CHAPTER 13

554 101 8
                                    

"Tara practice na." sabe ni Sendoh at sabay sabay silang pumunta sa gym.

"Ako na magdala nyan." agad na kinuha ni Fukuda ang mga dala dala ni Kyline.

"May tinatago palang kasweetan sa katawan yang si Fukuda." bulong ni Hikoichi.

"Ano Kyline ayos ba? Hindi na sayang ang ginawa natin." napapangiting sabe ni Koshino.

"Thank you pero di ako sanay na ganyan si Fukuda mas sanay pa akong binubully nya." sagot ni Kyline.

Pag dating nila sa gym nagtaka si Fukuda ng makita sila Dome at Enzo. "Anong ginagawa nyo rito?" tanong nya sa dalawa.

"Bakit ganyan ka naman makatanong parang di ka masaya na nakita kami hehehe. Yan na ba si Kyline? Ang ganda na pala kaya pala bumigay ka." sabe ni Enzo at nilapitan si Kyline.

"Hindi na nga sya maitim kaya pala nagustuhan ka ni Fukuda." sabat naman ni Dome at tinignan mula ulo hanggang paa si Kyline.

"Pwede ba rumespeto kayo sa babae." seryosong sabe ni Sendoh kay Dome at Enzo.

"Alam mo bang pinagpustahan ka namin sayang lang natalo kami akala kasi namin hindi maiinlove sayo tong kaibigan namin hindi ba Fukuda." kwento ni Enzo at nagulat sila Kyline ganun din sila Hikoichi, Koshino at Sendoh..

"Totoo ba ang sinasabe nila?" tanong ni Kyline kay Fukuda.

"Matagal na yun Kyline biruan lang naman yung pustahan na yun." paliwanag ni Fukuda na hindi matignan si Kyline.

"Anong biruan ang sinasabe mo Fukuda hindi ba ikaw pa nga nagsabe samin na maiinlove sayo yang si Kyline ang kaso ikaw ang nainlove kaya di mo natupad ang sinabe mong iiwan mo sya oras na mainlove sya sayo." sabe ni Dome.

"Ibang klase ka pala Fukuda." bulong ni Sendoh na hindi maiwasan mainis.

"Wala kang karapatang magmahal Fukuda hindi ko akalain na magagawa mo sa babae yan." sabe ni Koshino.

Hindi na nagsalita si Kyline at naglakad nalang ito palayo kay Fukuda. Hinabol naman nya si Kyline para magpaliwanag. "I'm sorry Kyline pero maniwala ka matagal na yung pustahan na yun hindi ko na nga naalala yun." naiiyak na paliwanag ulet ni Fukuda.

"Hindi ko na alam kung tama bang nagustuhan kita. Alam mo hindi na ako nasasaktan sa mga pambubully mo at tinanggap ko lahat yun pero yung di ko matanggap yung pinag pustahan nyo ko ng mga kaibigan mo. Maraming salamat dahil sayo nasasaktan nanaman ako." naiiyak na tumakbo si Kyline.

"Mas marunong pa magmahal sayo si Sakuragi." sabe ni Sendoh saka sinuntok si Fukuda.

"You deserve it." bulong ni Koshino.

"Ang sama mo Fukuda." inis na turan ni Hikoichi saka tumakbo at sinundan si Kyline.

Samantala galit na hinarap ni Fukuda ang kaibigan nyang si Enzo at Dome. "Bakit kailangan nyo pang sabihin kay Kyline yun." bulyaw ni Fukuda.

"Bakit ka nagagalit totoo naman. Isa pa kung mahal mo sya dapat wala kang tinatago sa kanya tsaka sino ba sya hindi pa rin naman sya maganda pumuti lang." pang iinsulto ni Enzo.

"Isa pa Fukuda di kayo bagay panget pa rin sya tulad ng dati." panglalait naman ni Dome.

"Bawiin mo ang sinabe mo. Wala kayong karapatan na insultuhin ang babaeng mahal ko." sabe ni Fukuda sa dalawa.

"Mahal? akala ko ba walang forever sabe mo." natatawang iniwan ng dalawa si Fukuda.

"I'm sorry Kyline siguro nga hindi ko deserve na magustuhan mo ko. Tama sila Koshino at Sendoh hindi ako marunong magmahal."

"Anong problema?...

Nagulat si Fukuda ng makita si Nikay. "Wala." sagot ni Fukuda.

"Alam kong may problema ka Fukuda dahil hindi ka naman iiyak ng ganyan kung wala."

"Bakit ka pala nandito?" tanong ni Fukuda.

"Wala naman. Si Kyline ba ang dahilan?" tanong ni Nikay.

"Paano mo nakilala si Kyline?"

"Kinuwento sakin ni Akira. Ano kayo naba?" ngiting tanong ni Nikay.

"Nung nakilala kita tahimik ka mahinhin pero ngayon usisera ka na din tulad ni Sendoh." sabe ni Fukuda at tumawa ng malakas si Nikay.

"Hindi naman slight lang. Ano nabang score mo kay Kyline kahit di ko pa sya kilala mukhang mabait sya."

"Oo sobrang bait nya ako lang hindi." sagot ni Fukuda at napangiti naman si Nikay.

"Mabait ka naman. Alam mo Fukuda kung mahal mo si Kyline wag mo sya sukuan kahit na palayuin ka nya  dahil minsan sinasabe lang ng mga babae na lumayo ka pero deep inside nasasaktan sila. Kung mahal mo sya sundan mo tapos mag sorry ka kundi nya tanggapin mag sorry ka parin wag kang titigil mag sorry kahit araw araw pa hanggang sa mapatawad ka nya." seryosong sabe ni Nikay..

"Ang laki ng kasalanan ko sa kanya Nikay parang mahirap na nyang patawarin pa yun."

"Bakit ano bang kasalanan mo sa kanya?" tanong ni Nikay.

"Nikay...

Hindi na nasabe ni Fukuda dahil dumating si Sendoh kasama si Maki at Fujima.

"Ayoko ng lalapit ka sa lalaking yan mula ngayon hindi na natin sya kaibigan." sabe ni Sendoh at nagtaka naman sila Maki Fujima at Nikay.

"Akira naman." sambit ni Nikay.

"Naiintindihan ko galit mo sakin." singit ni Fukuda na hindi makatingin kanila Maki.

"Teka ano bang problema?" tanong ni Maki.

"Sinaktan nya si Kyline. Alam nyo bang maraming kasalanan si Fukuda pero lahat yun pinatawad ni Kyline kasi mahal nya si Fukuda at ang lokong Fukuda pinag pustahan lang pala si Kyline." kwento ni Sendoh at nagulat si Nikay maging sila Maki at Fujima.

"Nagawa mo yun sa babae? Fukuda alam namin maloko ka pero hindi sa babae bakit mo ginawa yun." tanong ni Fujima na hindi makapaniwala.

"Aayusin natin yan. Mag usap tayo mamaya sa bahay ko kasama si Kyline. Tara na Fujima." sabe na lang ni Maki saka umalis.

"Teka lang Maki hindi na nga natin sya kaibigan di ba." sabe ni Sendoh.

"Hindi naman ako pumayag sa gusto mo. Gusto kong pakinggan ang side ni Kyline at side ni Fukuda saka ako magpapasya kung gusto ko paba syang maging kaibigan." sagot ni Maki at ngumiti naman si Nikay at Fujima.

"Ganyan dapat ang mindset Akira." sabat ni Nikay at napakamot nalang si Sendoh.

"Fujima pakitawagan ang buong team pakisabe emergency meeting sa bahay ko." utos ni Maki kay Fujima.

"Yes boss." ngiting sagot naman ni Fujima

𝐏𝐔𝐑𝐄 𝐋𝐎𝐕𝐄Where stories live. Discover now