Chapter 2.

7 1 0
                                    

Niel's POV.

Aray! leche ang sakit ng likod ko.

Teka bakit tahimik ata?

Agad akong bumangon at tiniginan ang oras sa wallclock malapit sa pinto.

3:50 na ng hapon. Idlip nga ang nagawa ko. Nilibot ko ang bawat sulok ng bahay na tinutuluyan namin.

May napansin akong dalawang pinto mula sa daan patungong kusina. Hindi ba napansin nila ouie to? Ang alam ko galing silang kusina kanina.

Dahil sa kuryusidad ko, Napag desisyunan kung buksan ang mga ito.

unang kong binuksan ang unang pinto.

Ay ang taray, may pa Music Room din pala dito. Nako matutuwa si vane nyan pati si clouie.

nilibot ko lang ang loob nito, at napag desisyunang lumabas na at buksan ang pangalawang pinto.

Nang bubuksan ko na ito ay bigla akong nakaramdam ng Pagka dismaya.

Bakit kasi naka lock!

Hinanap ko naman yung susi ko. Bawat isa kasi samin may mga susi sa bawat sulok ng bahay.

Nang makita ko ito agad kong sinubukan isa-isa gamit ang anim na susi sa keychain ko.

Bwisit bakit di ko man lang mabuksan tong lecheng pinto na to mula sa mga susi dito?!.

Maya maya din ay itinigil ko na ang kabaliwan ko sa pintong yon. Bwiset!

Umakyat nalang ako sa second floor ng bahay upang silipin ang mga dalaginding kong mga kaibigan.

Nakakatuwa nga at natupad ng maaga yung mga gusto namin noon, dati pinagpa-planuhan pa namin to. Pero ngayon, tadah! heto na kami nasa iisang bubong.

Nang maka akyat agad kong kinatok ang naunang pinto.

"*Yawnnnn* oh baket niel? bakit nambibwiset ka na naman"- antok na pahayag ni liah habang naghihikab pa.

Binatukan ko ito. "Ang baboy mo naman liah! uso magmumog bago makipag usap leche!"-  singhal ko dito.

"aray! ang arte mo naman. Ikaw na nga itong nangiistorbo ikaw pa mananakit!"- Parang bata nitong sabi.

Hay na'ko. Kailan ba ko masasanay sa childish side nitong si liah. Ang arte arte jusmiyo.

"Liah! Sino ba yan bakit ang iingay nyo!"- sigaw ni yumi.

"Masamang engkanto lang napadaan lang"- Sigaw pabalik ni liah kay yumi.

Binatukan kong muli ito, Aba't Engkanto pala ha. Ayan tikman mo yang pambabatok ko sayo.

"Ano ba! Nakaka dalawa ka na Daniel Vincent Garcia ha!"

"So what, Aliahnna Mae Villanueva!".

Sigaw kong pabalik dito.

"What the ef! Ano ba yan!! Bakit ba ang iingay nyo!"- Medyo paos na banggit ni clouie na lumabas mula sa kwarto nila.

"oo nga" - sulpot din vane na kasunod lang ni ouie.

"Eto kasing baklitang to! nambabatok, huhu look mga bessy oh it hurts huhu it hurts!"- arte nitong akala mo umiiyak talaga. Psh gaga!

"Liah tigil mo na yan, di bagay sayo."- Yumi mula sa likuran ni liah.

Inirapan lang sya nito tapos tumigil din.

Agad ko namang binalingan ng tingin sina ouie. " Oh di ko na pala kayo kailangan pang gisingin, kala ko kailangan ko pang salpakan ng granada yang pinto nyo e."- sabi ko sa kanilang dalawa.

The VillageWhere stories live. Discover now