***
LIMANG ARAW BAGO NILUSOB ANG KAHARIAN NG NEVERLAND.SOMEONE'S POV.
Mabibigat ang mga yabag kong papalapit sa silid ng aking kapatid.
Kung saan ipinulong nanaman ang mga matataas na uri ng mga salamangkero't-salamangkera na gumagamit ng ipinagbabawal na mahika.
Nang marating ko ang pinto ng silid na pakay ko agad kong ipinihit ang saradura ng marahas. At siyang gawa para lingunin ako ng lahat.
"Huli ka nanaman sa ating pagpupulong aking mahal na kapatid," sambit ng nakakabata kong kapatid.
"Hanggang kailan moba to gagawin?" pagalit kong tanong sa kanya.
"Hanggang makuha ko na ang pakay ko at nang muling mabuhay sila ama't-ina," at nginitian niya ako ng makahulugan.
Sinamaan ko na lamang siya ng tingin, at lumabas ng muli sa silid na iyon.
"Maghintay ka lang kuya, isunusumpa kong nalalapit na ang pagdating nila!" ang huling sambit na narinig ko bago ako tuluyang nawala sa lugar na 'yon.
***
©2015 yfrancisco