CHAPTER 1

1.5K 105 10
                                    

KYLINE Point Of View..

Bata palang ako tampulan na ako ng tukso kaya sabe ko sa sarili ko oras na maka graduate ako ng elementary mag aayos ako para pag nag aral ako ng high school hindi na ako tutuksuhin...

Naalala ko pa noon...

Flashback...

"Fukuda nandyan na si Kyline." sigaw ng mga classmate kong lalaki ng makita ako...

Takot na takot akong pumasok dahil walang araw na hindi nila ako binubully lalo na si Fukuda.

"Alam mo sira na naman ang araw ko nakita nanaman kita. Ulikba kana nga panget kapa....

Halos maiyak ako sa sinabe ni Fukuda sakin pero ayokong umiyak sa harap nya kaya ginawa ko nalang iwasan sya at maupo...

"Hindi pa kita tapos kausapin. Sinabe ko bang maupo ka hah? Dun ka sa labas bawal ng panget dito sa loob." pagtataboy nya sakin.

"Sorry." agad akong lumabas ng room.

Nakita naman ako ng teacher ko na umiiyak at tinanong ako kung bakit. "Anong nangyare sayo Kyline. Bakit hindi ka pumasok sa loob?" tanong ni Mam sakin.

"Kasi Mam sabe ni Fukuda bawal daw po ng panget sa loob hindi naman po kasi ako maganda mam." sagot ko

"Ikaw bata ka nagpapaniwala ka kay Fukuda walang taong panget. Halika kakausapin ko yang si Fukuda....

Pumasok ako sa loob na kasama si Mam. Hindi ko alam bakit nanginginig ang tuhod ko. "Fukuda wala kana bang gagawing matino kundi mambully ng classmate mo. Oras na sabihan mo pang panget si Kyline sususpendihin kita naiintindihan mo." pananakot ni Mam kay Fukuda..

"Bakit mam totoo naman ang sinasabe ko panget naman talaga sya. Ang turo ng mga magulang ko bawal mag sinungaling palibhasa kasi panget na nga ulikba pa." bulong ni Fukuda habang masama ang tingin sakin.

Ang totoo hindi ako maputi hindi rin makinis ang balat ko kaya nga tampulan ako ng tukso kahit sa ibang section tinutukso ako siguro tama si Fukuda panget talaga ako.

"Sige na Kyline maupo kana dun para makapag klase na ako." utos ni Mam at agad naman akong sumunod.

Magkatabi ang upuan namin ni Fukuda kaya kinakabahan akong tumingin sa kanya. "Panget." pagtawag nya sakin.

Hindi ko na lang sya pinansin at naupo nalang ako. Halos hindi ako makapag concentrate sa tinuturo ni Mam dahil hinahagisan ako ng papel ni Fukuda.

Wala akong magawa kundi pulutin ang mga papel na nilamukos nya. "Sana pag naka graduate na ako hindi na kita makita panget ka kasi." panunukso nya...

Ni wala akong kakampi sa school namin kundi ang sarili ko. Sino nga ba naman ang makikipag kaibigan sakin lalo na hindi naman ako maputi tulad ng mga classmate ko...

Pagkatapos ng klase nagmadali akong lumabas ng room para umuwi. Ayoko na mag aral kasi lage nalang akong umiiyak. Hindi ko naman masabe kanila mama ang ginagawa ng mga classmate ko dahil ayokong bigyan sila ng problema...

End of Flashback

"Kyline anak." untag ni mama sakin...

Hindi ko napigilan maiyak ng maalala ko ang nakaraan ko. "Umiiyak kaba? Anak sabe pala ng papa mo sa RYONAN ka daw mag aaral dahil may kakilala daw sya dun okay lang ba sayo?" tanong ni mama sakin.

"RYONAN?...

"Sabe nila maganda daw doon at marami daw gwapo anak." dagdag pa ni mama.

"Kayo talaga mama." nasabe ko nalang...

Wala naman kaso kung saan ako mag aaral ayoko lang talaga na mabully ulit ako. Sana nga maganda sa RYONAN. Ahhm saan nga kaya nag aaral ngayon si Fukuda? Makita ko pa kaya sya? Ano na kayang itsura nya ngayon..

Pagkatapos kong kumain sinamahan ako ni Mama sa school ng RYONAN at nakita ko doon si Papa na may kausap na lalaki. "Kyline anak." pagtawag ni Papa.

Lumapit kami ni Mama at nagtaka ako kung bakit nya kami tinawag. "Anak sya nga pala si coach Taoka. Sya ang coach ng basketball."

"Magandang umaga po coach Taoka ako po si Kyline." pagpapakilala ko naman.

"Aba ikaw na pala si Kyline hindi kita nakilala ang laki muna at gumanda ka." puri ni coach Taoka.

Natuwa naman ako sa compliment na sinabe nya dahil sa buong buhay ko wala pang nagsabe na maganda ako maliban sa mga magulang ko. "Maraming salamat po coach Taoka."

"Wag ka mag alala anak bestfriend ko tong si coach Taoka kaya gusto ko dito ka mag aral para kahit wala kami ni Mama mo may mag babantay sayo." seryosong sabe ni Papa sakin at ngumiti naman si coach Taoka.

"Sige po Pa mukha naman maganda nga dito sa RYONAN." sagot ko habang pinag mamasdan ang paligid.

"Bukas darating sila Sendoh ipapakilala kita sa team para magkaron ka ng mga kaibigan." sabe ni coach Taoka at natuwa naman ako.

Ang totoo mula ng maka graduate ako ng elementary wala akong naging kaibigan kaya masaya na ako kung magkakaroon ako ng kaibigan dito sa RYONAN.

Nagpaalam na kami ni Mama kay coach Taoka para pumunta sa Admin Office. Naeexcite akong pumasok lalo na ng sabihin ni coach Taoka na ipapakilala nya ako sa team..

Pagkatapos kong ipasa lahat ng requirements ko lumabas na kami ni Mama para umuwi....

"Aba anak ngiting ngiti ka dyan excited kaba pumasok bukas?" tanong ni Mama sakin.

"Opo Ma. Ngayon nga lang ako naexcite pumasok kasi nung elementary ako ayaw na ayaw kong pumasok. Sana nga Ma makasundo ko lahat magiging classmate ko." sabe ko..

Ngumiti na lang si Mama sakin at nagpatuloy kami sa paglalakad....

𝐏𝐔𝐑𝐄 𝐋𝐎𝐕𝐄Where stories live. Discover now