinig kong sabi niya habang kumakatok sa window ko.

Whatever.


"Hahabulin kita gamit ang skateboard ko!" Lakas loob niyang sinabi. Hah. As if naman mahabol niya ako. Binaba ko ang bintana ng kotse ko at hinarap siya. Ngumisi naman siya.


"Stop stalking me. Pwede ba?! Ang kulit mo!"


Humawak siya sa pintuan ko. "Gusto ko lang naman maging magkaibigan tayo eh."


Inirapan ko ulit siya at tinaas na ang bintana ng kotse ko. Tinanggal niya naman agad ang mga kamay niya dahil syempre, alam niya sigurong maiipit ang kamay niya.


Pinaharurot ko na ang sasakyan at tinignan siya sa side mirror. Nakangiti siyang kinakawayan ako.




Ugh. He's so annoying as fuck!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sound of SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon