Chapter 3.

6 1 0
                                    

Liah's POV.

caedem legalis?

ano yon?

"keydem le- ano? ano ba yon, di na nga maintindihan hindi pa mabigkas."- Pagrereklamo ko.

"May galis ka daw, niel"- clouie, sabay hagalpak nito.

"Tinatarantado mo ba 'ko, sis?"- niel.

"Hoy! Tumahimik nga kayo."- pagsingit ni vane.

Katahimikan.......

Matapos ang higit dalawang minuto'ng katahimikan.

"Keydemlegalis kung babanggitin."- Paliwanag nito sa reklamo ko.

"Oh ngayon, ano naman? i mean anong ibig sabihin?"- tanong naman ni yumi.

"Legal na patayan...sa loob ng  village na to ay may alituntunin na  legal ang patayan"

Sabi nito na ikinatigil namin.

A-ano? Legal ang patayan dito? teka imposible yan.

"Nagda-drugs ka ba? Hay na ko te, wag mo kaming pagtripan ha kasi yang pangtitrip mo di na nakakatuwa. Kanina ka pa sa bus nananakot!" Singhal ni clouie sa babae.

" Para sabihin ko sa inyo hindi ako nakikipag lokohan o nangti-trip dito At para sabihin ko sa inyo na simula nang pumasok kayo sa village na to kasama na kayo sa laro. Hindi na kayo makakalabas pa dito, maliban na lang kung matapos niyo ang misyon na ibibigay nila sainyo."- Paliwanag nito.

"Misyon? nila? A-ano yung misyon? S-sinong nila?."- Tila takot na pahayag ni vane.

"Sa ngayon hindi ko muna masasagot 'yang mga yan."- saglit itong tumigil at tumingin sa wallclock nila. "Bago ko makalimutan, Bago mag alas-siyete kailangan nyo ng manatili sa loob ng bahay. Dahil kung hindi maaaring hindi na kayo masisikatan pa ng araw."- sabi pa nito.

"teka, bakit? Ano na naman kung wala pa din kami sa loob ng alas siyeta ng gabi?" Tanong ni niel.

"Isa yan sa mga alituntunin ng village na to, at Gaya nga ng sinabi ko, legal ang patayan dito. kung wala pa kayo sa loob ng alas-siyete, bye-bye!"- sabay ngiti nito.

"At wag na wag niyo silang susubukang banggain. Dahil sa oras na makalaban o makaharap niyo na sila para na din kayong humarap kay kamatayan."- Dagdag pa nito.

Creepy! Shocks!

"6:30 na...."- Biglang banggit ni vane.

"Mukhang kailangan nyo ng umalis, bago pa nila Kayo maabutan."- Bigla naman itong tumayo at binuksan ang pintuan na tila pinaparating na Umalis na kami.

Tumayo din kami agad at maya maya lamang ay...

"Sa oras na marinig nyo ang tunog ng nakapangingilabot na sirena. siguraduhin nyong naka sarado at naka lock na ang pinto at bintana nyo, At huwag kayong magtitiwala sa ibang tao na naririto. Marami pa kong balak sabihin  sa inyo pero sa ngayon, hanggang diyan muna. mag iingat kayo."-  At agad nitong sinara ang pinto.

Nagmamadali naman kaming pumasok sa bahay namin at agad itong nilock ni niel, At chineck namin ang bintana ng bawat sulok ng bahay.

Hindi naman sa masiyado kaming nagpapaniwala doon sa babae. Pero mas maganda na ang sigurado no.

"misyon? Patayan? Duh! As if namang totoo 'yon. Ano 'to movie lang ang peg? Psh anong klaseng  pakulo naman 'tong pinag-gagawa ng may-ari nang village na 'to."- Clouie.

"Ouie, hindi sa nagpapaniwala kami sa sinasabi 'nung babae. Pero mas okay nang sigurado tayo."- hayag naman ni vane.

"Oh yeah, yeah fine!"

"So, ano nang balak natin?"- tanong ko.

"As of now, kailangan muna nating manatili dito sa loob ng bahay, maliwanag?"- hayag naman ni niel.

Tanging tango lamang ang naisagot namin.

maya-maya lamang ay biglang nag-ring ng telepono ng kung sino sa'min. Agad naman naming tinignan ang kaniya-kaniyang telepono.

"Sa akin yung tawag, excuse me."- sabay nito ang pag-alis ni yumi.

"Liah samahan mo ako sa kusina para maghanda na ng kakainin na'tin."- vane.

Agad din akong sumunod at iniwan sina niel at ouie sa sala. Naabutan ko naman si vane na sumisilip sa ref at naglabas nang mga sangkap na lulutuin namin.

wao sinigang!!!.

Habang naghahanda ay napag-usapan namin ni vane yung about sa sinabi nung babae.

"Naniniwala ka ba sa kanya vane?"- tanong ko dito.

"Sa totoo lang, naguguluhan ako. Hati kasi, may part sa aking oo at may part nama'ng hindi."- sabi pa nito.

Katahimikan na lamang ang namagitan sa amin matapos nya'ng sagutin ang katanungan ko'ng iyon.

Matapos ang kalahating oras ay narinig namin si yumi na tinatawag kami.

"Bakit, yumi?"- bungad ni vane.

"Pinapasabi ni daddy na bukas na bukas din ay simula na ang pasukan na'tin. Sa mga kwarto daw na'tin nakalagay ang bawat envelope na'tin. Kompleto na daw lahat maging ang ID's at uniforms natin ay naroroon na, tanging sarili na lang na'tin ang kailangan dalhin sa University."- yumi.

"Grabe naman, di man lang tayo hinayaang magpa-hinga kahit isang araw?"- reklamo ni ouie.

"Tama na nga 'yang pagre-reklamo mo ouie, kanina ka pa."- pagsuway naman ni niel sa'kanya.

Nagmake-Face lang si ouie sa kanya sabay irap.

"Guys, Bago ko nga pala makalimutan may sasabihin ako." -Pagtawag pansin ni niel sa'min.

"What is it?"- tanong ko.

"Napansin nyo ba yung dalawang pinto papuntang kusina?"- Tanong niya.

"Oo, Sinubukan nga na'ming buksan ni liah 'yan kanina, kaso naka lock kaya di na lang namin pinilit"- sagot sa kaniya ni ouie.

"Naka lock nga, pero yung naunang pinto bukas na at sa tingin ko matutuwa kayo vane kung anong nasa loob no'n"- ngiti ni niel sa'min.

"bakit, ano ba yon?"- tanong ni vane.

"Music room"

katahimikan.....

Maya-maya, biglang tumakbo si vane patungo sa dalawang pinto at Nang mabuksan niya ito ay agad itong pumasok at nagti-tili.

"O.M.G!! Legit ba'to?!"- hayag ni vane na tila kumikinang ang mga mata sa kaniyang nakikita.

"Hindi ba obvious?"- sarkastikong hayag ni niel.

inirapan lang sya ng isa.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 03, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The VillageWhere stories live. Discover now