CHAPTER FOUR

1K 8 3
                                    

CHAPTER FOUR

Anesthesia's POV

Napatingin ako kay Nat sa pagkabigla, hindi ko inaasahan... na makikita ko ulit s'ya.

Oh my gosh! What am i going to do???

Napansin ko ang biglang pag ngiti ni Nathan, mukhang nakabawi na s'ya sa pag kagulat ng pumasok si Nicolas sa loob ng opisina ko.

"As i was saying... Ahm, Nat can you give us a moment... Please?"

Ayokong mas lalo akong mahiya habang nandito ang baliw na lalaking 'yon. Baka hindi kayanin ng puso ko ang kaba habang nanonood s'yang ipahiya ulit ang sarili ko sa napakagwapong lalaking 'to. Bakit ba naman kasi mahal na mahal ni Lord ang taong 'to at biniyayan ng ganitong pagmumukha! Hindi tuloy ako makatingin sa mata n'ya.

Napatawa ng mahina si Nathan, na naging hudyat upang pandilatan ko ito ng mata.

"Miss, labas muna ako... Mukhang mahaba haba ang pag-uusapan n'yo ng boyfriend mo." May diin pang sabi nito sa salitang boyfriend— May malilit na tawa pang kumakawala sa bibig n'ya habang palabas ng opisina ko.

"Uhmm... Hi?..."

Napaka- awkward mo naman theas! Bulong ko sa sarili ko dahil halos wala na akong masabi sa lalaki, at hindi pa ako makatingin rito nang maayos.

"Don't... be nervous, i'm sorry about what i said earlier..." Nahihiyang saad nito habang nakahawak sa batok.

Oh, jusko po! Napaka-gwapo talaga! Maaari ko ba itong isako at i-display sa bahay ko??

"Ano... Ayos lang, nabigla lang kami. Hehehe" Sagot ko rito.

"Ahm, ano nga palang sinadya mo dito at napadalaw ka?" Dagdag kong tanong dito, habang nahihiyang nakatingin.

Hindi pa rin ako nakakabawi sa pag iisip na ang gwapo ng lalaking 'to. Grabe na talaga Lord, may favoritism ah!

"I'm still thinking... Ahmm about your number." Napanganga ako sa sagot nila, sasagot na sana ako ng nag salita pa ang binata.

"I didn't get it since... Nagkameron ako ng emergency that day..." Namumulang saad nito na ikinawala ng maliliit kong tawa.

"Mabuti pa ang phone number ko, iniisip mo pa rin." Mahina kong bulong, habang nag hahanap ng notepad na maari kong pagsulatan ng number ko.

Narinig ko ang pag tawa nito... Kaya napa angat ako ng tingin.

"Binalikan naman kita." Sagot nito habang nakatingin sa akin.

Gagi!! Narinig niya ang sinabi ko! Theas!! Ang haba ng buhok mo, anong gayuma ang binigay mo sa gwapong lalaking nasa harapan mo?? Tanong ko sa sarili ko, na alam ko naman na wala akong makukuhang sagot dahil nakabakasyon ito at hindi ko naman ginayuma ang Nicolas na ito.

"Marunong ka pala mag joke ah!" Pabiro kong sagot dito, para naman mabawasan ang kahihiyan at kilig na nararamdaman ko.

"I do mean it, Anesthesia." Seryosong sagot naman nito, na s'yang kinaseryoso naman ng mukha ko.

Grabe ang kabang nararamdaman ko ngayon, masyadong seryoso itong lalaking nasa harapan ko. Nag baba na ulit ako ng tingin upang ituloy ang pag hahanap ko ng note pad dahil wala akong maisagot sa sinabi n'ya, namumula rin ang pisnge ko dahil sa kaba at hiya na nararamdaman ko.

"I... I'm sorry." Napaangat ulit ako ng tingin dito ng marinig ko ang sorry n'ya.

"Why are you saying sorry? You didn't do anything wrong." Nabilis na kinakabahan kong sagot dito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 31 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AnesthesiaWhere stories live. Discover now