Chapter 1

11 1 0
                                    

Vane's POV.

"Da? Seryoso ka ba dyan? Papaalisin mo ko dito sa bahay?"

Well, thats me. You read it right, papaalisin nga ako sa bahay pero di naman daw papalayasin, duh? Pareho lang kaya yon.

Partida nasa hapag-kainan pa kami tapos bigla na lang nagsabi ng ganyan sakin. Nakakabigla.

"Look Vanessa, anak. Hindi naman kita itinatakwil o pinapalayas. Gusto ko lang na i-try mong mamuhay mag-isa pero magbibigay naman kami ng pera sayo wala naman ng problema don"

"Dada naman e, alam mo naman na kailangan ko pa ng pag aaruga nyo ni mommy Baka di ko kayanin yon dada." pag atungal ko sa kanila.

Si mommy naman tahimik lang sa gilid habang nakikinig samin ni dada, pero knowing mommy, alam ko na kung sasalungat din sya sa kagustuhan ni dada eh magsasalita na  sya.

Pero mukhang walang balak si mommy na magsalita, mukhang papabor nga sya kay dada.

"Look vanessa, You're already 17 kakayanin mo yan may tiwala kami sayo. Saka para rin naman sayo to para kapag bubukod ka na samin someday eh hindi ka na mahihirapang mag adjust, and bago ko makalimutan kasama mo naman sila liah don oh diba di ka naman nag-iisa don"- Mahabang paliwanag nya.

Napaisip ako bigla.

Mukhang papabor sila liah dito kasi eto ang balak naming magbabarkada, at yun ay ang bumukod na sa mga magulang namin pagtuntong namin ng legal age namin.

Pero hello? 17 palang ako pwedeng next year nalang? Kasi naman e mamimiss ko sila ni mommy, ano ba yan naiiyak na ko.

"Eh dada pano ko makakapag-aral?" Tanong ko kay dada.

"Gaya nga ng sabe ko, anak. wala ka ng poproblemahin pa. Kami na ni mommy mo ang bahala sa lahat, ang kailangan mo lang eh ang mabuhay ng wala kami, is it clear?"

Pagtango lamang ang tanging naisagot ko.

"Oh sige na umakyat ka na sa kwarto mo at mag-impake na ng gamit mo. Dahil bukas na bukas din ipapahatid na namin kayo ng mga barkada mo sa titirahan nyo" sabi nito.

Agad naman nanlaki ang mga mata ko, agad-agad?

"Di ka din excited na paalisin ako dito sa bahay no, dada?" sarkastiko ko ditong sabi.

Tumawa lang ito at napapa-iling

"Di naman sa ganon, syempre gusto lang kitang makitang magwala"
tinignan ko ito ng masama. "Joke lang hehe.".

matapos ng usapan namin, naisipan ko nalang umakyat sa kwarto ko at nag impake na nga.

Hays, Di ko pa din maiwasang malungkot knowing na lalayo ako sa kanila. I love them so much.

Kahit ganyan sila sakin, mahal na mahal ko sila. Sobra pa sa sobra. Kaya nga di ako pumapabor sa kagustuhan nilang ilayo ako sa kanila. Pero anong magagawa ko? Sila na rin naman nagsabi na para rin to sakin.

Habang nag-aayos ako ng mga gamit ko, bigla na lamang nag ring ang phone ko hudyat na may tumatawag.

Liah's calling....

Si liah lang pala.

Siya nga pala si liah, isa sa apat na matatalik kong kaibigan. We're bestfriends since elementary kaya nga  di kami napaghihiwalay nyan. sanggang-dikit din kami sa lahat kaya nga yung iba pa naming kaibigan nagtatampo samin, kesyo bakit daw kami lang daw yung magbestfriend para daw'ng di sila nage-exist kundi kaming dalawa lang.

di na kasi namin napapansin yung tatlo, pero okay lang naman daw sa kanila kasi alam nilang since Elem. Days magkasama na kami ni liah.

"Oh napatawag ka liah?" Bungad ko dito.

The VillageWhere stories live. Discover now